Chapter One

14.1K 279 12
                                    

[Sofia Jade pov]

"Mama si Cassidy po sinampal ako sa mukha!"

 "Napakasinungaling mo talaga, Tabachoy!... Anong sinampal? Kinurot lang naman kita sa pisngi ah!"

 My heads pounding as I heard my sister bickering each other. It's hard for me to concentrate to play online games whenever they had a fight. Halos araw-araw silang nag-aaway especially kapag umaga.Parang walang kapaguran? Okay sana kung may sense yung pinag-aawayan nila eh wala naman!

"MAMA!"

 "Shit! No!"

Napatayo ako sa kinauupuan ko saka tiningnan ng masama ang dalawa kong kapatid na nag-aaway sa likod ko. Tila walang pakialam na nakakabulabog na sila nang kapitbahay!

They were now pulling their hair. Sarap talagang pag-umpugin! Nakakaletse nang araw!

"Tumigil na nga kayo!" Sinulyapan lang nila akong dalawa habang wala ni isa sa kanila ang nagbitiw sa kanilang buhok.  Ito ang hirap sa buhay kapag lima kayong magkakapatid, you can't expect na masunurin at magkasundo!

Kahit gustuhin ko man na umpugin ang kanilang ulo ay hindi ko magawa kasi naman kapag ginawa ko yun sa dalawang chanak na ito ay baka pagalitan ako ng mama namin. Note, isa pa sa disadvantage sa buhay ko ay dahil ako ang pangalawang nakakatanda kapatid kaya kahabilinan ni Mama na kailangan daw mahaba ang pasensya ko sa kapatid.

"Isa na lang! Kapag hindi mo binitiwan ang buhok ko, tatadyakan kita!"

"Subukan mo lang!"

"Gr! Sabi nang tumigil na kayo eh!" Anak ng tufo talaga! Leche flan talaga!

"WAG KA NGA MAGING PAKIALAMERA, ATE! LABAS KA NA DITO!" Anito ni Cassidy. Lintik talaga ang babaeng ito, napakamaldita! pero kapag nasa school na ay  kabaliktaran sa ugali niya. Nameywang ako sa harap nila. Patuloy parin sa pagsabunot sa buhok.

"Ah gano'n? Kung mag-aaway na lang kayo ba't hindi nyo 'yan gawin sa labas, ha? Para naman malaman ng mga tao kung ano ang mga ugali niyo!"

"Sabihin mo! Ayaw mo lang ng nag-ingay rito dahil gusto mo ng tahimik na maglaro ng Computer! Computer Freak ka talaga!" Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang pagtawag nila nang freak. Hindi porque mahilig ako magbabad sa computer ay naging freak na ako. Hello?! Matino pa ang isip ko! Mga OA!

"Oo nga! Freak ka talaga Ate!" Segunda pa ni Leslei.

Lumapit ako sa kanila at pilit na pinaghiwalay. "Ah ganun!" Nang maihiwalay ko sa kanila, kinuha ko yung walis tas pinagpalo ang kanilang pwet.

"Ahhh!!!!" Sabay nilang daing, tumakbo palayo sa akin. Good! Lumayo kayo! Mga istorbo!

 Padabog na bumalik ako sa computer pero hindi dahil sa ipagpatuloy ko ang paglalaro kundi ay patayin yun. Pagkatapos niyon ay kinuha ko sa cabinet ang laptop at yung karatula na nakasulat ay Do not Disturb me!

Tsaka lumabas ng bahay ay pumwesto sa bench.

[Danrick's PoV]

Tch... Nakakabwisit naman oh! kung kelan kailangan ko ng  tulong tsaka naman walang tao sa paligid! Nasa isang Village ako at hinahanap ang bahay ng lola Pillar ko. Fuck! Why is it so hard to find that house?

Ilang oras na din ako naghahanap sa bahay niya pero hindi ko parin makita. Hindi naman mangyayari sa'kin ito eh kung sinundo na lang nila ako sa airport! At nung tinawagan ko si Lola para itanong kung saan ang kanilang bahay ay hindi naman sumasagot. Wrong move talaga ang pagbaba ko sa taxi kanina. May nakita ako kasing tindahan at dahil gutom na gutom ako ay bumaba na lang ako sa taxi, iniisip ko kasi noon na okay lang malapit naman dito ang bahay ni Lola eh. Pero lintik talaga eh!

Palinga-linga ako sa paligid hangang sa napadako ako sa isang babae na naka-upo sa isang bench na nasa ilaim nang  puno.Parang sinapian ata nang masamang Espiritu dahil tumatawa siya ng ubod ng lakas! Meron pa siyang hawak na isang karatula na nakasulat ay Do not disturb me! 

Ayaw nang disturbo sa dahilan abala pala siya sa pagsurfing sa internet!

 Tsk! Wala akong pakialam kung nakakaistorbo ako! Kailangan ko nang makauwi dahil pagod na pagod na ako.

Lumapit ako sa kanya at kahit ayaw ko ay hinanda ko ang killer smile ko. Ha! Walang babae na humindi sa akin.

 "Hi!" Bati ko sa kanya, napatigil siya sa pagtawa at lumingon sa akin. Mukhang nainis sa akin dahil naningkit ang kanyang mata. Aba, ngayon lang ako naka-encounter nang isang babae na hindi naapektuhan sa kagwapuhan ko! "My name's Danrick by the way and-"

 "Can't you read the sign, Mister?" Putol niya sa akin na dahilan ikinainis ko. Sa ayaw ko pa naman ay yung binabara ako!

Pinakita pa sa akin ang karatula. 

[Sofia Jade PoV]

 Umiinit na naman ang ulo ko! Dahil nga inistorbo ako ng isang lalaki! Naeenjoy na sana ako sa pinapanood kong movie tas istorbo lang? Ah! Kailan ba ako magkakaroon ng peace ha?

The guy was wearing a black leather jacket at may isang earings sa kaliwang tainga niya.Sa unang tingin lang ay para siyang delinquent na madalas kong napapanood na anime dahil narin siguro sa pananamit niya at kilos.

He was definitely a good looking guy pero wala ako sa mood para humanga sa kagwapuhan niya. All I want to do now was to ipukpok ang laptop ko sa ulo niya. I know it's rude because he approach me in a nice way pero haller? May sign kaya na ayaw ko nang istorbo! Pero teka! Ipukpok sa ulo niya ang laptop ko? Wag na lang. Sayang ang laptop ko 'no kung masira lang.

 Nagkasalubong ang kanyang kilay while his piercing eyes bore into mine. Tch!

"Oh ba't hindi ka makasagot diyan? Cat got your tongue?"

Miss Computer Freak Meets Mister Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon