Fourth Song

29 0 0
                                    

Tumayo na si Sam sa kinauupuan niya. Papasok na siya. Kailangan niyang ayusin ang emosyon niya. Huminga siya ng malalim habang nakapikit. Isang mahabang malalim na hinga. Anytime sooner, she knows she will crack. Pero dapat niya iyong pigilan. Dahil kapag umiyak siya, tuluy-tuloy na ito. Kinuha niya ang bag niya at lumabas sa Music Room.

Nagulat siya dahil pag bukas niya ng pinto ay nakita niya si Alex. Binigyan niya si Alex ng isang nagtatakang tingin at tinaasan niya pa ng kilay.

“Lalabas ka na ba? May kukunin ako sa loob. Nakaharang ka pa.” sagot ni Alex sa tingin ni Sam.

Medyo nabad trip si Sam sa narinig niya kaya naglakad na siya at nilampasan si Alex.

Ang totoo niyan, hindi naman importante yung nakalimutan niya. May nag-urge sa kanyang pumunta nalang sa Music Room. Iyon pala ay makikita niya si Sam doon. Alam niyang may nagba-bother sa isip ni Sam at alam niya ring malungkot ito. Naramdaman niya iyon bilang isang ‘musician.’ Ganoon din kasi siya. Lumalabas sa tono ng boses niya ang nararamdaman niya at nararamdaman din ito ng iba. Ganoon ang naramdaman niya kanina—na malungkot si Sam, na nalilito ito. At dahil naroon na rin siya ay kinuha niya na yung nakalimutan niya.

Biglang tumunog yung bell kaya nagmadali si Alex na bumalik sa klase niya.

Mayroong apat na sections ang fourth year sa school nila. Hindi ito yung tipong mas mataas ang isa kaysa sa kabila. Pare-pareho ang level ng mga section sa school nila. Magkaiba ang sections nina Sam at Seth kaya medyo ayos lang si Sam. Ayaw niya ring makausap o makita si Seth muna.

“So class, let’s start our lesson,” sabi ng teacher nila na nasa unahan.

Samantala, may kasamang lalaking bagong estudyante ang teacher nina Alex.  Iba rin ang section ni Alex kay Seth ngunit kilala niya ito.

“Class, may transfer student tayo,” pagsisimula ng teacher nila. “Hijo, ipakilala mo ang sarili mo.”

Ngumiti ang transferee. Dahil may itsura ang lalaking iyon, yung ibang mga babae sa klase nila kinikilig.

“Hi! My name is Blaise Dionysus Castro,” sabi nung transferee.

“Okay Blaise, you may take your seat. Class, our lesson for today is…” sabi nung teacher.

Umupo si Blaise sa last row at sinundan siya ng mga mata ng mga babae.

Tsk! Mas gwapo pa ako dyan e! Sabi ni Alex sa sarili.

Hindi pa rin maalis sa isip ni Alex yung kanina. Ang ganda ng boses ni Sam. Bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit kasi ngayon ko nga lang siya pinakinggan? Kung dati ko pa pinansin yung boses niya, sumali kaya siya sa banda? Sunod-sunod na tanong ni Alex sa sarili.

“Mr. Diaz, is there something bothering you?” tawag sa kanya ng teacher niya.

“No Ma’am.” Sagot niya at sabay tingin kunyari sa notebook at nagsulat.

“Let’s continue with the lesson…” pagsisimula ulit ng teacher.

Katulad naman nung isang araw, si Seth ay nasa practice pa rin. Hindi siya masyadong maka-concentrate sa practice dahil iniisip niya si Sam. Iniisip niya kung paano ia-approach si Sam mamaya. Iniisip niya rin si Millicent dahil doon sa nangyari kanina. Iniisip niya rin yung nabunggo niya kanina, si Yna, dahil nabad trip sa kanya ang babae dahil nga nabunggo niya. Alam niyang gangster si Yna. Iniisip niya rin ang laban niya na malapit na. Kailangan niyang manalo.

“FOCUS! FOCUS FLORES!” Sigaw ng coach niya sa kanya. Pero hindi niya magawa.

“FLORES! WHAT ARE YOU DOING?!” Galit na ang coach niya pero hindi pa rin siya makapag-focus.

The Final SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon