2nd CHAPTER

293 4 0
                                    

*Ria*

"WAAAH! Good morning world!," sigaw ko habang nagiistretch pa ng mga braso at likod.

    Ngiting ngiti akong bumangon at pumunta sa harap ng malaking salamin sa likod ng pinto ng CR ko ng sinasabing, "First day mo na Riallyn Jay Hidalgo. Galingan mo ah? Wag kang paanga-anga," habng sinusuklay ang mahabang buhok ko.

    Ibinaba ko ang suklay at nagderetso sa banyo na sabanyo. Naligo, umihi, nagmadali at nagpaganda. Paglabas ko ay sinulyapan koung orasan sa table ko.

    Nako! 7:04 na! Malalagot ako nito dahil sa pagkakaalam ko 7:30 ang simula ng klase! Kukuhain ko pa naman sa office ang schedule ko >o<

    Nagmadali na akong suotin ung bago kong uniporme. Nanibago pa ako at hinila hila pa ang paldang abot sa itaas ng tuhod ko. Mabilis na akong dumeretso sa baba na hawak hawak sa isang kamay ung backpack ko. Nakita ko pa si mommy na nakaupng umiinom ng kape sa baba pero di ko na to pinansin dahil hindi din naman niya ako nakitang bumaba ng hagdan. Sigurong sasabunin ako nito sa eksena ko kagabi. Mabuti ng agapan.

    "Riallyn," kalmadong sambit niya na sadyang ikinagulat ko. Tumingin pa ako sa direksyon niyang di lang man lumingon sa akin.

    "Mom, I'm running late," sinabi ko lang at di na siya pinansin pa. Nagmadali na ako sa labas at sumakay na sa kotse at naupo sa passenger's seat. Ihahatid ako ni kuya Driver eh.

    "Good morning, iha!," sabini kuya Diver ng nakangiti habang sumasakay sa driver's seat.

    "Nginitian ko siya ng pagkalaki laki at sabi kong, "Good morning, kuya Driver! Kumain ka na ho ba? Tsk tsk, sigurado akong hindi pa. Pagkauwi mo dito sa bahay, kain ka na ho agad ah?"

    Inayos ko ang backpack ko habang nagsasalita siya.

    "Nako, iha! Aalis pa ang mommy mo eh. Ihahatid ko lang muna. Baka kasi magalit kapag kumain na muna ako."

    "Aish!? Wag mo na pong pansinin un, kuya! Eh sa nagugutom ka na eh, mapipigilan ba un?! Pano pag nahimatay ka po diyan?," sabi ko habang hinahalungkat ang bag ko para sa cellphone ko.

    Bahagya pa siyang natawa at sinabing, "Hindi naman ako tulad mong dehydrated, Ria! Hindi ko naman kailangan ng pagkain sa sistema ko tulad mo."

    Aha! Found you! Sabe ko pa sa isipan ko ng nakangiting makita ko ang cp ko.

    Tumingin ako kay kuya Driver at sabi kong, "Kahit na po! Baka magaya ka pa po sakin niyan eh. Himay himatayin kung san san. Sana nga di mangyare sakin un dito ngayong may bagong school na ko," ng umiiling.

    "Oh, iha, andito na tayo. Wag ka magalala, isang tawag mo lang, pupunta agad ako. Promise yan!"

    Psh. Promise. Laos na yan, kuya. Naisip ko pa ng bahagya. Pero nginitian ko lang ulit ng malaki si kuya Driver habang naghahanda bumaba ng kotse.

    "Una na po ako ah," marahang sambit ko habang bumubuntong hiningang lumabas ng sasakyan.

    Tumingin ako sa paaralang nasa harap ko. Ivory High School. Wow! Nakakamangha! Masmagand apa to sa dati kong school ah!

    Tinignan ko ang orasan sa cellphone na hawak ko.

    7:18! Psh! Kaya pa yan! sabi ko sa isip ko habang nagmamadaling pumunta sa office ng school na to.

    Sinigawan ko ung secretary para bilisan niya. Joke. Pinakiusapan ko lang na bumilis kaso walang epekto sa king ina! Mabagal pa sa internet. Kaya ng makuha ko na ang schedule, agad agad ko ng tinignan para malaman kung anong unang subject at kung saan ang room naming seniors.

    Math! Yay! Paborito ko tong subject na to ah! At first subject pa! Kaya nakangiting pumasok ako sa room namin. Pero biglang nawala ang ngiting un ng makita kong lahat sila nakatingin sakin pagkabukas ko ng pinto.

    "A-ano, hello?," bulong ko ng nakatingin sa baba.

    "Hello! Pasok ka pasok ka!," sigaw noong isnag lalake. Ay, gwapo! Sumablay nga lang sa boses. Napasimangot pa ako sa isipan ko ng malamang bakla tong nasa harap ko.

    Moreno siya at maganda ang mata. Mala-Zayn Malik ang buhok at maiisip mo taagang heart throb pag tinignan mo sa kalayuan dahil kahit nakasimangot ay gwapo talaga.

    Hinila niya ung kamay ko at luminga linga pa ako para tignan kung kaklase ko si Neil. Pero sa mga nahahabag na muka sa harap ko, hindi ko nakita ang maputi niyang muka at nagpupulang labi.

    "Dito ka oh!," sabi nung lalaki sakin habang nakanguso doon sa upuan kung san niya ko dinala.

    "Ay! Hala! Nagabala ka pa! Salamat ah," sabi ko sakaniya at naupo nalang ako sa tinuturo niyang upuan.

    Pagtapos ko ayusin ang gamit ko ay andun parin siya sa harap ko na parang nagtatakang nakatingin sakin. Ginaya ko ang itsura niyang nakatagilid ang ulo at pasulyap na sumisilip.

    "Te, di tayo talo," sabi lang niya at natawa naman ako.

    Pagtapos kong tumawa ay sabi ko sakaniya, "Ikaw tong nakatitig eh!"

    Lumiwanag ang mata niya at animong tuwang tuwang na nakatingin sakin, "Eh paano, di mo lang man sinabi ang pangalan mo! Kaloka!"

    "Oy Allen! Agang aga nanchichix ka eh!," may sumigaw sa bandang likuran ng room at nagsipagtawanan naman ang mga estudyante habang ako tahimik lang na nakatingin sanamamakyu na si Allen.

    Muling humarap siya sakin ng may pagpilantik ng buhok at sinabing, "Yeah, I'm Allen," atsaka sinuklay ang buhok gamit ang sariling daliri at bumalik nanaman ang posisyon niya kaninang nagtatakang tumingin sakin.

    Tinaasan ko siya ng kilay at sabi niya, "Hindi ka talaga magsasabi ng pangalan mo? Hindi ako maghuhula nu."

    "Ahh, hehe, Riallyn Jay Hidalgo," sabi ko ng nakangiti.

    Tumango tango naman siya ng dahan dahan at saka humarap ulit sakin na sinasabing, "Ria ang nickname?," ng may pumuntang babae sa likod niya na nakangiti sakin.

    Tumango ako habang nakatingin dun sa babae. Inalok niya ung kamay niya sakin habang matamis na sinambit, "Ako si Jen."

    Ang ganda niya. Matangkad, mapayat, katamtaman na kulay ng balat at naka braces. Pero ang ganda parin niya lalo na't nakatirintas ang buhok niya.

    Pero bago ko pa mahawakan ang kamay niya ay nagbukas na ng pintuan at pumasok ang isang babaeng may edad na at nakasalamin. Agad namang nagsibalikan ang mga kaklase ko sa kaniya kaniyang upuan. Si Allen ang naupo sa likod ko at katabi niya naman si Jen. Wala lang man ako katabi.

    "My name is Irene Macatangay. Alam niyo nanaman un. And yes, I'm still your Math teacher!," mabilis niyang sinigaw matapos niya ilapag ang gamit niya sa table.

    "Attendance!," sigaw niya ulit habang hawak hawak ang isang folder sa kanang kamay at panulat naman sa kaliwa.

    Makasigaw to akala mo hindi late. Kawawa naman ung mga nasa harap, mga nakayuko at pasimpleng tinakpan ang kanikanilang tenga.

    "Alcantara!," panimula niya.

    Ung lalaki sa harapan ay bahagyang nakataas na ang kanang kamay bago pa man sambitin ng guro ang pangalan niya na parang alam na agad na siya ang unang tatawagan, nagbungisngisan naman ang iba.

    "Keep quiet! Altamira!"

    "Altamira?!," sigaw niya ulit. Sige pa! Sigaw pa hangga't mabutas ang ear drums ng mga nakaupo sa harap at di makapakinig sa mga tinuturo mo!

    "A-ah, Mam, baka po nalate nanaman," mahinang bulong ni Allen sa likod ko.

    "Anong ibinubulong mo dyan, Torres at sino ang kausap mo?!," sigaw ni Mam Irene na nananaliksik ang mata.

    Nagsipagtawanan nanaman ang iba na tumalikod upang makita si Allen, "Mam! Baka po nalate kamo si Altamira!," malakas na sigaw ni Allen at lalong lumakas ang mga bungisngisan.

    "Aba! At sinisigawan mo ako?!," pagpapatahimik na sigaw ni Mam Irene.

    "Syempre ho! Para marinig niyo ho!," sabi nanaman ni Allen at natawa ulit kame. Loko talaga.

    Parang maguusok na ang tenga ni Mam eh. Mabuti nalang at pinalampas niya to at hindi nalang pinansin. Nagtuloy tuloy na siya sa pagtawag hangga't makaabot sa Z.

    "Meron ba akong hindi natawag?!," tanong niya ng matapos.

    Dahan dahan silang lahat tumingin sakin at dahan dahan ko ring itinaas ang kanang kamay ko.

    "Ahhh, a new student! Stand in front, darling!," sigaw pa niya. Hindi bagay sakaniya ang ganon. Nakakapanilabot ang king ina.

    Tumayo ako at hiyang hiya pumunta sa harap ng klase habang paulit ulit na pinatunog ang mga buto sa kamay ko.

    "State your name, age and why you are here," mahinang sigaw ni Mam. Pwede namanpalang hinaan di pa ginawa kanina.

    Bumuntong hininga ako at humarap sa mga kaklase ko at sinabing, "My name is Riallyn Jay Hidalgo. I am seventeen and the reason I am here is because my mother's job and business is in here."

    Tumango pa si Mam habang nakatingin sakin at tinanong, "Were you in the honor's list in your school before?"

    Napapahiyang tumingin ako sa kawalan at sinabing, "I used to be the valedictorian. During my first, second and third quarter," ng hindi makatingin sa iba.

    Naramdaman siguro ni Mam ang pagkailang ko at pagkahiya kaya sinabi niyang, "Okay, thank you Miss Hidalgo, take your seat!"

    Nagmadali na akong umupo sa upuan ko at hindi na tumingin pa sa iba.

    BLAAG!~

    Natahimik ang buong klase ng mayroong biglang pumasok. Dahil nga nakayuko ako, hindi ko masyado nakita ang itsura ng lalaking un. Nagulat nalang ako noong narinig ko ang kalampag ng bakanteng upuan sa tabi ko.

    "Mr. Altamira!"

    Ahh, siya pala yun. Late nga. Mga 30 minutes na ah?

    "Baket?," mayabang na sabi noong Altamira.

    Nanlaki ang mata kong napatingin sakaniya. Parang kilala ko ang boses na yun. At lalong nanlaki ang mata ko noong makita ko kung sino un. Siya ung lalakeng mukang baklang nakikipaghalikan kahapon ah! Siya ung nakita ko kaya ako natalisod kahapon!

    Malaki ding matang nakatingin siya sakin. Nakilala niya kaya ako kahapon? Pagtataka ko.

    Nakatingin parin siya sakin na parang inaaral ang bawat anggulo ng muka ko habang sinisigawan siya ni Mam Irene. Grabe to. Alam kong maganda ako pero makinig ka naman sa teacher mo. Napangiti pa ako ng kaunti dito at mas nagulat ako noong nginisian niya ako. Parang natatandaan ko pa ang mgangiting un.

    Wow! Close?! Kilala nga niya ako? Tsh. Pacute ang king ina. Inirapan ko to at di na ako nagpakita pa ng kahit anong emosyon sa muka ko. Tumingin nalang ako sa Math teacher namin kahit walang pumapasok na salitang sinasabi niya sa utak ko.

    Natapos ang lahat ng klase. Ganun at ganun rin naman, nagpakilala lang ako paulit ulit eh saulong saulo na nitong mga to ang pangalan ko at kung ilang taon ako. Pati ung Altamira na kanina pa ngisi ng ngisi sakin na akala mo close kami.

    Pagdating ng lunch beak namin, ay nilapitan ako ni Jen at ni Allen.

    "Oy, hindi ka ba bababa para kumain?"

    "Hindi eh. Sige na't kumain na kayo," sabi ko nalang sakanila ng nakangiti.

    Umiling namang tumingin sakin si Jen at sabing, "Hindi kami papayag. Masyado ka ng sexy nu. Sama ka na samin. Ililibre kita!"

    Natawa naman kami ni Allen at sabi naman ni Allen sakin, "Oh tamo. Bakla! Swerte mo at kami ang unang naging kaibigan mo dito. May instant na tagalibre ka na!"

    Natawa ulit ako at mariing sinabi ko nalang, "Sige, sasama ako pero hindi ako magpapalibre ah," habang tumatayo at inaayos ang gamit ko sa bag at isinabit sa balikat ko.

    Ng makababa kami ay agad nila akong kinwentuhan sa mga nangyare sa school namin. Kung sino sino ang dapat kong layuan at lalo na sa mga lalaki. At isa dun si Altamira.

    "Ang bali balita nga ay hindi na yan virgin," biglang singit ng isang babaeng maliit at maikli ang buhok sa table namin.

    Nanlumo ako sa narinig ko at kaunting kinabahan at kinalibutan sa loob loob ko. Umiling ako sakanila at maliit na ngiting sinabing, "Sino naman ang may sabi? Baka naman hindi totoo, nagpapadala lang kayo sa kwento," natawa pa ako ng kaunti at nagtinginan lang sila.

    Nagkibit balikat ang babaeng sumingit at sinabi saking, "Ako nga pala si Zylie. 3rd year student ako kaya ngayon lang ako napasama sa lunch."

    "Ria di ba? Andami ko ng naririnig tungkol sayo, eh first day palang, hindi pa ako senior niyan ah," pagpapatuloy niya sa sinasabi niya habang kumukuha ng fries sa plato ko.

    Talaga namang -_- Sikat ka nanaman, Ria! Palakpakan! Eto pa naman ang iniiwasan mo!

    Naiilang akong tumingin kay Zylie at nahihiyang tinanong siya, "Ano ano ang sinasabi?"

    Natawa silang tatlo sa muka ko at patapos nilang matawa, sinabi naman ni Zylie na nakangisi sakin, "Na maganda ka daw. Sexy. Mukang good girl. Gusto ka daw ligawan ni ano, tas ni ano. Blah blah. Tapos... chicks ka daw ni Neil?"

    Bawat letrang binubuga niya, lalong lumalaki ung mata ko. Hindi ako makapaniwala. Pakiramdam ko puputok na ang mata ko sa sobrang laki ng sabihin niya ang huling linyang un.

    "Andito nga si Neil?!," sigaw ko sakaniya at ramdam ko naman ang pagtingin sakin ng mga nasa kabilang table.

    "Yup."

    Nagitla ako ng marinig ko ung boses niya. Akala ko hindi ko na siya makikita ulit. Hindi din kasi siya nagtext noon. Dahan dahan akong tumalikod at ayun nga siya. Bading na bading na nakatingin sakin habang nakangiti ng malaki. Napatayo ako sa upuan ko ng makita ko siya at kaunti nalang mayayakap ko na siya.

    "Walang hiya ka. Andito ka lang pala!," sabe ko sakaniya sabay ng pagbatok ko sakaniya at naramdaman ko ng sarili kong magrelax ng makita ko siya. Parang pamilyar na pamilyar ang muka niya at nakayanan ko ng bumalik sa dating ako na maingay.

    "Te, mukang tama ang hinala nila," rinig kong bulong ni Allen kay Jen na napatigil pa sa pagkain niya ng tignan niya ako.

    Tumatawa siyang nakatingin sakin at humarap sa mga kasama ko at tinanong kung pwede ba siyang makiupo.

    "Sure manure! Basta ba ikaw eh," malanding sigaw pa ni Allen.

    "Pati ba ako pwede?," may nagtanong sa likod namin at sabay kaming napalingon ni Neil.

    Si Altamira.

    "Oh, Niko!," sigaw ni Neil at tumingin kila Jen, "Pwede ba pati siya?,"

    Niko? Siya pala un? Ung gunggong na pinapahanap sakin ni Neil dun sa party? Grabe. Kaibigan niya yang lalaking yan na nakikipaghalikan sa party ng nanay ko!? Unbelievable! Halatang malandi nga!

BASTOS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon