<13> Barrier

148 1 0
                                    

Chapter 13 - Barrier

-------------------------

JAN's POV

"Sino si Janace?!"

"Tambalang Jan at Ace po!"

Paktay ka jan oh. Napahilot ako sa sentido ko ng wala sa oras at napatingin sa gawi ni Ace. Nakita ko kung paano siya ngumiwi at nagtama ang mga mata namin. Nanlaki ang mga mata ko ng sumenyas siya sakin na parang hiniwa ang leeg at sinabing "lagot".

Binalik ko ang tingin ko kay Sir at nakatitig siya sakin ng parang may pagtataka. "Okay." umirap ito sabay humarap sa kabilang gawi. "How about the Sophomores?" pagiiba ng topic ni Sir. Alam kong may ibig sabihin yung titig ni Sir kanina. Iba eh!

Tumabi sakin si Ace. Di ko inaasahan na gagawin niya yun dahil sa alam kong alam niya ang ibig sabihin ko at ibig sabihin ng tingin ni Sir kanina. "Lagot tayo" panimula niya. Parang natuyo yung lalamunan ko at nangibabaw sa akin yung kaba.

"B-bakit naman?"

"Alam kong alam mo yung ibig sabihin ng tingin ni Sir kanina." tinignan niya ko sa mata. "Alam kong sa tingin na yun ay bakas sa kanila ang pagtutol. Tama? Alam kong ganyan din ang iniisip mo."

"Oo, pero--"

"Sssh wag ka nang maingay. Babalik na ko." umalis na siya sa tabi ko.

Hindi ko maintindihan yung gusto niyang ipahiwatig. Di ko rin alam kung bakit at paano niya nasasabi ang mga bagay na yun nang walang kahirap-hirap. Akala ko ako lang ang nag-iisip nun. Parang namanhid ang buong katawan ko nung sinabi yun ni Ace sa akin. Parang...

Parang may kaba...

"Lahat ng models for every year, maiwan. The rest can go."

***

Hindi parin kami nagkikibuan ni Ace. Kung mag-uusap man kami, eh hanggang "hi" at "hello" na lang. Bwisit naman kasi eh! Bakit ba kailangan laging may nangingialam sa buhay ko? Sa buhay namin?! Nawala nga si Christi at yung alipores niya na nanggugulo samin noon, mas dumami naman yung tutol samin ngayon!

*flashback*      

"I guess alam niyo nang dalawa kung bakit ko kayo pinaiwan dito."

"Sir, para saan po ba 'to?"    

"Para sabihin at ipaalala sainyo."    

"NA ANO HO SIR?!" nagtatakang sabi ni Ace. Sa tingin ko... Alam ko na din kung bakit. -____-    

"Alam--"    

"OPO SIR. ALAM NA HO NAMIN. DI NIYO NA PO KAILANGAN IPAGLUKLUKAN SA MUKHA NAMIN. KUNG SASABIHIN NIYO LANG DIN NA TUTOL KAYO SAMIN EH WALA NA PO KAYONG MAGAGAWA KAHIT ULIT ULITIN NIYO PANG ISAMPAL SA MGA PAGMUMUKHA NAMIN."    

"Jan and Ace, or should I say... JANACE. Ipapaalala ko lang sa inyo na tayo ay under Christian Ministries at hindi namin pwedeng i-tolerate yung relationship niyong dalawa. Mapa-legal man kayo sa parents niyo o hindi, HINDI PARIN PWEDE.--"    

"Mawalang galang lang po sir, bakit po ba kayo nakikielam sa tungkol samin? Eh tungkol samin naman po yun ah? Sorry po ah, pero di ko po kaya." nag-walkout si Ace. Bigla akong nawala sa mood dahil narin sa paninirang mood ang ginawa nila kay my labs.    

"Ace!" pagtawag ni Sir sa kanya, pero hindi niya nilingon ang kung ano mang iniwanan niya dito. "Jan, sana naman naiintindihan mo yung gusto kong mangyare diba?"    

Tumango ako. "Yes sir, pero bakit po yung sa ibang year pinapayagan niyo?! Porket ho ba naging advisory class niyo sila? Di naman ho ata makatarungan yun. Masyado na po kayong unfair!"    

"Jan wag mong ibahin ang usapan!"

"Sir nagsasabi lang naman ako ng totoo at yun po dapat ang tinatanggap niyo. Yun ho dapat intindihin niyo, hindi po yung kung anong meron samin ni Ace."

Nagsimula akong maglakad palabas ng lab. Pero bago pa man ako tuluyang makalabas, "Jan pinagsabihan ko na kayo."

"You're right sir." huminto ako sa paglalakad. "Pero di ko po kayo kayang sundin." at tska ako nagpatuloy sa paglalakad pabalik ng room.

Iba ang aura ko pagpasok ko ng room. Galit ako na nanghihina dahil sa pwedeng mangyare samin ni ace dahil sa sinabi ni Sir. Pero di ko kayang gawin yun. Hinding hindi! Hindi ako susuko dahil lang sa mga sinasabi ng iba.

Umupo agad ako at nakakunot ang noo na nakikinig kay Mam. Di nagtagal ay napansin ni Mam ang presensya ko at ang galit na mukha ko.

"Oh Jan, nasaan si Ace?"

Ay oo nga pala! Si Ace. Di ko na siya nakuhang sundan pa dahil sa inis ko kay Sir. Baka kung ano nang nangyayare dun. Alam kong kailangan niya ng magcocomfort sa kanya. Pero paano? Hindi pwedeng ako dahil baka mahalata na naman ni Sir.

"Mam nasa CR daw po siya at sabi niya po, papuntahin daw po si Heath doon."

Nagtatakang tumingin sakin si Mam. "Bakit kelangan nandoon si Heath?" lumapit ako kay Mam at tska bumulong, "Babae po ata siya ngayon eh." Okay lang kaya yung palusot ko? Wala naman talaga ata siya ngayon, ang gusto ko lang, may magcomfort sakanya habang wala ako sa tabi niya.

Lumakad palabas si Heath. Dumaan muna siya sakin at tska ko sinabi sakanya na wala talagang red sea ngayon si Ace, umiiyak lang siguro yun kaya napatagal sa CR. Kasabay nun ang pagkagulat sa mukha niya at dali dali siyang lumabas ng room.

Napahawak ako sa ulo ko. Di ko alam kung bakit kailangan mangyare 'to. Kung bakit kelangan humantong sa ganito. Kung bakit kailangan maraming tumututol sa relasyon na meron kami. Sana nga ay parte lang talaga 'to ng pagsubok. 

Sana ay mapagod din yung mundong pilit na pinaglalayo kami. Sana maisip din nila na gusto lang namin sumaya. Na may karapatan din kaming sumaya. 

Bakit ba kasi ngayon pa?! Kung kelan isang araw nalang bago yung unang buwan namin eh. 

Wag kang susuko Ace. Alam kong di tayo susuko.

The B.E.S.T AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon