Goose's Dream

77 2 0
                                    


Mabait na kaibigan si Austin. First impression ko naman rin sa kanya yun ehh, well, he never failed me about that. Masaya siya kasama, tapos ngayong Fourth Year lang kami nagkakilala. Pero n'ung Third Year, may encounter na pala ako sa kanya na kinwento niya rin sa akin, yung nakita niya kami ni Jack sa library (si Jack yung bestfriend ko n'ung Third Year, pero nagkahiwalay kami ng section.)

* * * F L A S H B A C K * * *

Kasama ko si Jack sa may labas ng library. Nagpatulong kasi ako sa kanya na siya na gumawa ng plates ko sa drafting kasi tapos na naman siya ehh.

"Alfred, ang init naman dito!" Reklamo ni Jack sa akin habang nagdodrawing ng ilong para sa plate namin na may drawings na iba't ibang uri ng ilong.

"Toinks ka naman eh, alam mo namang bawal sa loob ng library gumawa ng mga genyen ehh". Sinagot ko siya with matching slang.

Nakaisip siya ng paraan. Binuksan niya yung payong niya, at nilagay d'un sa may harang sa labas ng library.

Payapa na naman kaming dalawa. Huehue. Wala nang init. Nang biglang umihip ang malakas na hangin.

"Jack! Yung payong mo!" Napatawag-pansin tuloy ako sa kanya. Tinignan na lang namin yung payong niya sa may bubong sa baba n'un. Tss. Pano naman namin kukunin yun?!

Kinuha ni Jack yung napakahabang walis, tapos pilit niyang inabot yung kawit ng payong, pero epic fail. Ako din, sinubukan ko ding kuhanin sa pamamagitan n'un yung payong since mas mahaba naman yung kamay ko kay Jack. Pero epic fail pa rin. Lumipat kami ng bintana, wala din. "Haynaku, Jack, nagmamakahirap pa tayong mamingwit, bababa na lang ako dyan sa bubong na yan!" As in tinutukoy ko na yung Bubong ng Kabuhayan ng FTHS.

Aun. Tumungtong na ako sa may bintana sa may hallway, tumalon pababa ng bubong, sandaling kahihiyan,  kinuha na yung payong ni Jack, inabot ko na sa kanya sa taas, tapos umakyat na ako. Napansin ko rin na parang nasa akin ang atensyon ng lahat, pero ayos lang. Ngiti-ngiti lang ulit. Tuloy ang buhay, kaya balik trabaho na, at si Jack na ang gumawa ng aking plate.

Habang ginagawa ni Jack yung plate ko, may lumapit sa kanya. Kakilala niya ‘to siguro, napansin yung plate na ginagawa namin (or should I say, ni Jack alone? XD)

“Ang ganda naman ng ginagawa niyo?!” Sabi ni kuyang mukhang responsableng estudyante.

“Hay naku, kuya, kung alam mo lang kung gaano kahirap to.” Sagot ko naman sa kanya. HAHAHA! Hindi niya siguro napansin na yung ginagawa ni Jack ang sa akin – walang kahirap-hirap! HEHEHE!”

* * * E N D  O F  F L A S H B A C K * * *

Sa ngayon, HINDI KO LUBOS NA MAISIP NA SI AUSTIN YUNG ESTUDYANTENG IYON. Grabe naman kasi, sa lahat pa ng pagkikitaan namin n'ung Third Year, sa most embarrasing moment ko pa? Pero ayos lang, atleast nagkita na pala kami. Matagal na pala silang magkakilala ni Jack.... Kasi nga etong si Jack ,famous sa school. Kaya coincidence siguro.

"Oh anong gusto mong kainin?"

Wala talaga akong kaplano-plano kumain nang tanungin ako ni Austin habang naglalakad kami sa may daanan paakyat ng karinderya (para kasing burol yun landscape d'un ehh, kaya paakyat)

"Uhmm.. kahit cheep chips na lang! Limang piso lang!"

Proud pa akong nagsabi sa kanya kung ano ang gusto kong kainin, pero at the time na sinabi ko yun, umiling siya. "Huwag naman yung mga gan'ung pagkain, junk food naman yun eh!" sabi niya sa akin. "Ano?" Tanong niya ulit sa'kin.

Well, karinderya ehh, tapos Friday pa .. .. .. so anong ulam ang nasa tingin namin eh nand'un?!

"Monggo na lang kaya?!"

Naisip ko tuloy bigla ang masarap na monggo, tapos isasawsaw mo pa sa maalat na patis, tapos may mga chicharon pang nakabudbod d'on, tapos kanin pa! Aisshhhh~ Nakakagutom po talaga!

Nakakain na rin naman kami ni Austin. May round 2 kami, tapos bumili pa siya ng isang order ng menudo.

Bumalik na kami sa bahay nila Jaycee. Well, nagtaka silang halos lahat kung saan kami nanggaling ni Austin.

Yun yung first encounter ko kasama si Austin. Yung kumbaga, nag-level up yung connection namin... kasi hindi naman kasi kami ga'nun ka-close ehh. Sobrang natuwa talaga ako sa ginawa niyang gan'un sa akin. Yung kumbaga, hindi ko inexpect sa kanya yung gagawin niyang iyon.

"Nakutuban ko kasi na wala kang baon." Sagot sa akin ni Austin kung bakit niya ako nilibre.

"Talaga? Ehh okay lang naman sa akin hindi kumain ehh." Sagot ko naman sa kanya pagkainum ko ng Coke Mismo ng pinaghingian ko (kay Andrea)

"Ehh hindi okay sa akin yun eh. Ayokong may kaibigan akong gan'un" Katwiran niya pa habang naghihintay kami sa mga kasama namin patapos pa lang kumain ng pagkain nila.

"Huh?? Bakit naman?" Tanong ko naman sa kanya.

"Naluluha kasi ako kapag may mga gan'ung tao akong nakikita."

So eto na pala yung sagot ko sa iniisip ko kung bakit bigla nagpost sa FB si Austin [well, nakatag pa po ako] about d'un sa reaction niya about sa mga despairs ko sa buhay ko na sinabi ko n'ung Values Education namin. Napaisip talaga ako kung bakit nagkaganun si Austin. At first, I found him soooooo corny, yet nakakatouch. Talagang smile ako sa kanya n'un. Hindi ko akalain na may mga katulad pa pala niya ang nabubuhay sa mundong ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Third Wheel's Story: Sila Na May Lovelife, Ako Na Wala! :/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon