May narinig akong sobrang pamilyar na mga boses. I followed the voices. Ewan pero sobrang familiar ang voices. Dahil sa katalinuhan ko nasa tapat kami ng isang normal house.

"HOY BRUHA KA!? AKALA KO BA BREAK NA KAYO TAPOS SASABIHIN MO SAKIN NA MAY GUSTO KA PA SA KANYA?!" - Shin.

Ano bang topic nila at abot hangang langit yung sigaw ni Shin. Si SHIN!? So tamang bahay ang napuntahan namin ni Cram!

"Tao po." - Cram.

May nagbukas ng gate. At parang natulala siya kay Cram (<_<)a. Kung tama yung pagkakaalala ko si Dj yan. Hindi kasi kami masyadong close kaya di ko siya masyadong naalala. Si Shin at Mariko lang talaga ang close kong mga cousins.

"Oh la la ..! Anong kailangan mo pogi??" - Dj.

"HOY! HINDI PA TAYO ... SANDRA?!?!" - Shin. Tumakbo si Shin papunta sakin. Nag hug lang naman kami. Nabigla siya kung bakit may lalaki akong dala. "Uy! Sino naman tong poging kasama mo?"

Inakbayan ako ni Cram. Tapos nag-smile ito ng nakakaloko. Kapag ganyan yung smile niya alam kong may binabalak siyang masama! "Hi! I'm Cram Angelo B. Avellana. At ako ang magiging future husband niya (^_~)v."

Napanganga yung dalawa. Kung pwede pa lang siguro kanina pa nahulog yung panga ng dalawa. Sige I will just story the story mamaya! Potcha ang gulo.

~ End of Flashback ~

Ayan nasa dinning table na kaming lahat. Si Shin ang nagluto ng kinakain namin ngayon. Ansharap huh? Teka nga bakit ako lang pinapakwento ng mga tao dito? Hindi naman ako si Lola Basyang (=_=)a.

"Uy Mariko! May nagsabi sakin na may crush ka?" - Ako.

"Ha? Ah .." - Mariko.

"Ayie!" - Shin & Dj.

Namula si Mariko. Hindi niya siguro alam na may kuya si Cray. Oo, alam ko lahat lahat na nangyayari dito sa bahay. Nakokonsensya ako minsan pero we need to do this just to make things better. Pinakilala din namin si Cram as Cram A. Baliw (<_<). Hindi joke lang! Cram A. Goriri jan yung true! Ewan ko lang din kung bakit ang dali magpa-uto ng babaeng ito.

Wait before my POV ends, I would like you to meet my-self. I'm Sandra S. Wendam, 23 years old, I'm also working as a fashion designer in France. Magkaparehas lang kami ng age ni Cram he's also 23 years old. Ang work niya? Model lang naman.

Mariko's POV

Maypagka tsismosa din pala to si ate Sandra. Nagtransform siya since the last time I saw her. Ang gwapo din ng future husband niya ha? Mowdel \(*_*\). Ayan nagkwentuhan lang kaming lima. Nakakatawa din to si Kuya Cram, super corny kay Ate Sandra. Pero nakakakilig may parang something sila na hindi mo ma explain.

"Saan nga pala may vacant dito?" - Sandra.

"Dun nalang kayo sa room ni Mariko." - Shin.

"Saan ako matutulog?" - Ako.

"Sa kwarto namin ni DJ." - Shin.

Pumayag nalang ako. Ayaw ko naman na sa ibang bahay pa sila titira (^o^)v.

-------------------------

~ It's going down, I'm yelling timber

You better move, you better dance ~

Umaga na agad? Ay! Oo nga pala bago ako natulog kagabi, binago ko yung alarm tone ko para pagising ko sa umaga, siya ang nasa utak ko. Malandi lang ang peg noh? Saturday pala ngayon. Ano kayang magandang gawin since walang klase?

Isip ...

Isip ...

Isip ...

Ting! ...

Wala akong ma-isip hoho (^o^)! Makaligo nangalang. Mamaya na ako mag-iisip kung nakakain, nakaligo at nakabihis na ako. Pagkababa ko, aba ready na ang food tapos silang apat tapos ng maligo. So ako na ang mantikang matulog ngayon?

"Morning!" - Ako.

"Morning din!" - Silang apat.

Umupo na kaming lima sa table para sabay sabay kumain. Andami naming napag-usapan especially kung anong nangyari these past few days. Cute din daw si Cray sabi ni Ate Sandra, si Kuya Cram naman parang nanlaki yung mata na parang ewan!

Pero alam niyo, ang weird ng kinikilos nilang apat simula kahapon. May dapat ba akong malaman? May nangyari ba na hindi ko alam? Kahit na tanungin ko sila ng mga yan, alam kong magsisinungaling sila. I should discover this my own.

"So saan tayo mamaya?" - Cram.

"Ay! May point siya. Ipasyal niyo naman kami, I miss Philippines nadin." - Sandra.

"Sure! Mamaya kung tapos ng maligo si Mariko." - Dj.

Napatingin yung dalawa kong cousins sakin. Parang sinesenyasan ako na MALIGO KA NA! HINDI KABA NA HIYA?. Binilisan ko nalang yung pagkain ko. Pagkatapos kong kumain, dumeretso agad ako sa tunay kong kwarto. Dito kasi ako naliligo at andito yung mga damit ko (=_=).

---------------------

Andito kami ngayon sa mall, naglalakad lang v(^o^)v. Pero okay lang din naman to kaysa sa magmukmuk ako sa bahay. Ampupu, minsan OP ako sa mga topic nila. Puro fashion kasi, hindi ako masyadong marunong manamit. Pero madami paring nagkakagusto sakin. Oh diba? Iba ang alindog ng beauty ko (^_~)v.

Lakad parin kami ng lakad. Sabi nila pupunta daw kami ng timezone, ewan ko kung anong nasa kokote ng mga tao dito. Parang nalibot na namin ang 1st floor ng mall pero hindi parin sila nagugutom. At ang worst, WALA PA KAMI SA TIME ZONE! Potcha! (_ _)'

DugDug. DugDug.

Huh? Bat parang lumalakas ang tibok ng puso ko? Wala naman siya dito. Baka pagod lang ako or kinakabahan. Ah! Gutom lang to (^_^)/.

"Kain muna tayo." - Ako.

"Oo nga kanina pa ako gutom." - Dj.

"K. Sa Jollibee tayo TARA!" - Shin.

Pumasok na kami sa Jollibee at naghanap ng mauupuan. Alam niyo, pakiramdam ko kanina may sumusunod samin. Pero kung tatalikod ako para tignan kung sino ... wala naman. Ewan ko lang ha, baka namamalignuhan ata ako? Baka hindi ako nagpagpag. Imposible din naman na magpagpag ako, hindi naman kami galing sa patay!

"Anong gusto niyo?" - Cram.

"Chicken." - Ako, Dj, Shin.

"Ok." - Cram. Sumenyas si Kuya Cram kay Ate Sandra. Agad namang tumayo si Ate Sandra. Mabuti nga hindi sila masyadong sikat dito sa pilipinas dahil kung nagkataon, patay sila sa mga tao.

After how many minutes. Nakabalik nadin sila with the foods. Ewan ko pero feel ko talaga may tumitingin samin hindi naman pwedeng magturo nalang ako ng kahit sino, mapagkamalan pa nila akong baliw. Sandali lang din naman kaming nagstay sa Jollibee. Pagkalabas namin may tao hindi namin inexpect! As in HINDI TALAGA!

"C-CRAY?" - Ako, Dj, Shin.

Prism Of Love - (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon