chapter 1.

145 3 0
                                    

Sunday, isang normal na araw para sa mga taong gala dito, gala doon. At hindi ko nga alam kung saan ako kinakaladkad ni buttercup at bubbles. Oo PPG sis kami, mga taong Patay na Patay Gutom. Anyenyenye, korni. Pero seriously, gutom na ko.  Bakit nga ba kasi kanina pa kami lakad ng lakad? Ang init-init.

Eto ako, gutom at naglalakad, samantalang may malaki kaming bahay, madaming foods sa ref, may kotse kami, may driver, may maids and most of all, I have money and I can afford a taxi.

Ang ganda ganda ng sketchers kong sapatos, kabibili ko lang ka –

*TOINKS!

"Aray!" noo ko. "Ay pisti kang poste ka! Magsorry ka! Magsorry ka!"

Himas himas ko pa yung noo kong maganda na nauntog sa poste at naglakad ako ulit. Tsss..

 "Dennisse"

Someone called my precious name.

Ah si buttercup.

"Bakit ang bagal mo maglakad?" tanong nya.

I stopped for awhile and balik poise. "kasi maganda ako", I answered with matching blink blink eyes pa.

Oo nga pala, ako si Dennisse Laurel, isang artista, pero syempre joke lang. Ma. Fatima Dennisse Baes, that’s my name. azar noh? May maria na, may Fatima pa, virgin na virgin. Minsan nga tinanong ko ang nanay ko kung bakit yun yung name ko kasi pwede namang Dennisse lang, at ito ang sagot ng mabuti kong ina, "Akala ko kasi magiging mabait ka", o diba nakakatouch? naiyak nga ako e.

Anyway, 16 years old na ko, 4th year high school from Southern Art University. Isang babaeng biniyayaan ng tunay na kagandahan. Yeah, I’m sexy, undeniably adorable and drop dead gorgeous. A sweet, short haired girl, 5’4" of height. Again, maganda ako, sexy, mestisa. Uulitin ko, MA.GAN.DA.A.KO. Spell ko pa?

Teka, bakit parang ako lang yata mag-isa ang naglalakad? Nasan na yung dalawa?

Lumingon ako sa likod.

"Arrie? Lindsey? Baka naman maunahan pa kayo ng snail nyan?"

Huminto sila at tumingin sa paligid. Sabay tanong "Nasan yung snail?"

OmyG.  --W

Sila naman sila buttercup at bubbles, si Arrie Castillo at Lindsey Dela Cruz. Sila yung mga taong nakasalo ng isang batya ng pagiging slow.

"Ha? Ah. Wala. Walang snail, what I mean is… ang bagal nyong maglakad"

"Sabi mo mabagal maglakad ang magaganda?", sagot ni Lindsey with open wide smile.

May sinabi ba kong ganon? Parang wala naman.

Oh thank God I’m blessed with smart friends.

After 547874975874656 years of walking…

"Ehem. Are you guys sure that we are going to ride that train? "

E kasi naman, di naman sa kaartehan,. But haller? They forced me to ride that PNR. You know? The Philippine National Railway? The old train ? yung train na parang bibigay na in one blow lang ni kuyang pogi na nakablue at may kasamang panget na girl.

Eto nanamaaaaaaaan! Inaatake nanaman ako ng pagiging mean ko. Sabi nga ni author, dapat daw mean ako, at pinaninindigan ko lang. di naman kasi talaga kagandahan yung babae. Enough, ayoko ng bigyan nga atensyon ang mga uri nila.

Back to the train, like I said, maalog sya kasi nga luma na. baka kasi may umalog sakin, alam mo na…

Left brain: Asa ka pang may aalog jan.

Righty brain: oo kahit papano meron !

Left brain: in your dreams

Right brain: I am the right brain and you were always left so SHADDAAAAFFFF! (shut up yon, may history kasi ako ng pagiging ngongo. Char)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once Upon a Song: Remembering SundayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon