Chapter 1

575 9 0
                                    

Mariko

[Now Playing: C'mon by Ke$ha]

~Saw you leaning against

at the record machine~

5 minutes nalang please! Wag niyo akong gambalain sa beauty sleep ko.

~Saw the name of your band

written on the marquee~

"AAARGH!" mahinang sabi ko. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay sirain ang moment ko sa pagtulog. Kainis!

Pinatay ko nalang yung alarm ko, nag streching na din ako at pagkatapos ay inayos ang higaan ko. Diba ang sipag ko? Kakagising ko lang tapos ang dami ko ng ginagawa.

"Good Morning!" -Ako

Pagkababa ko palang sa kwarto ko ay nakita ko na agad yung dalawang pinsan ko. Naka mother costume si Shin tapos si Dinahjee ka pang father costume naman. ANYARE? Napa-aga yata yung Halloween?

"Aba? Gumising kapa?" -Dinahjee

"Saan ka galing kagabi?" -Shin

"Huh? Diba andito lang ako kahapon kasi Sunday?" -Ako

Mga weirdo talaga yang dalawang yan, SUPER! Minsan kinaka-usap pa nga nila ang kanilang mga sarili. Creepy T_T

"Bat nawala ang isang itlog dito?" -Shin

"IKAW! PINAPALAKI KA NAMIN NG MARANGAL. TAPOS ITO LANG ANG IGAGANTI MO SA AMIN? NANAKAWIN MO PA ANG ITLOG?" -Dinahjee

"Huh?" -Ako

Ayan nanaman sila. Ewan ko ba kung mga kadugo ko ba talaga ang mga ito o sira na talaga ang mga utak nila. Tinignan ko nalang yung wall clock. OMG! 5:30am na! Patay! Flag ceremony panaman namin ngayon. Nang matapos na ako sa ritual este sa pag handa ko sa sarili ko ay agad na akong tumakbo papuntang jeep terminal na malapit sa amin.

"Manong sa Montessori HighSchool po" -Ako

Buti naman at nakaabot pa ako nang jeep na pumaparada. Tinignan ko yung oras sa wrist watch ko. 6:35am na! Sana hindi ako ma late, isa pa naman ako sa Leaders ng Flag Ceremony ngayon.

Ay oo nga pala, muntik ko nang makalimutan ipakilala ang sarili ko. I'm Mariko Odagiri. Pinsan ko sina Dinahjee & Shin. Sila yung parati kong kasama sa bahay kasi sa sobrang busy sa work ng parents ko ay wala na silang oras para saakin. Kaya nga parang Mommy at Daddy ko kung maka-asta yung dalawang yun. I'm 15 years old at 4th year highschool student na ako. Many people would often call me as cute kaya yun na rin ang masasabi ko. Pinaninindigan ko na nga eh. Heheheh :D

"Ay ipis!" Nauntog ako dahil pabigla nalang huminto si Manong Driver, sarap sapakin! -_-

"Andito na tayo hija." -Manong Driver

Pagkatapos kong magbayad ay dali-dali akong tumakbo papuntang Covered Court. Sana maabutan ko pa yung Flag Ceremony >.<

Takbo...

Takbo...

Takbo...

Nagmamadali na akong tumakbo nang biglang...

"ARAY!! MY PRECIOUS BUTT!" -Ako

"Hala Miss, sorry!" -Cray

"Ay wala yun! It was just an accident." -Ako.

Tapos kumaripas na ako nang takbo. Nakabunggo ko kaya yung crush ko. His name is Cray Arvin Avellana, gwapo, maputi, matangos ang ilong, magaling sumayaw, mayaman at etc. Parang siya na nga yung PERFECT MAN eh kasi nasakanya na ang lahat. 4th year highschool student din siya ngunit Section B. Ewan ko ba, matalino naman yun. Parang mas deserving pa nga siyang maging Section A kaysa sa akin eh. Pero mas magiging masaya ako kung Section A kaming dalawa.

Prism Of Love - (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon