Marrying the Casanova Special Chapters

51.4K 453 62
                                    




Nagising ako dahil sa sikat ng araw na dumungaw sa bintana ko. Kinusot ko muna iyong dalawang mata ko gamit ang dalawang kamay ko bago ko tuluyang binuksan iyon at bumangon sa kama. Pagkatapos kong manghilamos, lumabas na ako ng kwarto at pinuntahanan si Kevia. Binuksan ko iyong pinto ng kwarto niya at sinilip siya. Tulog parin siya. Ngumiti na muna ako bago ko tuluyang sinara iyon.

Sobrang bilis ng panahon. Parang kahapon lang nong pinanganak siya ni Maybelline pero ngayong limang taong gulang na siya. Sa susunod na taon ihahatid ko na sya sa school niya dahil mag-aaral na siya.

Bumaba na ako ng hagdan para maghanda ng breakfast namin. Pagpasok na pagpasok ko sa kusina, nasilayan ko agad ang likod ni Maybelline habang nagluluto siya.

Napangiti ako saka ako dahang dahang lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran.

“Good morning muffin!” Bati ko sa kanya habang nakayakap parin ako sa kanya. Ngumiti siya sa’kin saka siya nagsalita.

“Good morning din muffin. Gising ka na pala. Si baby Kevia gising na ba?” Tanong niya sa’kin saka siya humarap sa’kin at niyakap ako.

“Tulog pa eh. Gusto mo gisingin ko?” Tanong ko sa kanya habang nagyayakapan kami.

Kahit na may anak na kami ni Maybelline pakiramdam ko para parin kaming teenagers na inlove na inlove sa isa’t isa. Sa araw araw na gumigising ako mas lalo akong napapamahal sa kanya.

“Kung magyayakapan lang tayo hanggang mamaya baka hindi tayo makakain. hehe.” Sabi ni Maybelline sabay ngiti.

Ngumiti ako sa kanya pabalik saka ko siya binitawan.

“Oo nga pala Kevin. Naihanda mo na ba iyong mga dadalhin natin para mamaya?” Tanong niya.

“Hindi ko pa naisakay sa kotse iyong iba. Aayusin ko muna para maaga tayong makaalis.” Sabi ko.

Tumango lang si Maybelline saka niya tinuloy iyong pagluluto niya. Lumabas na ako ng bahay saka ko inayos sa kotse iyong mga dadalhin namin.

Nangako kami ni Maybelline kay Kevia na pupunta kami sa isang espesyal na lugar kasama siya. Dalawang beses palang akong nakapunta at iyong huli eh wala pa sa Kevia. Buntis pa kasi si Maybelline nong panahong iyon pero ngayon eh tatlo na kaming pupunta kina Manang Josefa at Manong Pat. At bibisitahin din namin si Sandy. Iyong dolphin na naging bestfriend ni Maybelline.

Marrying the Casanova Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon