Kabanata 17

204K 2.7K 175
                                    

Dedicated kay @ReaderAddict_1922! Natuwa ako sa comment niya tungkol kay Marie. :) Salamat! :">

Kabanata 17

 

Iminulat ko ang mata ko ng maramdaman ko ang sinag ng araw sa bintana ng kwarto ko, tumayo ako at hinila ko ang kurtina atsaka nahiga ulit.. Isa isa kong inalala ang mga nangyari kagabi, at nagsimula nanamang tumulo yung luha ko, pero mabilis kong pinunasan iyon.. Wala naman kasing mangyayari kung iiyak ako ng iiyak, dahil kahit isang swimming pool pa ang iluha ko napanood na ng lahat yung video, at nandito pa rin yung sakit.

Tumagilid ako sa kama ko at napakunot ang noo ko ng makita ko ang isang earphone at iTouch sa bed side table, umupo ako at kinuha ko yon.. Kulay puti ang earphone at iTouch, sandali kong tinitigan ito at bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi nung mag usap kami ni Drake.

“Wala akong pakialam kung ilang libong babae ang virgin dito sa Pilipinas Kei Marie. Dahil wala silang binatbat sayo. Maganda ka, you just have to believe in yourself, higit sa lahat hindi ka madumi. Dahil kahit kailan hindi naging madumi ang tingin ko sayo.”

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sakanya, bakit ba nakikita ko sa mga mata niya na seryoso siya? Pero bakit yung puso ko ayaw maniwala sa mga sinasabi niya? Umiling ako at hinawakan ko ang dibdib niya..

 

“Drake..madami pang mangyayari.. Hindi mo alam kung ilang lalaki na ang dumaan sa—“

 

“Bullsht!! Wala akong pakialam kung ilan lahat sila! Dahil ang importante saakin ako  yung huli!” Sigaw niya! Natatakot ako dahil punong puno ng awtoridad ang boses niya.

 

“Mang aagaw ako Drake!!! Hindi mo ba naiintindihan yon?!!!”

 

“Putangina!!bakit hindi mo maintindihan yung simpleng mahal kita?!!” Ramdam na ramdam ko ang iritasyon sa boses niya, nanginginig ang mga mata niyang humihila sa mga mata ko.. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. “Bakit ba hindi ka makapaniwala na may taong magmamahal pa sayo? Dahil ba sa nakaraan mo?, Kei Marie, hindi naman nasusukat ang pagmamahal sa kung anong kaya mong ipagmalaki, dahil yung simpleng pagmamahal lang sapat na sapat na yon.” Bulong niya, napatiim ang panga ko ng makita kong tumulo ang luha sa mga mata niya, yung tipong dahan dahan pang tumulo iyon para lang malinawan ako.. Deserving ba ako sa mga luhang yan?

 

Pinunasan ko ang luha niya. “H’wag kang umiyak.” Mariin na sabi ko sakanya, pero hindi niya pinansin ang sinabi  ko dahil halos magalit ako sa sarili ko ng tuloy tuloy lang na tumulo yung luha niya. “Sinabi ng h’wag kang umiyak!!!!” Sigaw ko sakanya saka hinampas ko  ng hinampas ang dibdib niya!! Yung luha ko nagsimula nanamang tumulo! Hindi ko kayang may makitang lalaki na umiiyak sa harapan ko dahil hindi naman ako  karapat dapat doon! “H’wag k-kang umiyak...” Pahina ng pahina ang boses ko, hinila niya ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit! Pilit akong kumakawala sa mga yakap niya pero nanghihina ako.

Just Fall In Love Again (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon