CHAPTER 12

2.6K 58 4
                                    

Lena's POV:

"Ate lena anong sabi ni mommy?" tanong sa akin ni sky.

Nakahiga sya ngayon habang na nonood ng tv------pokemon ang palabas.

Sina rosa, jelly at megan busy ka ka-selfie tsk.

Inutusan nya kasi ako na eh text ko si ate arianne na maliligo kami ngayon. Ewan ko ba kung bakit lagi nalang sila nag kukulong sa kwarto nila ni kuya drake, eto tuloy bagot na bagot na ang kambal.

BEEP BEEP BEEP

"Heto na, kakatext lang baby sky. Wait babasahin ko" sabi ko kay sky at nag ok sign sya.

So yun binasa ko at ang sabi ni ate arianne,

Okay, be sure na babantayan mo sila lena. Wag nyo silang pababayan, jusko apat kayong mag babantay sa kanila pag may mangyaring masama sa kambal ko kakatayin ko kayong apat, MARK MY WORD LENA. Hindi muna kami lalabas ngayon, hindi maganda ang pakiramdam ko sge na mag enjoy at mag ingat kayo.

Yan ang sabi nya sa text nya, grabi naman tong si ate arianne.

Kakatayin talaga? Ano kami? Mga baboy?

"Yehey! Maliligo ako ngayon ate lena" masaya at excited na anunsyo ni sky.

"How about you kuya matt? Maliligo ka din ba?" tanong nya kay matt at tumango naman ang huli.

"Uy girls suotin na natin ang two piece natin, it's our time to shine" masayang sigaw ni megan kaya ayon sina rosa at jelly nag mamadaling kunin yung two piece ata nila tsk.

Grabi tong si megan rinig nya talaga ang usapan namin ni sky.

"Uy lena, ano pang hinihintay mo?" tanong sa akin ni megan.

Busy na kasi sila, kanya-kanya na sila ng gawa samantalang ako heto nakaupo parin sa kama ko.

"Pasko" ikling sagot ko sa kanya at umiling-iling sya.

"Ay akala ko pa naman si sir raven ang hinihintay mo bwahahahaha" sabi nya sa akin sabay halakhak.

Buang gajod na baji ini 😒

Kinuha ko yung unan at binato ko sa mukha nya then BULLS EYE!

"Grabi ka lena, nakakasakit ka na ng damdamin" angal nya at tumayo agad ako.

"Gaga" inis na sabi ko sa kanya.

Mag bibihis muna ako habang vacant pa yung cr.

____________

Nandito na kami sa beach, yung kambal? Nag eenjoy na sa dagat, kasama nila si rosa at jelly.

Naka two piece kaming apat ngayon pero nag suot muna ako ng maikling short. Ako lang ang may short na suot-suot, feel na feel kasi nilang mag two piece eh tsk.

Ang ganda ng view talaga, nakaupo ako ngayon habang pinag-mamasdan ko silang apat.

"Lena, doon muna ako sa kanila. Ang saya kasi nila, hehehe gusto kong sumali. Sama ka?" biglang salita ni megan, katabi ko sya ngayon.

"Sge go ahead, dito muna ako" sagot ko sa kanya.

"Okay sge, bahala ka" sabi nya sa akin at tumakbo na agad sya pa punta kina matt.

Ang saya lang nilang lima, enjoy na enjoy talaga sila at yung apat na babae parang mga bata lang sila ngayon or should I say ISIP BATA.

"AY! BUANG KA NA AMBAW" sigaw ko, pano naman kasi may gumulat sa akin.

Langya!

"Hoy flat chested, what is buang ka na ambaw?" slang na tanong ni raven slash lucifer-----yes si lucifer ang gumulat sa akin, langya tong lalaking to.

STARTED WITH A DARE (LUCIFER'S DARE)Where stories live. Discover now