CHAPTER 37

1.6K 7 5
                                    

''Popoye." tinawag ko si Daniel.

"Bakit?"

Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa park

"Popoye,okay lang kaya si Lora? Naaawa ako sa kanya eh"

"Brutos,okay lang siya...Nakakaawa nga siya pero...dapat di siya tumalon"

"Eh gawa kasi ni Luke kaya siya tumalon!"

"Eh dahil lang ba dun?"

Bumitaw ako sa pagkakahawak

"Sino ba kakampi mo? si Lora o si Luke?"

"Okay easy! Si Lora na lang. pero kasi--"

"Bahala ka na! Ganyan naman kayong mga lalaki eh!" Umalis ako at lumayo sa kanya.

"BRUTOS!!!" hinabol niya ako.

"Eh?" bumitaw ako sa kanya.

"Sorry na! Please?"

Tumingin lang ako sa kanya.

"Wag kang ganyan tumingin! Nakakatakot ka eh! Parang kakainin mo ako ng buhay!"

"Ikaw kasi!"

"Sorry na?!"

"Okay." sagot ko

"TAra?"

"Saan?"

"Uhhhmm..kakain?"

"Sige!"

LORRAINE's POV

 

Ilang araw na akong naandito sa ospital

Walang alam sila Mama sa nangyari sa akin..

Ayaw kong malaman nila ang kalagayan ko!

Nahihirapan na ako..

Ang kaisa-isang kakampi ko at sana'y magiging kasama ko habang buhay ay wala na..

Wala na ang Baby ko..

Ang Baby ko na dapat ngayo'y inaalagaan ko at siyang nagiging dahilan para sumaya ako at tatagan ang loob ko..

MDITY2: THE COMEBACK [ completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon