Chapter 1 "Story of my Life"

224 8 0
                                    

Ang saya saya namin! 1st anniversary namin

 Nagpicnik kami sa park..

 Nagkulitan at nagtawanan tapos nanuod kami ng sine, kumain sa simpleng restaurant, naglakad ng magkaholding hands. 

 Sabay pinanuod ang sunset habang niyayakap ang isat isa.

 Ito na ata ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko.

 Ang makasama siya...

Tapos sa 2nd anniversary namin mag popropose na ako sa kanya balak ko sana sa ibang bansa kami titira at magpapakasal kasama ang mga anak namin.

Hays ang saya sana hanggang huli...

 KRING! KRING! KRING! *alarmclock ringing*

Isang panaginip lang pala...

Halos araw araw nangangarap ako na balang araw makilala niya ako, na balang araw tawagin nya man lang ako at balang araw...

MAHALIN naman niya ako..

Mga salitang pawang pangarap nalang na sa panaginip ko nalang natutupad..

Ako nga pala si kyle isang college student.

May pangarap na makapagtapos ng tourism.

Dalwa ang kapatid ko parehas na silang nagtatrabaho sa ibang bansa. Ngayon ako nalang ang hindi pa, 3years nalang gagraduate din ako.

Pangarap ko kasing libutin ang mundo kasama ang taong matatawag kung PANGARAP nalang..

Maraming may gusto sa kanya.. Maganda siya, Panget ako..

Sikat siya, laos naman at luma na ako..

At ang pinakamahirap sa lahat  MAHAL KO SIYA, Mahal niya kaya ako?

Ang masaklap lang...

Ang pangarap ko unti unti ng nawawala at naglalaho..

Umuulan ngayon pauwi na ako, Para lang siyang ulan eh.

Kapag nagpakabasa ako sa ulan, Pwede akong magkasakit at masaktan o kumuha nalang ng payong para maiwasan ko siya.

Para sakin siya na talaga ang mahal ko wala ng iba. Kompleto na ang araw ko makita ko lang siya.

Bawat kilos, galaw at salita niya pinapahalagahan ko kahit hanggang tingin lang..

Mabuti nalang may bestfriend ako na tumutulong sakin at masasandalan kapag nasasaktan ako sa kanya.

Siya ung parang nagtatanggal ng pagkatorpe ko. At tagahilom ng sugat na nararamdaman ko.

Buti nalang may natatangi pang tao sa mundo tulad niya na nagbibigay halaga sakin, Wala na ata kasing nagmamahal sa akin.

Yung dalwa kung kapatid wala na malayo na sila saakin.

Yung mga kamag anak ko nasa palawan. At ang mga magulang ko...

Wala na sila 3yrs old palang ako nung namatay sila.

Pauwi na sana sila dito sa manila ng lumubog ung barko nila dahil bumabagyo at masama ang panahon nun.

Tanging litrato nalang nila ang nakita ko..

Si lola nalang ang kasama ko sa buhay ko na halos ituring ko ng ama, ina, kapatid at matalik na kaibigan. Si lolo kasi wala narin..

Namatay siya nung inoperahan sa cancer, Hndi niya ata kinaya...

Minsan gusto ko ng sumuko at magpakamatay nalang.. 

Pero dahil naisip ko na...

Nang biglang...

"ARAY!!"

Ay sorry.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"

Pasensya na, di ko naman sinasadya eh.

(Pinulot ko kaagad ung mga gamit na nalaglag sa kanya, habang nakatungo ako hindi ko napansin... Si marta pala, siya ung babaeng pinapangarap ko, Siya ung inaasam asam ko, ung gustong gusto ko ung.....)

"Ui! ok ka lang? Bakit ka natulala?"

Ay wla yun may naalala lang...

"Ah. Im marta nga pala, Teka! parang kilala kita ikaw si? si....?

"Kyle.."

"Ah si kyle ung tourism!"

Ahm oo pano mo nalaman?

"Nabasa ko sa newsette natin ung mga love stories mo ang galing mo pala. At pede karin maging writer!"

 Talaga? Ahm wala yun. 

 (Di niya alam para sa kanya yun. Mahilig kasi akong maggawa ng story, sonnet at poem tungkol sa love lalo na para sa kanya..)

*phone ringing*

"Hello papunta na ako jan, Okay okay."

"Oh by the way nice to meet you! Nagmamadali kasi ako, well ingat nalang next time? Bye!

Thank you din. Ingat ka...

(P a n g a r a p pa naman kita....)

Ano ba to panaginip? o unti unti ko na siyang natutupad? Hays nababaliw na talaga ako.

AAAAAAAAHHHH! sa wakas nakilala niya rin ako! sobrang saya ko sasabihin ko to sa bestfriend ko. Ang saya ko talaga!

Pero bigla akong napaisip...

Na may pangarap pa ako na hindi pa natutupad..

Ang M A H A L I N niya ako... 

Dream, Love and FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon