CHAPTER 40

1.9K 73 13
                                    


"Anong ibig mong sabihin?" sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw ba yung pandang panget na mascot na nagnakaw ng first ko?" galit na tanong ko.

Hindi agad siya nakasagot.

"Sagot" naiinip na sabi ko.

Kumunot ang noo niya saka umiling. "No, of course not. Bakit pa ako magsusuot ng mascot na panda kung mahahalikan naman kita ng hindi nasasapak?" bigla siya ngumiti na parang may magandang naalala.

"Im referring to the same day I've kissed you na bigla mo kong sinapak. Nakiss na kita habang tulog ka inulit ko lang nung hindi ka nagising" ngiting ngiti na sabi nito.

Tinitigan ko siya ng matagal na parang nagproseso pa muna sa utak ko ang mga sinabi niya. "Tsk"

"Bakit? You really thought it's me?" tanong niya na parang naamused pa.

"Oo. Mahilig ka din sa panda e" sabi ko.

Ngimiti siya "Hindi naman. May nagbigay lang sakin dati ng keychain na panda and I just find it cute" sabi niya at nilabas ang keychain na sinasabi niya na nakita ko noon kaya ko sya pinaghinalaan.

Hindi na ko sumagot at nauna ng maglakad papunta sa classroom. Wala pa si Yanna pero nasa loob na ang mga babae na mahilig sa gwapo.

"Do you want me to stay with you until Yanna comes back? The girls inside look like they're going to eat you alive" sabi ni Ian habang nakasilip sa loob ng classroom.

"I can handle it" nasabi ko na lang saka siya iniwan at pumasok na ko sa loob.

Ramdam ko ang tingin nilang lahat pero hanggang doon lang yun, para silang tuta; tumatahol lang sila at hanggang tingin lang pero hindi naman sila makalapit at nangangagat kaya okay lang. Tahimik akong naupo sa upuan ko at sumandal saka pumikit. Umingay na ulit ang paligid at nawala na ang pakiramdam na may nakatingin sakin.

"Hey" sabi ni Yanna at naupo sa tabi ko "Bakit mo hinila si Ian? Ikaw ha? May secret kayo na hindi niyo sinasabi sakin."

"Wala" tamad na sagot ko habang nakapikit pa rin.

"Fine. I'll ask Ian na lang" sabi niya at hindi na ako kinulit.

Umiling na lang ako at bumuntong hininga. Wala na akong magagawa kung sasabihin niya. Tsk. Sigurado hindi na naman ako titigilan ni Yanna kapag nalaman niya, mas gugulo na naman ang buhay ko. Kingina.

*

Wala pa si Papa pagkauwi ko kaya dumaretso na ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Bubuklatin ko pa lang sana yung laptop ko ng may kumatok sa pinto. Pagbukas ko, bumungad sakin ang nakasandal sa pader at nakapamulsang si Cone.

Ngumiti siya sakin tapos basta na lang pumasok sa kwarto ko at nilagpasan ako. Hinabol ko siya ng masamang tingin pero hindi niya yun naramdaman. Naupo siya sa tapat ng study table ko at pinakialaman ang laptop ko.

"Bakit nandito ka?" tanong ko sabay crossed arms.

"Sabihin mo na" magulong sabi niya habang nagtitipa ng kung ano sa laptop ko, wala naman kasing password yun.

"Pinagsasabi mo?"

Saglit siyang lumingon sakin saka binalik ulit sa laptop ang tingin. "Sabihin mo na kung anuman yang sasabihin mo" sagot niya ng hindi tumitingin sakin.

Kumunot ang noo ko saka ko naalala na kailangan kong magsorry sa kanya. Kaya ko ba?

Huminga ako ng malalim at pumikit. "Im sorry.." lakas loob na sabi ko.

"For what?" mabilis na tanong niya habang patuloy pa rin ang kung anuman ang ginagawa niya sa laptop ko.

"Sa nangyari kay Troy" Hindi ko na tinuloy dahil alam kong gets na niya yun.

Good To YouKde žijí příběhy. Začni objevovat