IKAW.

807 19 9
                                    

Isa na siguro sa mga pinakamahirap na bagay na nagawa ko sa buong buhay ko ay ang magpanggap na hindi ako nasasaktan pag nakikita kitang masaya. Sa piling niya.

Ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na "Hindi na kita mahal."

Ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na "Hindi ako nasasaktan."

Ilang beses ko na ring sinabi na "Hindi na kita iiyakan pa."

At ilang beses ko na nga bang pinaniwala ang sarili ko sa kasinungalingan na "Nakalimutan na kita."

Naaawa ako sa sarili ko. Natatawa. Nagsisinungaling lang ako sa sarili ko. Niloloko ko lang ang sarili ko. 

Hindi ko agad napansin na sa ginagawa ko, sinasaktan ko lang ang sarili ko.

Hindi ko agad napansin na sa ginagawa ko, lalo lang akong magmumukhang kawawa. 

Sa halip na mabawasan ang sakit na nararamdaman ko, lalo lang nadadagdagan. Lalo lang akong nahihirapan.

Pinilit ko. Oo. Pinilit ko ang kalimutan ka. Pero bakit ganun? Hindi ko maggawa.

Sa halip na makalimutan kita, mas lalo lang kitang minamahal.

Sobra na akong nasasaktan. Sobra na akong nahihirapan. Lalo na sa katotohanan na hindi mo alam.

Paano mo nga ba malalaman na mahal kita, kung hindi ko sinabi ang tunay kong nararamdaman di ba?

Paano mo nga ba malalaman kung hindi ko sinabi ng tapatan na "Mahal kita."

Masyado ko kasing pinaniwala ang sarili ko na meron ka ring nararamdaman para sa akin.

Masyado kong pinaasa ang sarili ko kasi akala ko, mahal mo rin ako.

Ang tanga ko pa nga kasi hinintay ko pang sabihin mo sakin ng derechahan na "Mahal kita" tapos saka ko sasabihin na "Mahal din kita".

Umasa ako na pareho tayo ng nararamdaman para sa isa't-isa pero mali pala.

Masisi mo ba ako kung inakala kong mahal mo rin ako? Kung pinaniwala ko ang sarili ko na gusto mo ako?

Paano ba naman kasi, lahat ng pakikitungo mo, puro nagbibigay ng motibo.

Masyado kang sweet. Akala ko tuloy ako ang gusto mo.

Masyado kang mabait sakin, yan tuloy nahulog ako.

Masyado mo akong pinapakilig, yan tuloy nagpadala ako.

Masyadong malapit ang loob mo sakin, yan tuloy inakala ko may pag-asang magkaroon ng TAYO.

Masyado kang paasa, yan tuloy nag-assume ako. 

IKAW, AKO AT SIYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon