Chapter 1: Oh please. Humor me.

65.6K 714 84
                                    

"Both of you shut up and let me talk." sabi ni lolo with a voice full of authority. Nathan and I stopped mocking each other. Mabait lolo namin pero pag sumosobra na kami, strict na sya. "At the age of 18, magpapakasal kayo."

Uhm…

HUH!?

"What the hell are you talking about, ha tanda?!" sigaw agad ni Nathan. Wala talagang galang to kahit kailan. Ang sarap isampal sa kanya nung isang book dun na topic is good manners and right conduct. Pero, di nga?! Papakasal kami?! Anong kalokohan naman tong naisip ni lolo!?

"I'm talking about your marriage." lolo smiled. Parang nakatrip lang ata si lolo eh.

"What are your terms, then?" asked Nathan.

Teka, teka. Anong ‘what are your terms, then’?! Tama ba narinig ko? Seryoso? Totoo? Hindi ba sya nagjojoke? Baka gusto nyang makasakit ako?

"Here are my terms." sabi ni lolo tapos may inabot na paper kay Nathan. Then, nag-abot din sya ng copy sa akin. Tahimik kong kinuha yun. Shocked kasi ako sa sinabi ni lolo. Di ko alam anung sasabihin ko. Well, sino bang nakakaalam kung ano sasabihin sa mga gantong situation? I mean, I’m a freaking 17 female! Dapat ata pinipigilan akong makipagseryoso when it comes to a relationship, not the other way around na pinapakasal ako ni lolo? Worse, sa lalaking pinakaayaw ko pa!

"Nice terms, tanda. Meron lang akong di gusto. Yung number 9 and 10." Nathan smirked.

9 and 10? Ano ba yun? Mabasa nga.

9. You are both allowed to do nos. 7 and 8 if and only if you both fall in love with each other.

10. Give me great grandkids.

Teka. Wait. Anu raaaaw? 

Binasa ko yung lahat ng terms. At ang naisip ko: Kill me now please.

I re-read the terms just to make sure hindi ako niloloko ng mga mata ko. Nakuha ko na nga silang mamemorize eh. What was written on the paper was:

I want great grandkids terms. (Teka... Baduy magbigay ng title ni lolo. Tss.)

1. Be in relationship with each other.

2. Go out in a date every weekend.

3. Marry each other at the age of 18.

4. Live in one house.

5. ALWAYS WEAR YOUR WEDDING RINGS.

6. Respect each other’s privacy.

7. NEVER sleep in one bed.

8. NEVER HAVE SEX.

9. You are both allowed to do nos. 7 and 8 if and only if you both fall in love to each other.

10. Give me great grandkids

Good God. Ba't ganyan?

"'lo naman eh!" halos maiyak ako nung makapagsalita ako. Finally, I found my voice! "Tingin mo, papatulan ko to?"

"Hoy ugly stick, wag kang feeling.” Nathan scoffed tauntingly. "Mas di kita papatulan!" then he turned to lolo. "Ano namang makukuha ko dito, ha, tanda?"

Oh, how lovely it would be if I could just reach over and hit him? Ok lang naman yun di ba? Kita mo nga, walang kagalang-galang! Parang di pinalaki ng maayos ni lolo!

"Hmm. I guess lahat ng mana nyo." lolo just smiled. I sighed. Sanay na talaga si lolo kay Nathan. "Wala namang mawawala, di ba? You've got a year to meet those 10 terms. I see no harm on you both trying. Pag di talaga kayo, fine. I'll give the 40% of my properties sa ampunan, 10% for all of my employees and the 40% sa church then yung remaining 10%, is the inheritance you’ll get."

WHAT?! Why does it have to be like that? Ba’t hindi nalang yung parang normal na procedure? Kaiyak naman si lolo eh.

"Ok. I'm fine with that. Papakasalan ko lang naman pala si ugly stick eh." Nathan shrugged then gave the contract to lolo.

Tinignan ko sya ng masama tapos binigay narin yung copy ko kay lolo.

Lolo glanced at me. "I see hindi ka kumokontra,"

Oo nga no? Ba't di ako kumokontra? "Teka, teka 'lo. Ba't kailangan kong pakasalan tong walang galang na pangit na to?"

"Secret," lolo chuckled. Good gracious. Parang teen-ager lang si lolo!

"Kung alam ko lang, pinagnanasahan mo ako." bulong ni Nathan.

I kicked his knee. "In your freaking dreams! Asa ka! And teka lang ‘lo. Ba’t parang in favor lang kay Nathan yung sa contract? Unfair!”

Lolo frowned. "Sinong nagsabing sya lang yung may makukuha? Meron ka rin."

Ha?? Teka, teka. "Really? Ano?"

"Yung mana mo." lolo said simply.

Mana ko? Hihi. Mana daw. Mana daw o. Oops, sorry. Nagmukhang pera.

"Hmm. Wala namang mawawala kung try namin di ba?" sabi ko. Kung makukuha ko yung mana ko pag pinakasalan ko si handsome idiot, pwede na akong magpakalayo-layo sa kanya after. How cool is that? "Sige 'lo! Payag na ako."

"And you, Nathan?" lolo asked Nathan.

"Fine with me. Sawa na rin akong hinahabol ng mga babae. I want to take a break from it." nagsmile pa sya sa akin. Yung nakakaloko. Kung pwede lang, hinagis ko na to sa Mars. Seriously.

Lolo smiled then inabot ulit yung contracts sa amin and ballpen. Tapos, after naming pirmahan, nagsalita sya ulit. "Wala ng bawian to. Effective tong contract na to until next year."

I nodded grudgingly.

"And, that's that. Humayo na kayo at ipagkalat na kayo na." lolo said, clearly dismissing us.

Tumayo na ako. Wala rin naman mangyayari kung uupo nalang ako dun.

"Teka lang, tanda. Di ba pwedeng bukas na namin pagkalat na "kami" na?" kontra naman ni handsome idiot. Napahinto ako. Ano nanaman kayang masamang pananalita sasabihin nya tungkol sa akin?

Kung pwede nga, wag na pagkalat eh. Kung pwede lang talaga!

"Aba bakit?" tanong ni lolo.

"Makikipag-break muna ako sa mga flings ko." sagot naman ni handsome idiot. Wow. Flings. Habulin talaga ng babae kahit kailan. But, who cares? At least wala syang sinabing masama tungkol sa akin. I’m so done with him.

Paglabas ko ng office ni lolo, pinagmasdan ko yung mga nadadaanan ko. So kung magawa namin ni handsome idiot yung terms, kami na siguro hahawak nito. I so love the idea! Tutal matalino naman si handsome idiot, sya na bahala magpalakad nito. Ako naman, magto-tour! Pupunta ako sa Paris! sa Venice! Sa America! Magpapakalayo ako sa lalaking yon at magpapakasaya.

"Oi ugly stick!"

"Ay baklang crocodile!" napatalon ako! Grabe naman kasi tong bwisit na handsome idiot eh! Gulatin ba ako? Gusto akong patayin? "Napano ka?"

"Ano tinatawa-tawa mo kanina? Para ka lang baliw eh." tumawa sya ng nakakainis. "Natuluyan ka na no? Kasi papakasalan mo ang isang perpektong tulad ko."

Ang kapal din talaga ng pagmumukha eh no? "Oh, please. Humor me." I rolled my eyes.

He smirked. "Sure."

Then, he kissed me.

Oh God, I’ll be damned.

 

Shut Up and Marry Me! (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon