(1)

26.2K 528 44
                                    





- - -

"Pamela Corpus"

Matapos ang walong oras na duty ni Pam sa isang Mall ay diretso agad siya sa pinapasukang resort bilang isang taga silbi, taga asikaso sa mga orders nang guest nang resort.

iyon ang naging routine niya sa loob nang pitong taon. papasok sa trabaho buong araw at magdamag halos apat na oras lang ang pahinga niya noong unang beses niya sa trabaho ay nagka sakit pa siya siguro nanibago ang katawan niya pero kalaunan nasanay na ang katawan niya sa pagod manhid na ito at hindi na makaramdam nang pagod gusto man niyang magpahinga pero wala siyang pagpipilian kung hindi ang magtiis at magsumikap dahil kung hindi naman siya kakayod pare pareho silang mamatay naka dilat ang mata dahil sa gutom.

agad siyang nagbihis nang kulay puting blouse at may kaikliang shorts asiwa man suotin iyon pero wala siyang magagawa dahil iyon ang uniform nila at nakasanayan na rin niya.

minsan na rin siyang nabastos nang mga lalaking lasing na guest nang resort na pinagtratrabahuan niya. pinagsasabihan naman ito ni mam kathy, ang kanilang manager  na mabait naman sa kanila.

dahil sa hindi naman sa nagmamayabang siya kahit papaano nabiyayaan naman siya nang angking ganda na ayon sa kaibigan niyang si fe ay lahat daw nang mga guest na lalaki ay napapalingon sa ganda daw niyang taglay.

minsan na din siyang naalaok nang nga indescent proposal merong mga politiko,negosyante na pawang may mga asawa na at pinapangakuan siya nang magandang buhay pero kahit ganoon lang siya ni minsan ay hindi pumasok sa isip niya ang magbenta nang katawan.

kahit nahihirapan siya okey lang sa kanya basta ang perang ipinangbububay niya sa pamilya ay marangal at galing sa dugot pawis niya.

Minsan kapag nakaharap siya sa salamin hindi niya maiwasang matanong sa sarili na ito na ba si Pamela Corpus noon na puno nang saya at ngiti sa labi kasabay nang paglisan niya sa lugar kung saan mananatili sa puso at isip niya ang mga taong naging parte nang buhay niya ay ang paglimot na minsan naging manila girl din siya pero siguro sadyang mapaglaro ang tadhana ang dating manila girl ngayon ay isa nang promdi girl.

Maraming 'sana' sa puso niya pero kwestiyonin man niya ang tadhana sa kinasadlakan niya wala namang magbabago at ang tanging magagawa niya na lamang ay mag magsumikap at kahit mahirap ay aabutin pa rin niya ang pangarap na makapagtapos at makapagturo gaya nang pangarap niyo noon.
masaya na siyang balikan ang nakaraan at ito nagbibigay lakas sa kanya at naghahatid ng ngiti sa labi niya.

kumusta na kaya sila!.. Lalo na siya siguro succesful na ito sa buhay at tyak may asawa na ito ngayon.

kapag naiisip niya na may asawa at sariling pamilya na ito ay hindi niya maiwasang malungkot at masakatan.

nalulungkot siya hindi dahil masaya ang pamilyang mayroon ito at masaganang buhay, kundi dahil hindi man lang siya nabigyan nang pagkakataon na ipakita at iparamdam dito kung gaano niya ito ka gusto at kamahal noon. pero nangyari na ang nangyari at tulad nang karamihan na sabihin nila na kailangang magpatuloy sa buhay.

umaasa siya na balang araw muli niyang makakaharap ang lalaking minsan nagbigay sa kanya nang kasiyahan at lakas umaasa siya na sana mapatawad siya nito sa pang iiwan niya nang walang paalam malabo mang mangyari na muling magkrus ang kanilang landas pero umaasa pa rin siya na sana ipahintulot nang tadhana na silay muling pagtagpuin.

Marrying the CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon