IV

32 3 0
                                    


Dear Ex,

Mukhang wala na nga talaga tayong pag-asa. So, I guess this is really GOODBYE. Pipilitin ko! TIWALA LANG, MAKAKALIMUTAN DIN KITA. Sa ngayon umiiyak ako ulit pero balang araw MAKAKANGITI RIN AKO AT SISIGURUHIN KONG IBA NA ANG DAHILAN NG KASIYAHAN KO. This is my one last cry. Bye, Richard.

Your Ex,
Rachel


Kinuha ko ang cellphone at headset ko saka nagpatugtog ng One Last Cry bago pumikit. Bawat lyrics ng kanta ramdam na ramdam ko. Tagos sa kasuluksulukan ng puso ko. Sobrang sakit ng lyrics na'to. Mapapatay ko yata ang sumulat ng kantang 'to. Iyak tawa ang nangyayari sakin ngayon. Maya maya pa ay dahan dahan akong tumayo at kinuha ang diary sa loob ng bag ko.

Dear Ex,

I'm sorry, Chard. Hindi ko kaya, binabawi ko na lahat ng sinabi ko o sinulat ko kanina. Hihintayin pa rin kita. Mahal na mahal kasi talaga kita eh. 😭

Your Ex,
Rachel

***

"Hahahahaha!!!" Tawanan ng mga classmate ko sa pinapanood nila sa youtube na Japanese Prank Videos natatawa na lang din ako kasi nakakatawa naman talaga.

"Guuyyssss!!!" Sigaw ni Albert, hahah kahit kelan talaga susyalero 'tong Albert na'to.

"Ano? Magsasalita o magsasalita?" Sarkastikong tanong ni Agot sa kanya.

"Ay! Hahaha! Magsasalita." Napakamot sya ng ulo saka nagsalita habang nakangiti. "Parang wala naman akong choice. Ano kasi, sabi ni dean Soriano wala daw tayong klase sa kanya ngayon kasi may meeting sila with the Chancellor kaya uwian na." Pagkasabi nun ni Albert ay nagpulasan na ang mga estudyante. Naiwan kaming sampu sa loob dahil maaga pa para umuwi. At isa pa mainit para maglakad sa labas, sayang ang dove beauty bar!

Maya maya pa ay nag-iba na ang pinapanood namin. Naging love story na sya, legit! Unggoy na naglolove making. Mga hudas talaga pati ba naman unggoy na nagmimilagro pinatos nilang panuorin? Hahahah! Sunod naman 'yung elepanteng nanganganak! Syet! Nababaliw na talaga sila. Hayst. Pero buti na lang napapasaya nila ako. Alam ko naman kung bakit sila nanonood ng mga ganyan ngayon eh, para sa'kin. Para pasayahin ako, para hindi na ako mag-isip ng mga nakakalungkot na bagay. Infairness naman ha? Napasaya talaga nila ako as in literal! Ang sakit na nga ng panga ko eh. Sana araw araw ganito. Ang sarap sa pakiramdam. Bakit ba kasi hindi ko ma-control ang sariling kasiyahan ko? Kapag mag-isa na lang ako nalulungkot ako at naaalala ko sya? Sya kaya naiisip ako? Malamang hindi. Eh sino ba naman ako? Isang hamak na  pangit.

Alas kwatro na ng magpasya kaming umuwi. Nakikinig ako ng music habang nakasakay sa jeep. Nakatingin sa labas at nag-iisip. Hanggang pagdating ko sa bahay. Diretso sa kwarto at nagsenti na naman.

Flashback

"Ang gusto ko sa babae matangkad, pala-ayos, maganda. Hindi siga maglakad. Magaling magluto saka maalaga." Sabi niya sa akin habang nakaupo kami sa gilid ng hagdan sa school. Gabi na nun at wala ng masyadong estudyante.

"Hindi pala ako iyon. Tangkad lang ang meron ako. Kapag nahanap mo na 'yung dream girl mo, iiwanan mo na ba ako? Ipagpapalit mo ba ako sa kanya?" Malungkot na tanong ko kay Richard.

Dear ExWhere stories live. Discover now