Chapter 28 - Paulit-ulit

31.5K 670 99
                                    

Salamat sa lahat na patuloy na nagbabasa nitong "Ano ba talaga tayo." nalalapit na ang katapusan. Pakiramdam ko lang haha :p

Tnx (@yoloaddy -addy) sa walang kasawa-sawang pag suporta mula pa noong AKK ko palang hanggang ngayon sa ABTT. God bless you! :)

-----------------------------------------------------

-JOSH'S POV:

"Nandito ka sa bahay na to para sa pamilya mo. Para makuha mo ang bahay ng pamilya mo."

Yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. Para magawa kong manatili sa bahay na to. Para makaya ko ang sakit na makita na masaya ang taong mahal mo sa piling ng iba.

Para pinipiga ang puso ko sa tuwing makikita kong naglalambing si Ariana kay Ryan. Tuwing pinapadama niya dito kung gaano niya kamahal si Ryan. Pero ang mas masakit, yung nakikita kong tinutugon ni Ryan ang mga paglalambing sakanya ni Ariana.

Minsan kahit nasa harapan ko. Bigla nalang siyang hahalikan ni Ariana na agad naman tinutugon ni Ryan. Pag sa mga ganoong pangyayare, ako nalang ang umiiwas.

Naiinis ako sa sarili ko. Dahil pakiramdam ko napaka-hina ko. Na sa tuwing makikita ko silang ganoon. Ang tanging gusto ko nalang gawin ay pumunta sa sulok at umiyak.

Napaka-sakit talaga. Walang kasing sakit na makita mong ang taong mahal mo ay may mahal na iba at masaya sa piling ng taong mahal niya. Hindi ako magpapaka-plastik. Dahil talagang nasasaktan ako.

Pero isang linggo nalang naman. Tapos na ang usapan namin ni Ryan. Makakaalis na ako sa bahay na to. At makakabalik na ako sa dati kong buhay kasama sila Lola at Ringo.

Pero tinanong ko sa sarili ko. Kung sakaling matapos na ang kasunduan namin at magkakalayo na kami. Magiging masaya ba talaga ako? Alam kong hindi. Pero wala akong magagawa kundi tanggapin yun.

Dahil alam ko naman na pag tinanong ko kay Ryan kung Ano ba talaga tayo? Hindi ko maririnig sakanya ang sagot na gusto ko. Kaya mabuting tanggapin ko nalang ito. Makakalimot din naman ako at ang puso ko.

Nakaupo ako sa kama. Linggo ngayon. Day-off ko. Lalabas kami nila Lola. Dapat si Ryan ang kasama ko ngayon. Pero alam kong hindi niya gustong samahan ako dahil abala na siya kay Ariana. Kaya si Michael ang tinawagan ko para samahan kami. At hindi naman ako nabigo at agad siyang pumayag.

Maasahan talaga ang isang iyon kahit kailan.

Pinunasan ko ang luha ko. Hindi ko kasi mapigilang maiyak pag naalala ko ang sitwasyon ko ngayon. Tumayo ako sa kama at napagdesisyon kong lumabas muna at tumulong sa mga gawain kahit na day-off ko ngayon.

Pagdating ko sa taas ay nakasalubong ko si Ryan. Napahinto kaming dalawa na akala mo ay kapwa kami naka-kita ng multo. Isang dipa ang layo namin sa isa't isa.

Nagkatitigan kami na wari mo'y nag-uusap kami sa paraan ng pagtitinginan. Pero sa mga oras na yun. Gusto kong lumapit sakanya at yakapin siya nang napaka-higpit.

Parang wala ako sa sarili na namalayan ko nalang na humahakbang na ako papalapit sakanya para gawin ang umiikot sa utak ko. Pero agad akong napahinto ng lumabas mula sa likod niya si Ariana.

"Oh. Asawa ko. Akala ko ba mag jojogging ka?" Tanong nito sabay lingkis sa braso ni Ryan.

Para namang nagising bigla si Ryan at agad inalis sa akin pag kakatitig at tumingin kay Ariana.

"O-oo nga, mag jo-jogging na ako. A-asawa ko."

Sa unang pagkakataon ay narinig ko yun na lumabas sa bibig niya. Na tawagin niyang asawa si Ariana.

Agad kong inalis ang tingin ko sakanila at tumungo sa kusina. Nakaramdam nanaman ako ng sakit. Kahit paulit-ulit ko na nasasakhihan ang mga ganoong pangyayare sakanila.

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon