Chapter 14: Wala Akong Pake

92 0 0
                                    

SACH'S POV

narinig ko yung frustrated cry ni Moya mula dito. Nakita ko kung pano siya patahanin ng mga kaibigan nya at nakita ko kung pano sila nagkakagulo sa isang sulok ng caf. pero wala akong pake. wala. sa dami ng dinamay nya sa pagmamahal kuno nya kay Jae? wala akong pake. wala akong pake sa paggamit nya kay Jin, na minahal na rin siya, PUTAKTE wala akong pake. wala akong pake sa galit nya sakin, at kung pano nya sinira ang pantasya kong magmahal at mahalin pabalik, wala akong pake kung hindi nya kasalan yon, wala akong pake kung si Jin naman ang umayaw sakin, oo wala akong pake kahit na ang sakit malaman non. wala akong pake. wala akong pake. wala akong pake sa fact na dahil daw kuno sakin eh wala sakanya si Jae, wala akong pake kung bakit di ko naintidihan yon. wala akong pake kung pano nya dinurog ang puso ng isang taong walang ibang ginawa kundi mahalin siya, kahit sinakripisyo pa neto ang pagkalalaki nya. gets nyo na? wala akong pake. 

wala akong pake kung kumalat yung video sa loob ng dalawangpung minuto, wala akong pake kung pano magsigawan ang magtilian yung mga babaeng malalandi dito sa loob ng caf nong pumasok si Jae, wala akong pake kung pano nya sigawan si Moya. wala akong pake. ang ginawa ko lang ay makinig. at magmasid. 

"What the hell is this Moya?!" sigaw ni Jae na umalingawngaw sa loob ng Caf na para bang may microphone siya at naka full volume ang speakers dahil lahat nakikinig, lahat nakatitig. 

"I-I just w-w-wanted to be with y--" naputol ang sinabi ni Moya sa lakas ng boses ni Jae na punong puno ng galit. "THATS BULLSHIT AND YOU KNOW IT!" pigil na pigil ako sa inis ko dahil sa mga bawat patak ng luha ni Moya na akala mo kasi ang bait bait nya pero puta hindi naman talaga. nakakabwiset kung pano siya maglumpasaya sa sahig at magmakaawa na para bang in the first place kanya si Jae. pero dahil wala akong pake, hindi ako umimik. 

"But I only did everything because I love you Jae! WHY CANT YOU SEE THAT?" 

"Maybe because I never asked for it." nakita ko kung pano mamutla ang mukha ni Moya. sarap nyang ilampaso, bwiset. 

pinaikot ikot ko sa ulo ang lahat ng nangyare, hindi ko namalayan na wala na si Cortez sa tabi ko, di ko alam kung babalik pa ba yun o magpapaka layo layo muna. hindi ko namalayan na wala na ako sa canteen. na dinala ako ng paa ko sa isang club. di ko namalayan na may kasayaw akong lalake at ang laswa ng sayaw namin. masyado sigurong preoccupied yung utak ko nung sinimulan nya akong halikan, at hinayaan ko lang siya. tulala din ako nung may sumuntok sakanya at nagpagulong gulong sila. diba nga... wala akong pake. 

**ITULOY ANG KWENTO NI TERR CORTEZ**

Sach's POV

"ikaw naman kasing bata ka! bakit kasi hindi ka nalang naging babae ha!" sigaw ng nanay netong ni 'terra' akalain mo ba namang sa isang hacienda nakatira tong gunggong na to, at ang masaklap, dinala nya ako dito para ipakilala sa nanay niya. abat gago din no? hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag. takte, sabi banaman sakin isang buong taon daw akong may kape na libre, aba sino banamang ayaw non? kahit mayaman ako, nakakatamad kayang pumunta pa sa starbucks. Isipin nyo, araw araw may kape na sa table ko, ayos diba?!

pero ang rason kung bakit nya ako pinakilala? sabi nya girlfriend nya daw ako. wow, ang hangin ni pare, tinangay yung hacienda nila. ang malas nya, hindi naniwala yung nanay at tatay nya. alam nyo ba kung anong sabi ng tatay nya? "alam mo anak, sana talaga naging babae ka nalang! kita mo yan oh, sa gwapo mong yan wala ni isang katiting na spark sa mata netong babaeng dala dala mo sayo oh, kitang kitang hindi nagagwapuhan sayo! sabi ko na eh, naging babae ka nalang sana!"

o diba, weirdo? sinong tatay at nanay ang gagawing babae ang anak nilang kay gwapo at tinitilian ng 99% ng babae sa eskwelahan namin? at ang tawag sakanya sa bahay? "TERRA" EPIC POTEK. 

The Masochist Bitch [onhold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon