Ang Bata sa Bakanteng Kwarto

1.8K 58 24
                                    

HAPPY HALLOWEEN PEOPLE! :3

Yeah, I thought about making a one-shot story in...and completed it in an hour! Hahaha, akalain mo 'yun, ang bilis ko? Hahaha!! Sana po magustuhan niyo 'to! ^w^

Na-inspire kasi ako kay Itou Junji, isang mangaka ng horror stories :) Sa kanya po galing 'yung bata sa cover. Tas dun ko hinugot 'yung inspiration ng story ko.

HAPPY HALLOWEEN po ulit! ^w^ Send your feed backs, please? :3

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ang Bata sa Bakanteng Kwarto

Kasalukuyang naka-sembreak kami ngayon, kaya nama’y umuwi ako sa probinsya upang bisitahin ang aking mga kapamilya. Sa probinsya namin nakatira ang aking lolo at lola, pati na rin ang aking mga tito, mga tita, at mga pinsan. Kasama ko ang aking pamilya sa aming pagbisita, at sa muling pagsasama ng aking relatives para sabay-sabay bumisita sa mga namayapa na naming kapamilya.

Tumuloy kami sa bahay ng lola namin. Hindi man ito kalakihan, ngunit mayroong sampung kwarto kung saan dalawang tao ang pwedeng magkasiya sa isang kwarto. Pito ang anak ng aking lola, at ang pangalawang anak niya ay ang aking ama. ‘yung isang kwarto ay ang “master’s bed room”, at ang isa ay ang guest room. Ngunit may isang bakanteng kwarto na hindi gaanong ginagamit, kaya naman ay ginawa na lang itong imbakan ng mga gamit.

Sa tagal ng panahon, ilan sa mga kapatid ng aking ama ay lumipat ng Maynila upang mag-aral, at magsimula ng pamilya. Ang iba sa kanila – 3 out of 7 – ay nanatili dito sa probinsya upang makapag-trabaho. Nagkaroon ako ng mga pinsan na dito na rin lumaki, kaya naman ang mga kwarto na dating ginagamit ng aking mga tito at tita ay naging kwarto na ng mga pinsan kong nakatira dito.

Bago kami umuwi ay sinabi na ni daddy na kami’y tutuloy sa dati nilang bahay para sa Undas, kaya naman ay inayos na nila lola ang guest room pati ang storage room upang magkasya kami sa iisang bahay. Marami kaming uuwi ngayong Undas. Sa aming pamilya, tatlo kaming magkakapatid, at mayroon akong limang pinsan na naninirahan din sa Maynila.

Nang kami’y nakarating sa aming bahay sa probinsya, agad na nag-handa ng hapunan si lola. Isang engrandeng hapunan ang inihanda ni lola. Iba’t-ibang putahe(?) ang naka-handa sa lamesa, at kanya-kanya kaming kumain na para bang isang “Royal Banquet” ang nagaganap sa bahay ngayon.

Matapos kong kumain, nakipag-kwentuhan ako sa aking mga pinsan. Kami’y naupo sa sala at nagsimulang maglaro ng “Uno”. Kung anu-ano ang aming pinagke-kwento, gaya ng buhay nila sa probinsya, buhay namin sa Maynila, pagkakaibigan, love life, pamilya, at iba pa. Ngunit may isang topic kung saan natahimik at naging seryoso kaming lahat.

“Oo nga pala,” ani ng pinsan kong si Fred, “First time buksan at linisan ni lola ‘yung storage room para magamit.”

“Huh? Iyon ba ‘yung dating kwarto na naka-lock at ayaw nilang binubuksan?” Tanong ko.

“Oo.” Sagot niya, “Ilang taon na rin kasi simula nung huli kayong bumisita dito.”

Tama si Fred, mahigit tatlong taon na simula nung huling punta namin dito. Pero dahil may facebook, twitter, instagram, at iba pang social-networking sites, naging close kami ng mga pinsan ko sa probinsya dahil laging kaming nagcha-chat kaya naman updated kami sa kanila.

Ang Bata sa Bakanteng KwartoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon