ONE SHOT

20 0 0
                                    

I’m just a typical girl na may dream guy, may prince charming at naghihintay kay Mr. right guy..

Matalino, neat tingnan, matangkad, sweet, mapagmahal, madiskarte, mabait, maganda ang ugali, mayaman, gwapo, maipagmamalaki, gentleman, tanggap ng parents ko at higit sa lahat yung mamahalin ako..

Yan ang dream guy ko..

Akala nga nila noon tomboy ako dahil sa 21 years of existence ko, ni minsan hindi ako nagkaroon ng boyfriend.

Inaamin ko pihikan ako tsaka pranka. May K naman kasi akong mamili.. Maganda naman ako at sexy.. Hindi anak mayaman, hindi din anak mahirap, neutral lang kumbaga ang status ko sa buhay.. Nagaaral din ako..

Gusto ko kasi maramdaman yung spark. Palagi kasing ikinukwento sakin ng parents ko at ng ilan kong kakilala na kapag kaharap mo na si Mr. right guy parang bigla nalang daw na magkakaroon ng magic and in just a snap makikita mo nalang yung sarili mo na nahulog na sa kanya..

Ano kaya yung feeling kapag may magic na? Bigla kayang magkakaroon ng fireworks at titigil pansamantala yung pagikot ng mundo ta tanging dun nalang sa moment na yung naka-focus?

Hayyy~ kailan kaya ako tatamaan ni kupido ng kanyang mga mumunting pana?

Gusto ko ng maramdaman yung feeling ng ma-in love..

Naranasan na ata ng lahat ako nalang ang hindi..

“NIK-NIK BUMABA KA NA DYAN LATE KA NA!” umalingawngaw na naman sa buong baryo ang boses ng Mama ko.

“MAMA NAMAN! ANG AGA-AGA SUMISIGAW KA NA NAMAN! PABABA NA PO!” sigaw ko pabalik. Haha akala mo ako hindi sumigaw..

Dahil inaapura na din ako ni Mama, pinagsasaksak ko nalang lahat ng kailangan ko sa bag. Ako lang naman ang titingin sa gamit ko, kaya okay na yun late na din naman..

“Ma, alis na po ako..”

“Hindi mamaya ka na umalis, umupo ka muna dun sa tabi ni Jon..”

“Ma, kayo na nga po ang nagsabi na late na ako tapos pauupuin nyo pa ako dun sa tabi ng pinakamamahal kong border nyo..”

“Napaka-eksaherada mo talaga.. Tumigil-tigil ka nga dyan sa pagiinarte mo, hindi tatalab sakin yan.. Hala sige punta sa kusina..”

“Mama naman..”

“Kailangan ka pa bang daanin sa sapilitan?”

Yan si Mama, ang pinakamamahal kong ina at ang walang kupas nyang taktika para mapasunod ako.

Kabisadong-kabisado ko na sya.. Kapag kasi sapilitan na, pipili ka lang sa dalawa.. Kapag A, lagi nyang pinupuntirya ang baon at allowance ko effective naman kaya hindi na umaabot sa critical level which brings to B. Gagamitin na nya ang pagka-nanay nya at yung freedom ko naman ang nakataya..

Masahol pa sa detainee sa kulungan ang bagsak ko. Walang baon, walang cellphone, walang TV, walang gala, walang telepono, walang bisita.. Lahat wala isa lang ang meron.. Merong curfew at merong rules na susundin..

Nasa right age na ako pero ganun pa din ang sistema. Ang sabi nila as long as na nasa puder pa nila ako sila ang masusunod kaya minsan sila na mismo ang nagaapura sakin mag-asawa dahil sawa na daw sila sa akin. Alam ko namang gusto na nila ako mag-asawa kaya nila nasabi yon.

Sa buong existence ko, isang beses ko palang yun nasubukan at ayoko ng maranasan ulit.. Kung hindi ako nagkakamali, college ko yun naranasan.

Pumasok ako sa loob ng bahay at sumunod sa gusto ni Mama.. Kung hinahanap nyo ang Papa ko, wala nasa trabaho na.. Madaling araw yun kung umalis at hating-gabi na kung dumating kaya minsan nyo lang sya maaabutan..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NOT MY TYPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon