Chapter 48 - " Revenge"

355 12 3
                                    

*A/N : Waaaaaahh!! Namiss ko pag-update dito .. Yan dahil nangako ako na mag-uupdate ako this week so heto na!! may bago na akong update hehe .. I need your comments para po ma motivate and mainspired po ako sa mag UD dito . Thank You :* Medyo mabigat yung update na to haha . Kayo ng bahala kung gusto nyo magready ng tissue haha chos!! Enjoy reading :* Maghihintay po ako ng comment/s .. 

ALI'S POV :

" Uy! Ali anu na ? Sinagot mu na ba si Mark ? " tanung ni Erin na kanina pako niyuyugyog sa pwesto ko -.-

 

" Mamaya ko nalang nga kwento . "

Kanina pa ako kinukulit ni Erin pero paano ko ba sasabihin sa kanila ang nanyari kagabi ?? Kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila lalo na si dudez na parang wala sa mood ngayon. Kaninang umaga pa kasi nya ko di kinakausap . Baka meron lang?

" Naku Erin tigilan muna pangungulit dyan , magimpake nalang tayo. " harang ni Akee habang nagsimula na syang mag impake. Huling araw na kasi namen to dito sa Ilocos .

" Eh? Mamaya pa naman alis natin ah . Tsaka ayaw mo bang malaman yung nangyari kagabi ? "

 

 

" Hindi na ako interesado. " Sa sinabing yun ni Akee nagkatinginan kami ni Erin. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni dudez.

 

" Ooppss! May problema ba Akee ? "

 

" Onga dudez . May problema ka ba ? O masama lang pakiramdam mo ? "

Hindi sumagot si Akee . Patuloy lang sya sa pag-aayos ng mga gamit nya . And i think naintindihan narin ni Erin kung anu dapat nya gawin.

 

" Hello , rob .. Ah ok cge.. Cge .. Baba ako hehe ..

 

Girls wait lang ha? Nagpapatulong kasi si Rob . I'll be right back .. "

Lumabas muna sya ng kwarto at naiwan kami ni Akee. I guess , may problema nga sya . Hindi kasi to agad nagsasabi ng problema e . Kaya iniwan muna kami ni Erin para makausap ko sya.

 

" Dudez ? Ayos ka lang ba ? "

tanong ko ulit at tumgil sya sa pagiimpake.

 

" Bakit Ali ? "

 

" Ha? Anong bakit? Di kita maintindihan . "

Music In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon