Chapter 13

2.1K 84 7
                                    

Mark's POV

Hinihintay ko nalang na matapos yung klase namin. Nag-text kasi saakin si Kenth na gusto nya daw makipag-usap saakin.

-----

"Class dismiss!" ang salitang pinaka-hihintay ko. Kaagad kong inayos yung mga gamit ko at napansin ni Miko yun.

"Bro? Bakit nag-mamadali ka yata?" tanong nya.

"Ah. Tinext kasi ako ni Kenth. Mag-uusap kami." sagot ko.

"Yun oh!" sigaw ni Max. Nginitian ko lang sila. Pagka-ligpit ko ng mga gamit ko ay nag-paalam na ako sa kanila.

"Una na ako. Baka kanina pa sya nasa rooftop. Ingat nalang kayo." sabi ko.

"Si Kenth yung dapat mag-ingat sayo." nakangising sagot ni Miko.

"F*ck you!" sigaw ko sa kanya at umalis na ako.

-----

Nag-mamadali akong umakyat sa rooftop dahil ayaw ko syang pag-hintayin. Habang umaakyat ako inisip ko kung ano yung dahilan kung bakit sya makikipag-usap saakin. Nandito na ako sa fourth floor ngayon at tinakbo ko na yung hagdan paakyat ng rooftop.

Pag-bukas ko ng pinto. Naabutan ko sya na tulog habang naka-saksak yung earphones nya. Ang cute nya lang. Kinuha ko yung phone ko at *click*. Maya maya lang ay ginising ko na sya.

"Kenth?" tawag ko sa kanya.

"Ay sorry nakatulog ako. Kanina ka pa ba nandyan?" tanong nya agad pag-dilat palang ng mata nya at inalis nya kaagad yung earphones nya.

"Kararating ko lang." sagot ko. Itinabi nya muna yung phone nya sa bulsa nya at umayos ng pag-kakaupo.

"Ano nga pala yung pag-uusapan natin?" tanong ko.

"Yung ano... yung kasi... yung sinabi mo." sabi nya pero hindi ko maintindihan.

"Ano yun?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Yung sa bibigyan kita ng chance." sabi nya. Kinabahan naman ako sa sinabi nya.

"Binibigyan na kita ng chance." boom! Nagulat ako sa sinabi nya at hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"Ha?" bigla kong sabi sa kanya.

"Wala ng ulitan." sabi nya.

"Wahhhhh! Thank you, thankyou talaga!" sigaw ko at niyakap ko agad sya. Halata naman na nagulat sya sa ginawa ko pero wala akong pakialam.

"You made me the most happiest person in the world." yan lang yung nasabi ko kahit ang daming thoughts sa isip ko ay hindi ko masabi basta sobrang saya ko lang.

Nang matapos kaming mag-usap ay bumaba na kami at tinatanong ko parin sa isip ko kung totoo ba to or panaginip lang. Kaya ng makababa kami, naisipan kong...

"Kenth! Suntukin mo ako dali!" sabi ko sa kanya.

"Ha? Bakit?" naguguluhang tanong nya.

"Basta gawin mo nalang!" sagot ko at nakaramdam ako ng isang mahinang suntok sa braso ko.

"Lakasan mo!" sabi ko.

"Aray!" sigaw ko. Sh*t ang sakit, sobrang lakas ng pag-kakasuntok nya napaluhod ako.

"Okay ka lang? Bakit ka ba kasi nag-pasuntok ha?" nag-aalalang tanong nya.

"Okay lang ako. Sinigurado ko lang kasi na totoo lahat ng nagyari at hindi lang panaginip." sagot ko.

"Para kalang baliw." sabi nya.

"Baliw sayo." sagot ko habang nakangisi. Ang cute nya. Bigla nalang syang namula.

Sunset (Completed)Where stories live. Discover now