Unang Kabanata [1 of 2]

41.5K 709 16
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Dahil namimiss ko ang paggawa ng horror ay heto na naman po ako. Ang story pong ito ay inspired sa isang very popular na urban legend katulad nung ''ANG PAYASO'' ni i_love_kyle...Hehe, sana ma-enjoy niyo ito. Comment po kayo after huh.

---------------------------------------------------------------

''ONE NIGHT ONLY''

written by: sojuismyname

''ISANG SERIAL KILLER ANG NAKATAKAS SA KULUNGAN KAGABI. PINAPAYUHANG MAG-INGAT ANG BAWAT ISA AT TIYAKING NAKAKANDADO ANG INYONG BAHAY SA GABI...''

Napailing ako pagkapanood ko ng flash report sa telebisyon.

Nakakatakot naman ang balitang bumungad sa akin pagkagising ko.

Lumabas na ako ng aking kuwarto. Ako si Erika, 18 years old at isang nursing student. Andito ako ngayon sa boarding house na tinutuluyan ko.

''Erika, asan na ang bayad mo para sa dalawang buwan?!'' nakapameywang pang tanong ni Aling Malou, ang masungit naming landlady.

''Bukas po, magbabayad po ako.''

''Bukas, bukas! Nakaka-ilang bukas ka na Erika. Pag di ka nagbayad bukas, magkapwa-tawad tayo pero papalayasin na kita!'' pagkasabi noon ay tinalikuran na ako ni Aling Malou.

Nadelay lang naman ako sa pagbabayad dahil sa madaming gastos sa school. Working-student kasi ako. Wala naman akong aasahan sa pamilya ko sa probinsiya dahil mahirap din ang buhay doon.

Kailangang gumawa ako ng paraan upang magka-pera bukas. Lalo akong mahihirapan kung mapapalayas ako dito sa boarding house. Mahirap ng humanap ng murang boarding house na katulad nito.

SA SCHOOL...

''Hoy Erika! Sandali nga! Wait!'' paglingon ko ay nakita kong humihingal na papalapit sa akin si Janine. Kaibigan ko siya.

Tumigil ako sa paglalakad upang maabutan niya ako.

''May problema ka ba friend?'' tanong ni Erika. Magkasabay na kaming naglalakad papuntang library.

''Pano mo naman nasabi?''

''Eh kasi ang tamlay mo kanina sa recitation. Pati 'yung mga prof natin nanibago sa'yo, di ka naman daw dating ganun. May problema ka, no?''

One Night Only [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon