Chapter 1: MIDB

17.2K 273 14
                                    

Ang istoryang ito ay kathang isip ko lamang kahit yung mga lugar na may mag kakatulad ay isip isip ko lamang. Lahat ng characters dito ay di talagang may buhay. Yun lamang po para maliwanag sa lahat. Umpisa na ng MIDB

Phoebe Pov.

Hi im Christina Phoebe Sandoval 18 years old 2nd year college sa Easton University isang mahiyain at simpleng babae. Bestfriend ko si Julian Torres bakla sya at sobrang ingay nya kaya nahihiya ako kasi isang hamak na simpleng babae at mahiyain ang mag kakaroon ng ideal boyfriend na hindi papantay sa standard nya. Sino pa nga ba ang mag kakagusto sakin diba kung ang gusto ko ay simpleng lalaki lang din siguro may pag asa pa pero kung isang popular chick boy sa campus namin ang gugustuhin ko isang pangarap lang lahat ng ito. Imposible namn na mag kagusto sakin si Nathaniel Kent Chavez.

"Julian ano ng gagawin ko nakakahiya yung ginawa ko kanina kay kent" nag aalala kong sabi kay julian kasi naman hiyang hiya na ko sa mga sinasabi ko kasalanan ko bang gising sya non huhuhu anu ng gagawin ko anu ng mukha ang maihaharap ko sa room namin. Lalo na pag nalaman lahat yun sa campus parang gusto ko ng mag palamon sa lupa o kaya mag padala sa malakas na hangin para lumayo sa kahihiyan na ginawa ko kanina..

"JULIAN ANO BA!!!"

"Shhh!!!!" Nag tinginan yung tao samin sa lakas ata ng pag kakatawag ko kay julian eh nasa library pa man din kami.

"Kung hindi nyo kayang tumahimik umalis kayo dito. Library to at hindi palengke." Patay si julian kasi ang arte arte di namamansin.

"Tara na nga phoebe" tsk san ba kami pupunta.

"Oh! Girl ano bang pinuputok ng butchi mo dyan ha" baklang bakla ang loka.

"Eh! Kasi ganito yun."

FLASHBACK

"Psst.."

No Respond.

"Psst.. Bakit ang gwapo mo?... Ang tangos ng ilong mo (habng hinahawakan ang ilong).. Ang pula ng mga labi mo daig mo pa ko.! (Kaninang nakahawak sa ilong na punta na sa mapupulang labi ni boy) Ang haba ng mga pilikmata mo... Sana mapansin mo din ako gaya ng pag pansin mo sa ibang babae na magaganda at sexy.... Sana hindi mo hanapin ang babaeng sa labas na pagkatao lang ang maganda nandito lang naman ako. (Nakatungo at Naluluhang sabi nya) Sana di lang hanggang pangarap ta panaginip ang lahat ng ito....Tsk. Bakit ba kasi di kita makausap kapag gising ka. Lagi nalang kitang makakausap sa ganitong sitwasyon ng tulog ka at Kailangan ko bang sabihin ang nararamdaman ko sa ganitong paraan na kahit imposible mo kong marinig dahil dyan sa headset mong lagi nakasalpak sa tenga mo. Hahaha nakakatawa kasi sa lahat ng mamahalin ko yung tao pang hinding hindi namn ako mapapansin. Dyan ka na nga baka magising kapa"

Aalis na sana ng

"Anong ginagawa mo?"

"Ha?! Wa-Wala...Alis na ko."

Lumapit sa mukha ni girl

"Sa susunod kung may gagawin ka, Yung gising ako para marinig ko at makita ko kung ano ang ginagawa mo sa mukha ko." Lumapit pa ng sobra kaya napaatras si girl "Para sa lahat ng tanong mo may sasagot. Hindi yung palaging ikaw ang mag sasagot sa tanong mo."

Iniwang tulala si Girl

Dugdugdugdug(If ganyan ang tibok ng puso hehehe)....

"Ang lakas ng tibok ng puso ko."

END OF FLASHBACK

"Yun ang nangyari" malungkot na sabi ko.

"Oh Mo Girl"

"Hala bakit ?"

"Ang galing mo girl" may palakpak pa nyang sabi at tatawa tawa hala baliw na ata tong kaibigan ko

"Ano bayan julian kahit minsan mag seryoso ka naman." Inis na sabi ko kasi ganito na nga yung nangyayari may gana pa syang mag loko. Maka alis na nga lang.

"Hey girl san ka pupunta.?"

"KAHIT SAN KUNG SAAN MAG LALAHO AKO" sigaw ko sa kanya.

"WAH!!! GIRL WAG MONG GAWIN YAN MAHUHULAS ANG BEAUTY MO KAYA BUMALIK KANA."

Di nalang ako nag salita mauubusan lang ako ng laway kapag sumigaw pa ko.

....

My Ideal Boyfriend ✅Completed!!Where stories live. Discover now