3- Moving on ©

7 0 0
                                    

Dane's POV

Nagising ako dahil sa amoy ng bacon na niluluto. Napabangon ako. Bakit ko naamoy yun? Eh nasa taas ang kwarto ko nasa baba ang kitchen. At nakasara pa ang pintuan. Must be my improving senses.

Ay teka itetext ko pa pala si Sean ng Goodmorn--. Si Sean..

Sheets ito ang nakakainis saakin eh. Naging sistema ko na si Sean. Bwisit! Napaiyak nanaman ako.

Wala naman yung dalawa kong kasama sa kwarto kaya malayang malaya akong umiyak at humikbi. Grabe ngayon lang talaga fully na natanggap na wala na talaga KAMI. WALA NG KAMI.

Akala ko isa kami sa mga high school lovers na hanggang pagtanda ay kami parin. Akala ko yun ang kwento namin. Ibang iba papala.

Biglang bumukas yung pintuan at ibinalugta si mommy. Agad akong umiwas ng tingin at pinunasan ang luha at uhog ko.

"Iniwan ko muna ang niluluto ko ka Caroline kas- Umiiyak ka ba anak?"

"Uuuhh ma hindi po. Nalagyan lang po ng sabon nung naghihilamos po ako ng mukha. Ang sakit nga po eh" pagrarason ko. Eh mukha pa nga akong engot inuna pa ang pagiyak dahil sa lovelife kaysa manghilamos.

Lumapit naman si mommy at umupo sa tabi ko

"Halata nga eh. Sobrang masakit talaga yan. At di basta bastang mawawala. Ganyan talaga anak.Lalo na't mahal na mahal mo." Ani ni mommy. Di ko na napigigilan at niyakap ko na siya sa bigat ng loob ko at napahagulgol. Napakachismosa talaga ni Caroline at Jean.

"Mommy naman eh. Humugot ka pa talaga. Ganun ka ba talagang nasaktan nung naghiwalay din kayo ng tatay ko?" Tanong ko.

"Oo naman, Pero nung dumating si Daddy mo nawala lahat ng yun sa isang iglap." Sabi ni mommy.

Naghiwalay si mommy at ang tatay ko bago pa malaman ni mommy na buntis pala siya. At pagkatapos manganak ni mommy hindi na talaga nagpakita ang tatay ko. Nagkita naman si Mommy at Daddy at nalaman nila na sila naman pala talaga ang magmate. Tinanggap din naman ako ng buo ni Daddy at tinuring na kanya. Kaya masayang masaya ako. Ito ang pinakasekreto ko na hindi talaga si daddy ang totoo kong ama. Binaon nalang namin sa limot ang totoo kong ama.

Yun ang kwento saakin ni mommy.

"Ganito po pala ang pakiramdam na masaktan ng taong inibig mo ng lubusan ma noh?" Sabi ko.

" Talaga! Pero sabi nga nila there are other fishes under the sea. Kaya wag ka ng magdrama diyan! Punasan mo na yang mga luha mo. Okay lang yan. It's his loss naman eh. Yan ang ilagay mo sa utak mo. His not worth of your tears. His not worthy of your love. " payo ni mommy. Habang ako nakayakap lang sakanya na parang bata.

Bumukas uli ang pinto. At iniluwa niya si daddy.

"Umiiyak ba ang bebeh girl ko?" Nakijoin din si daddy.

" Broken Hearted ang Bebeh girl natin beh" pagsagot ni mommy kay daddy para saakin.

Lumapit naman ako kay daddy at siya naman ang yumakap saakin.

"Isa lang ang mapapayo ko saiyo anak. MOVE ON. Kawalan yun ng mokong na yun. Dahil pinakawalan niya ang pinaka maganda, mabait, malambing, at mapagmahal kong anak."

"Thank you po Daddy. Teka." suminghot-singhot ako.
"Parang may nasusunog mommy." Sabi ko kay mommy.

"Baka yung niluluto ni Caroline. Anak."

"MOMMY! DI MARUNONG MAGLUTO SI CAROLINE!" sabi ko.

"TIITAAAA!NASUSUNOG YUNG NILULUTO KOO!" sigaw naman ni Caroline.

Nagmadali naman kaming lahat na bumaba. At natagpuang sunog may sunog na bacon. Halos di mo na matukoy kung pagkain ba to o uling.

"Anong ginawa mo anak?" Natatawang sabi ni mommy.

The AlphaLuna Where stories live. Discover now