EXO Halloween Special pt. 2

42.8K 618 118
                                    

EXO Halloween Special pt. 2

Note: Last nalang to guys kasi di talaga ako magaling gumawa ng horror stories lol May mga humihirit pa kasi kaya heto. Anyway highway, si Kai lang ang may POV dito kasi kung lahat sila may POV aabutin tayo ng siyam siyam XD

---

Kai's POV

"Ahhh! Waaaa! May multo! May white lady! May chanak! Waaaaa~Di ko na keri ito!! >\\\\<"

tumatakbo si Chen papunta sa direksyon namin habang sumisigaw na parang baliw. Napayakap ito kay Xiumin hyung.

"Huh?! Asan? San mo nakita? " naaalalang tanong ni Xiumin hyung kay Chen.

"Dun sa tv! Waaa! Ayokooo naaaa~! " mas lalong humigpit ang yakap nito kay Xiumin hyung.

"Aish"

Binatukan ni Kris si Chen. At napa-face palm ang buong Exo. Hayst kahit kailan talaga tong si Chen :3

Nagaalala si Xiumin hyung kasi siya kasi mismo eh naranasan nang maka encounter ng mga spirits. Nakwento niya samin nun. Habang nagppraktis daw siyang kumanta, may sumasabay sa kanyang babae. Pero mag isa lang naman siyaHindi ako naniniwala sa multo multo na yan. Tss

Andito kasi practice room. Yung may background na mga clouds? Alam niyo yun? Syempre oo XD Crush niyo kami eh :''''')



Kakatapos lang naming magpraktis ng sayaw. Nahiga ako sa sahig.

"Uy sabi ni Manager hyung yung mga vocal line daw pumunta sa audio room" nagmamadaling sabi ni gramps

Oh di kayo na! Kayo na ang may magandang boses. Pumunta na naman sila dun at ako ay nagshower muna.

Ang lagkit ko na eh. Basa na rin ng pawis yung t-shirt ko. Bawas points to sa mga chicks eh XD joke!

*tunog ng shower*

"Na hoksi molla gyeonggohaneunde "

Sarap ng ahhh. Sarap ng tubig. Tumingin ako sa salamin. Shet! Ang pogi ko.

Malapit na akong matapos magshower nang bigla akong may naramdaman sa likod ko. Malamig.

May humawak sa balikat ko. Lumingon ako sa likod pero wala namang tao. Nagtaka ako.

Kinuha ko yung towel ko at nagpunas. Tumayo ang mga balahibo ko nang nakita kong puno ng dugo ang puting twalya ko.

Dali dali akong nagbihis at ipinakita ko sa mga members yung twalya pero..





"Pa-check ka ng mata mo jongin. Asan jan ang dugo? tss"nagwalkout si D.O matapos niyang sabihin yun.

"Kaiiiii! Omg! May mens ka pala?! Huahahah XD" pang aasar ni Chanyeol.

Nabadtrip ako kasi parang napahiya ako. Tinapon ko sa mukha ni Chanyeol yung twalya at nahiga sa kwarto ko.

"Luh ka Chanyeol hyung. Nabadtrip si Kai" sabi ni Tao. eh.

"Nagjjoke lang ehh. Masyado naman tong seryoso :3" dagdag ni Chanyeol

***

Nakikinig ako ng don't go sa ipod ko. Nakikinig ako ng music kapag badtrip ako. Nakakatanggal stress.

"achimi wado sarajiji marajwo oh "
Translation: Even when the morning comes, don't disappear oh♪

Ako yan kumakanta.









"Dito lang ako~"

Biglang may sumingit na boses habang kumakanta ako. Tinanggal ko yung earphones ko pero wala namang maingay. Wala ring ibang tao sa kwarto kundi ako lang.

At dahil di ako naniniwala sa multo itinulog ko nalang ito.

***

Naalimpungatan ako nang naramdaman kong nilalamig ako. Kinapa ko yung kumot ko habang nakapikit ako pero di ko makapa at mahanap.

Minulat ko ng dahan dahan ang mata ko at hinanap ito sa kama pero wala.





"Asan na ba yun? "
















"Heto oh"

Napalingon ako sa may bandang pintuan at nakita ang babaeng maputi at duguan at hawal hawak nito ang kumot ko.

O______O!

Kinusot ko ang mata ko at nawala yung babae sa paningin ko. Nakita ko yung kumot ko sa sahig.

Aaminin ko, hindi ako bakla pero natakot ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. Pinagpapawisan na ako ng malamig.

Lumabas ako ng kwarto pero tulog na rin pala ang mga members. Napatingin ako sa orasan.

3:10am

Pumunta ako sa kwarto ni D.O at dun natulog.

Simula nun. Di na nagpakita o nagparamdam sakin yung babaeng duguan. Simula din noon, naniniwala na ako sa mga multo.


Winterized

EXO SCENARIOS ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon