Chapter Five || Day One

54 1 3
                                    

(Chapter 5)

Kasalukuyang nagdadrive si Zoey patungo sa Green Castle, agad na niyang sisimulan ang pagbabagong gusto niyang gawin kay Luke.

Tahimik silang dalawa. Si Luke, ewan kung anong ginagawa samantala si Zoey, gumagawa ng mental note and lists sa mga gagawin nila ni Luke sa mga susunod na araw, weeks, or maybe months.

Maya-maya pa ay hindi napigilan ng lalaking magsalita, "ahm, saan tayo pupunta?"

Napabuntong-hininga siya. Hindi alam ni Zoey kung tanga ba ang lalaki or nagtatangahan ito o di kaya ay wala lang talaga itong initiative.

"Anong natapos mo Luke?"

Parang nabigla ito sa tanong niya at nagblush na naman. Parang normal na rito ang magblush, ang weird din ng lalaking 'to.

"Ahm, bachelor in business management."

"So magaling kang magmanage? May achievements ka bang narecieve?"

"Dean's l-lister ako," nahihiya nitong sabi.

"Mmm, so matalino ka nga. Pero bakit minsan—" sasabihin sana ni Zoey na wala itong initiative most of the time pero agad na sumagi sa isip niya na siguro, lutang pa ito sa mga nangyari sa araw nito kaya hindi na lang niya itinuloy. May puso din naman siya kahit prangka siya at maldita.

"Nevermind, we're going to the mall, yung iniyakan mo? We'll gonna buy you tons of clothes. Yung hindi baduy, this will be the start of your training and makeover." Sabi niya at maya-maya pa, dumating na sila sa mall at agad-agad na naglalakad papasok sa building.

"We will gonna buy you shirts, shorts, jeans, boxers, everything that you need. There's gym at the hotel so okay na yun, everyday magjajogging tayo, exercise to work on your abs,"

"A-abs?"

"Yep, isang source para mahumaling ang Valerie na yun sa iyo."

"But she's not that kind of girl,"

Napamake-face si Zoey.

"Yeah, sa paningin ko nga hindi," sarkastiko niyang sagot.

"Step by step I'm going to improve your appearance. We'll get you contacts for your eyes, that monstrous braces will be gone in no time, those eww hair and everything. Just follow my rules, everything I say is for your sake, Sylvia, i-check mo ang lalaking 'to and find me suits, ties, everything he needs. Here's my card," si Slyvia ay ang head manager ng mall at kaibigan niya. Alam nito ang mga gusto niya at the same time, isa din itong professional at sikat na stylist.

Kinuha nito ang black credit card niya at isinama si Luke.

Si Zoey naman ay pumunta sa mga iba pang men's clothing and accessories.

Nakakatuwa naman ang araw na'to. Gustung-gusto niya talaga ang magshopping, lalo na at hindi para sa kanya. She felt giddiness everytime she helps someone. Hindi lang nababalita sa media pero madami na siyang natulungan.

May sarili siyang ipon at may secret business din si Zoey. Sa ibang pangalan niya inilagay at minamanage ng isa sa pinagkakatiwalaan niyang bff since grade school.

Finally, may ginagawa na naman siya sa buhay niya.

. . .

Nagsisimula ng mahilo si Luke sa mga damit na pinapasuot sa kanya.

Ngayon, sinusubukan na naman niya ang panglabing-walo niyang t-shirt, 3rd set na ito at ngayong lang siya nakasubok ng ganitong mga damit. Palagi niya kaseng suot ay malalaking polo na bulaklakin, komportable kase siya.

Loving HimWhere stories live. Discover now