Chapter 4 watch out!

351 15 2
                                    

bumaba na kami ni jhefry sa canteen

---canteen---

nakaupo ako sa pwesto ng mga basketball players, kasama yung mga girlfriends nila

 si jhefry bumili ng pagkain.

ako nakapangalumbaba, iniisip ko pa rin kung bakit lumipat si poknat dito este jhenry pala, sinudan nya kaya ako? hhmmm. assuming naman ako.

biglang may kumalabit sa akin

" czarina, uy ayos ka lang ba?" tanong ni charm girlfriend ng isa sa mga teammate ni jhefry

"ah oo ayos lang ako"

" balita namin pinagdikitahan ka na naman ni riza ah"  sabi ni casey

" may bago ba? lagi namang ganun yun, insekyora lang kasi yun sa beauty ko, hahahaha"

" laki ng galit sayo nun eh, bat di mo kasi pinapatulan ng magtanda" say ni charm

" di ako pumapatol sa mga mababang uri, madudumihan lang ang aking mga kamay" inistretch ko pa yung kamay ko

tumawa lang dalawa ako nakitawa na rin para masaya . hahaha

 tapos dumating si jhefry

" mukhang nagkakatuwaan ata kayo ah?"

" ay hindi, nag kakalungkutan lang" sabi ni charm 

hahahaha, barado!

 di nalang pinansin ni jhefry yung sinabi ni charm

" oh khulets" sabay lapag sa harap ko ng mga pagkain na hiningi ko sa kanya

" salamat!!!" tapos niyakap ko sya.

wala namang malisya yun bestfriend ko yan eh

" akk!, tama na nasasakal ako" 

"OA mo, di naman eh"

" kumain ka na nga lang dyan"

" capt. sigurado ba kayong magbest friend lang kayo? parang kayo kasi eh" sabi nung isang team mate ni jhefry

" hala pano mo nahalata? tinatago nga namin na kami eh"  

pak!

binatukan ko, kung anu-ano kasi pinagsasabi eh. hahaha

" aray ko naman"

"  pinagsasabi mo?! sapakin kita dyan eh"  

yung mga team mates nya tumawa ng  rinig sa buong canteen, 

yung ibang nakain tuloy napunta sa amin ang atensyon

 "joke lang naman yun eh, ito di na mabiro ^_^V"

nag peace sign pa ang loko parang koreanong pipikturan.

habang nakain ako, naisip ko na naman si jhenry, si jhenry na lang ang laman ng utak ko ano ba kasing naisipan ni jhenry at lumipat sya dito anong dahilan nya?ako na nga lumayo eh sapat na yung sa malayo ko lang sya nakikita.

*sigh*

" saan ba galing yang buntong hininga mo, 60 ft below the ground? ang lalim eh . ano problema huh?" pabulong nyang tanung

"wala.. wala"

" utot mo, alam kong meron. sa akin ka pa magsisinungaling. spill" pabulong nyang sabi

" utot mo rin, wala nga sabi"

"czarina Jimenez"

hala binuo na ang aking magandang pangalan.

Is This For REAL?! (ON GOING)Where stories live. Discover now