Pag-ibig

191 8 8
                                    

Pag- ibig?

Dyan ko naranasan umiyak ng patago
at masaktan ng hindi kumikibo.
Magmahal ng walang hinihintay na kapalit
Dahil kahit ano pang pilit ay hindi na maipilit

Noon, masulyapan ka lamang ng kahit saglit
Matatamis na ngiti agad sa labi ay gumuguhit
Kinukumpleto mo ang araw ko
Na para bang ikaw ang nagpapaikot ng mundo ko

Hanggang sa ang dating ngitian
Ay nauwi sa paunti unting usapan
Itong mga ngiti ko na hindi maitago habang kausap ka
Hindi ko mapigilang itong galak na nadarama
Na sa wakas nakausap na kita!

Akala ko okay na, akala ko may pag asa na
Pero natatandaan mo ba?
Kung paano ka magkwento tungkol sa inyong dalawa
Kung gaano ka kasaya habang kasama siya

Hindi ako pwedeng magselos, kase sino ba naman ako sa buhay mo?
Ako lang naman ay isang hamak na  kaibigan mo
Ikaw yung taong bigla ko na lang ginusto
Pero hindi ko akalain na tatamaan ako ng husto

Bes? Bes pa nga ang tawagan natin
Si 'Bes' na kahit kailan ay hindi mapapasakin
Na sana pala nung una palang iniwasan na kita
Para hindi na dumating sa puntong ayoko ng mawala ka.

Pero gusto kong magpasalamat sa iyo
Na minsan sa buhay ko, naramdaman ko ang pagibig na ito
Hindi man nasuklian
Naging masaya pa rin

At ngayon na malapit nang matapos ito
Gusto kong sabihin sa iyo
Na dahan dahan ko nang bibitawan
Ang matagal ko nang pinanghahawakan
Ang pag asa na balang araw ay mapapansin mo din

Pag-ibig? Pinakilig pero hindi inibig

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon