#2 Meet my clueless friends ;)

1.6K 23 14
                                    

Chapter One

Bwisit talaga oh! Akala ko diretso na punishment ng lola ko sa ‘kin. Hindi ko alam na ipapadala kami lahat sa principal’s office! Ay sorry! I didn’t mean to be rude….ako pala si Jessica Jaslene Fernandez at ako ay isang cupid…..well not literally. Hindi ako nagsusuot ng diapers, wala rin po akong pakpak….tumutulong lang talaga ako sa mga taong nangangailangan.

“JJ” ang usually tawag ng mga kaibigan ko sa ‘kin. Boyish ako tapos 5’6 pa ang height ko (abnormal na yan ha!). Sumusuot ako ng eyeglasses (yung nerdy hindi yung cute na ray bans). Ayun walang arte ang mukha, tinatamad kasi ako palagi. Mahilig ako sa music, mahilig akong kumanta, mahilig akong mag gitara…pero higit sa lahat mahilig akong makialam  x3.

Ay sorry, kanina pa ako salita ng salita hindi na ninyo alam kung ano talaga nangyayari. So nasa principal’s office kami ng barkada ko, pasaway kasi kami. Ngayon kinakausap ni Mrs. Pineda (principal namin) ang lola ko. Inuna siya kasi ako naman ang pasimuno ng lahat eh >:))

Mel: Pahamak ka talaga ano?!

Si Mel talaga oh…..galit sa 'kin ba't pa kasi siya nagagree @_@. Melissa Alexandra Corpuz. 5’2, 16 years old, born on September 15, 1995, Girly…not to mention ‘Boy Crazy’ pa. Dati siyang tinutukso, pero ngayon grabe….ubod na ng kagandahan, kaso mukhang bruha pagmagalit…

Ella: Mel! Wag mo ngang pagalitan si JJ! Enough na yung pagalitan siya ng lola, atsaka                            

        kasalanan naman natin lahat ah!

Ella….my hero ♥, palagi akong pinapagtanggol nan :3. Isabella Marie Ayala, 5’4, born on December 10, 1995, Potterhead and Logan Lerman adik si Ella. Sabi niya sa ‘kin na balang araw magiging world traveler siya or magiging isang “New York Times bestselling author'.  Pero ngayon habang wala pa niya natupad dream niya siya muna ang “Wonderwoman” ko  :”>. 

Kassie: Uy guys! Pano na yan?! Siguradong papagalitan ako ni daddy! T_T

Hahay….si Kassie….strict ang parents niya. Kassandra Remie Castillones born on January 23, 1995, 17 na siya ngayon. Nurse ang mommy, lawyer and daddy….no wonder. May sister siya….kasing ganda rin nya, Si Kayla. Mahilig rin siyang kumunta at magbasa. Grabe…. pagtinatry namin siyang kausap walang sagot kasi palibhasa sa libro siya nakaharap.

Mel: Kawawa naman si Jen….nadadamay. Alam mo namang inosente yan!

Oo nga kawawa naman ang baby ko …kanina pang tahimik oh. Jenna Lovie Hernandez…tahimik siya sa paningin ng iba pero para sa amin sira ulo yan. Born on December 1, 1995, adik sa mga heartthrobs si Jen, may MMS (multo multo syndrome) first nandiyan siya, tapos mawawala tapos susulpot lang kaagad. Grabe! Nakakatakot kaya yan paminsan.

JJ: Wag na kayong magreklamo! Ba’t kasi kayong sumama sa ‘kin.

Ella: Oo nga ba’t ba?...

Mel: ehh…uhhh…..ummm…

JJ: O! tingnan mo! Kasalanan niyo rin noh!

Kass: ay oo nga noh….

JJ: mga tanga talaga -__-

Biglang lumabas lola ko…..mukhang galit nag galit. Hindi niya ako kinausap, hindi niya ako tiningnan kundi diretso lang siya lakad. Patay ako pagdating sa bahay… T_T Lord, kung mamamatay man ako mamaya pagdating sa bahay, ipapaubaya ko gitara ko kay Mel Amen. P.S wag niyo pong ibigay kay Kimmy ang kwarto ko.

Clueless: I Can't help falling in love with YOU ♥Where stories live. Discover now