Chapter 29

60.9K 1.4K 133
                                    

Hakbang

Reaching Hands Orphanage.

Napangiti ako sa munting pagbasa ng pangalan ng orphanage. Lalo na nang makita ko ang sub quote nito na, giving life and family to children. Tuwing nakakakita ako ng orphanage, parang may kumikislap sa puso ko.

It made me realize that I have so much and that I should be grateful for everything I have.

Inabot ng mga daliri ko ang isang note na naka clip sa gilid nito.

We would like to invite you, Mr. Montgomery to attend our event next month. Please come with Mrs. Montgomery and if you don't mind, you can bring Tulip too. - RHO Family

Kumunot ang noo ko dahil dito. Why am I mentioned here? I don't remember myself attending an event in an orphanage? Kilala ba nila ako? Well maybe, I'm too young back then that I don't remember going anymore.

"Tulip.." napa-angat ako ng tingin sa nagsalita.

It was dad.

Napatingin ako sa tinitignan niya at natagpuan kong mataman siyang nakatingin sa hawak kong papel. Namilog ang mga mata ko at maagap ko 'yong pinatong muli sa lamesa.

"Uh.. dad, I'm sorry pinakielaman ko ang gamit mo." Paghingi ko ng paumanhin.

"It's okay. Wala naman 'yon sa akin. Don't mind my reaction. I'm just a little bit dense because of your mother." Malambing na wika ni daddy.

Napayuko nalamang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Narinig ko mula kay mommy dati na ayaw ni dad na pinapakielaman ang gamit niya kaya hindi ko mapigilan ang makonsensya ng ganito, kahit pa sabihin na tatay ko naman siya at mababaw lang 'to ay hindi pa rin sapat na dahilan 'yon.

Dito sa pamilya namin, dapat ay respetuhin ang pananaw ng bawat isa. With trust and respect, everything will follow. Napaka-importante nito na nakakatakot isipin na maging dahilan ng pagkasira nito.

"You should go out for a while. Luto na ang dinner. Nandoon na ang mga pinsan mo. Let's talk later, tatapusin ko lang ang mga unfinished business from manila."

Nag-taas ako ng tingin para makasalubong ang mga tingin niyang hindi ko mabasa. Just like Simon, dad was an open book especially in front of us but right now I can't read him.

"Okay dad.."

Tumayo ako at lumakad palapit sakanya. Inabot niya ako at binigyan ng halik sa noo. Napangiti ako dahil doon lalo na at nawala ang pangamba sa aking puso.

Nakakatawa nga at parang gusto kong maiyak sa nangyayari. Sobra-sobra na akong nagi-guilty dahil sa nararamdaman ko.

How can I hurt them?

"Sunod na po kayo niyan."

"Yeah, sandali nalang 'to." Aniya.

Nagpaalam na ako muli at tuluyan ng lumabas ng temporary office nila.

Tuloy-tuloy akong bumaba ng aming hagdanan para marating ang kusina ng mansyon. Nadatnan ko silang lahat na nandoon maliban kay daddy at sa dalawa ko pang tito. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok doon, mukha namang nakuha ko ang atensyon nila dahil lahat sila ay napatingin sa akin. Hindi ko pinansin 'yon at napagdesisyunang pumagitna kay Gelo at Clyde.

"Oh, nandito na pala ang bunso ko." Hagikgik ni mommy sabay bigay sa akin ng pinggan.

"Thanks ma." Maagap kong wika.

"Saan ka ba galing?" bulong sa akin ni Clyde.

"I was talking with dad."  sagot ko sabay ngiti.

MONTGOMERY 3 : If OnlyWhere stories live. Discover now