// 2: One More Chance

15.8K 613 93
                                    

“Friend, bumitaw ka na. Tama na. Masakit na diba?”

-----------------------------x

Sisindihan ko sana ang sigarilyo na hawak ko ngunit agad itong inagaw sa akin ni Cara. Itinapon niya ito sa lapag ng kwarto ko. Langya! Unang yosi ko palang iyon sa araw na ito eh at last na yosi ko na ‘yon. Sayang. Sayang!

“Gaga ka talaga eh no? Tanga lang? Papanindigan mo pa ba?” sunod sunod na pambubunganga ng best friend kong si Cara at bumalik siya sa pagkain ng popcorn. Kakatapos ko lang kasi ikwento ang lahat sa kanya at pinagsisisihan ko na ngayon kung bakit ko pa nasabi 'yung tungkol sa pagpunta namin ni Lisa sa mall.

Inirapan ko lang siya sabay tingin sa t.v.

“Isipin mo na lang friend, si Lisa ay isang aso,” halos mabulunan ako sa sinabi niya ngunit nagpatuloy pa siya, “At si Nathan ay isang buto galing sa isang malanding manok. Ang talagang may-ari ng buto ay si Lisa na isang aso at naiwan lang niya ito kung saan dahil shungaers siya. Close sila ng buto, friends na friends sila! Tas biglang may napadaan na mabaho at makati-na-handang-magpakamot na pusa. Ikaw yun, friend,” itinaas ni Cara ang kamay niya na ibig sabihin ay huwag muna ako sumabat, “Akala mo, friends kayo ng buto at dahil wala na yung ka-friendster niyang aso, sumama sa’yo si buto. Wala lang, wala na yung aso eh. Tas biglang bumalik si aso. Sa tingin mo, kanino sasama si buto?”

Tangina, ang lalim ng kwento ni Cara!

“Ay basta, friend. Tigil na ha? Ako ang uuntog sa’yo. Masokista ka ‘rin eh no? Sarap mong ingudngod sa pwet ni Doraemon. Langya ka! Ang gaga mo talaga,” muli siyang kumain ng popcorn na akala mo’y normal at hindi ako nilait-lait sa harapan ko. Sa mismong bahay namin!

“Alam mo, Cara. Hindi mo kasi naiitindihan ang nararamdam ko—“ at muli na naman akong pinatigil ng lukaret.

“Alam ko yan, friend. Alam na alam ko yang nararamdaman mo. Kalandian. Kakatihan. Kakirihan. Pagiging haliparot. Malalantod! Daig nyo pa ang mga malalanding naglalandian tuwing Undas sa sementeryo! Leche!” umakting pa siya na pinapaypayan ang sarili niya gamit ang mga kamay.

O.A na.

“Cara, pwede bang pagsalitain mo muna ako?! Daldal ka nang daldal dyan eh. Daig mo pa si Lisa, bwisit!” sumubo pa ako ng ilang popcorn saka umirap sa kanya.

“Okay. Sige, gora na. Baka maiyak ka pa dyan eh hahahaha!”

Shet.

Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigang tulad ni Cara?

“Unang-una, mahal ko siya. Mahal ko si Nathan, alam mo naman diba? And kilala mo ako, kung ano ang gusto ko, makukuha ko. Gusto kong makuha si Nathan and the only way na makuha ko siya ay maalis si Lisa. Gusto kong magbreak na sila, yung totoong break-up!”

“So, anong gusto mo? Ipa-kidnap natin si Lisa katulad nung nangyari dun sa babae sa Meteor Garden tas ang only way na pakawalan siya eh pagbe-break nila ni Nathan? O kaya maglagay tayo ng bomba sa bahay niya tas ang magic word lang para ma-deactivate ang bomba eh ang magkipaghiwalay siya?” tuloy tuloy pa niyang sabi.

The Surrogate Girlfriend | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon