Previous Page of 5Next Page

Lana's List (Taglish)

Dedicated to
Audriiinnn
spinner.gif

Holy shiz. Ang daming tao. Punong puno yung stadium. Wow. Ganto ang hatak ng mga Soledarians at Silvestrians. Meron pang standing sa may pinaka-dulo. Grabe. Buti nalang nasa may bandang harapan kami, medyo malapit sa court.

Andami ring mga nakakulay green at blue. Hating hati nga e.

Lumingon ako kay Oliver. Nasa kabilang side siya ng VIP section. Kasama niya yung mga co-Silvestrians niya. Ako naman, kasama ko si Benjo. Hindi ko ine-expect na nandito siya kasi hindi naman siya uma-attend ng mga ganto.

“Finals na, cuz! We have to beat those Silvestrians into pulp!” determined niyang sinabi kanina nung nagkagulatan kami dito.

Actually, ayos na rin na nandito siya para may kasama ako. Si Oliver kasi nakakulay blue na long-sleeves. Halatang Silvestrian Dragons ang bet niya. Kaya nag-decide kaming magkita nalang after the game.

For now, galit galit muna.

Kanina pa nagwa-warm up yung players. Sa totoo lang, I couldn't take my eyes off of that kumag. Ito ang first time na nakita ko siya wearing his jersey uniform in person. Mas lalo ata akong nagkagusto sa kanya.

Let's just say I have a thing for athletes. But yung totoo, diba lahat naman tayo merong 'thing' for athletes? Lalo na't gwapo, has great build, and skilled in his sport. There's just something enchanting about a guy and his sport.

Zeo laughed with his teammates. Hanggang dito, tanaw na tanaw ko yung dimples niya. Ang gwapo niya talaga. As usual, I couldn't help but smile while I watched him laugh. But I quickly caught myself (thank goodness) bago pa may makakita sa'kin.

Tumingin ako sa paligid. Mukhang wala namang nakakita. Phew! That would be mortifying kapag may nakakita sa'king nakatunganga habang nakatitig kay Zeo from across the court. Shiz. Buti nalang naagapan ko.

I returned my eyes to Zeo and caught him looking at me. Tumingin ako sa likod ko, just to make sure na ako nga ang tinitignan niya. Yup, ako nga.

Tinignan ko siya uli. He grinned boyishly at me, and I couldn't help but smile back. Nakaka-miss talaga 'tong si Mufasa. He suddenly raised an eyebrow and pouted. Hala. Bakit? Tapos, hinawakan niya yung damit niya sabay turo sa'kin.

Napatingin ako sa suot ko.

Ah, I wasn't wearing green today. I chose to wear a white sleeveless 90's kid shirt, para neutral. And he was clearly asking bakit hindi ako nag-green.

Tinuro ko si Oliver sa kanya. Sinundan naman ng mata niya. Tinignan namin si Oliver na naka blue at mukhang kanina pa pala kami pinapanuod. Oh, my God. Naka-meaningful smile na naman siya.

Zeo looked at me again. He was frowning. Basang basa ko na expression ng mukha niya. Confirming my assumption, he mouthed, “So?”

I rolled my eyes.

“Lana!”

Napalingon ako bigla sa kanan, pagkarinig ng pangalan ko. Nakita ko kung sino ang tumawag sa'kin at namukhaan ko siya. Yung lalaking nagyayabang last week sa classroom, nandito nga rin pala. Shiz. Ayoko sa kanya. Ang yabang masyado e.

Okay, mayabang din si Zeo. Pero kaibigan ko yun e. Itong lalaki na lumipat sa tabi ko, hindi ko kaibigan. Tawagin na niya akong snob and unfriendly, pero hindi ko talaga siya feel.

“Nandito ka rin pala?” taas baba niyang sinabi, naka-smirk din siya.

Ay, wala. Imagination mo lang ako, kuya.

“Sino yan?”

Tumingin ako sa tall figure ni Benjo sa left side ko. He was wearing a green raglan shirt and jeans, while his hair was in its usual curly disarray (a Lopez trait). Parehas kaming maputi, at namana din niya ang big dark brown eyes ng pamilya tulad ko.

Friendly naman ang pinsan ko. Pero parang may na-sense din siya na hindi maganda kay . . . uh, hindi ko alam pangalan nung classmate kong lalaki.

I shrugged. “'Di ko alam.”

Yung mayabang na lalaki, napanganga sa'kin. Hindi niya ata ine-expect na hindi ko siya kilala. Lumabas tuloy siyang stalker.

Hindi siya gwapo. Nagfi-feeling lang. Halatang trying hard sa ubod ng daming gel niya sa buhok. Obvious din na nagpupulbos siya sa sobrang puti ng mukha niya. Aakalain mong binabaran ng espasol. Actually, kung hindi siya mukhang bakla, may itsura na sana siya e . . . sa probinsya.

Grabe. Ang laitera ko talaga. Pero sadyang nagsasabi lang ng totoo.

“Sean,” sabi ni Mr. Espasol, nang nakalahad ang kamay towards Benjo for a handshake. Tinanggap naman ni Benjo at tumango nalang sabay sagot ng, “Benjo.”

“Classmates tayo sa International Trade,” dugtong ni Sean sa'kin.

Previous Page of 5Next Page

Comments & Reviews (355)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Who's Reading

Recommended