Epilogue

2K 72 11
                                    

G/N: The Last part. Happy 18k+ mga Tylessanatics! :*

~*~

Alessa's Pov

"Maaaa!" sigaw ko at niyakap si Mama.

"Ano ka ba naman, Alessa, may anak ka na pero kung kumilos ka para ka pa ding bata." saway saakin ni Mama.

"Hmph! Asan yung kambal?" tanong ko.

"Sa dagat, asan si Baby Castrix?" tanong ni Papa.

"Dala ni Tyler, ayun oh!" sabi ko at tinuro sila Tyler na papasok ng beach house.

Nagbakasyon kami dito ng barkada sa beach house nila Dad sa boracay, me and Jax are in good terms na. Si Wendy naman, pinabalik sa States kasama si Tito Hank at Tita Aya lang, kasama namin ngayon si Ivy. Dinalaw kasi namin ngayon sila Lola My, matagal ko na din silang hindi nakikita.

"Hello po, Tito, Tita." sabi ni Tyler.

Binigay ni Tyler yung anak namin kila Papa, para mabuhat.

"Pupuntahan ko lang yung kambal." paalam ko sa kanila.

Pumayag naman sila at tumakbo na ako palabas. Natanaw ko sila Xander at Xya na nagbabasaan ng tubig. 12 na silang dalawa ngayon, ang bilis talaga ng panahon.

"Ate!!" sigaw nilang dalawa at lumapit sa akin para yakapin ako.

'Tong dalawang 'to sarap kurutin! Binasa nila yung damit ko!

"Ate, asan na pamangkin namin?" tanong ni Xya.

"Na kay Kuya Tyler niyo, miss ko na kayo." sabi ko at niyakap ulit sila.

"Gurang ka na, Ate! May anak ka na, ew!" sabi ni Xander.

Binatukan ko siya ng mahina.

"Pamangkin mo naman 'yun, edi gurang ka na din. Tito ka na, eh." sabi ko.

Tumawa naman kami ni Xya nung sumimangot si Xander.

"Asan sila Lola?" tanong ko.

"Nasa kusina, tara, Ate! May ikw-kwento ako sa'yo! May crush na 'yan si Xya, eh." sabi ni Xander.

"Xans naman, eh! Wala 'yun, Ate! 'Wag ka maniwala sa unggoy na 'yan!" sabi ni Xya.

Ngumiti naman ako at ginulo parehas yung buhok nila.

"Mamaya ikwento niyo 'yan sa akin, ah? Tara, pasok na muna tayo." sabi ko at pumasok na kami.

Naabutan namin ang barkada sa sala kasama sila Mama at Papa. Malaki 'tong beach house nila Papa, hanggang second floor. Malawak siya at para talaga siyang bahay. Kasya mga 100 na tao, madami ring guest rooms.

"Apo!" tawag ni Lola My.

Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Hi, La. Mga kaibigan ko nga pala, tapos si Tyler at ang anak kong si Castrix." sabi ko.

1 year old na si Baby Castrix, ang cute nga niya lalo, eh. Pala-ngiti at pasaway pero malambing.

The Jerk and The Popular [A JaDine Fan Fic] #Wattys2016Kde žijí příběhy. Začni objevovat