Hot Bachelor 3: Sweetest Trap (SPG) oneshot

325K 4.4K 278
                                    

   

Mabilis na tinapos ni Yuri ang dapat niyang gawin dahil ng mapatingin siya sa suot ma relo ay magagabi na at hinihintay na siya ng mga kaibigan niya. Pagkatapos niyang gawin ang kanyang lesson plan ay naglakad na siya papunta sa closet niya to find a decent dress to wear. Binyag kasi ng anak ni Ally at kahit anong gawin niyang tanggi sa paanyaya nito ay nagpumilit ito. Kaya wala siyang nagawa kundi ang pagbigyan ito.

Matanda sa kanya ng isang taon si Ally at bestfriend nitong si Joey or Joanna na malapit na ring ikasal sa fiace nitong si Yale. Napangiti siya dahil sino ba ang mag-aakala na sa bandang huli ang mga mga taong nanakit pa sa kanila ang mapapangasawa ng mga ito. Sabagay they deserve to be happy din.

Kung paano sila naging magkaibigan? Magkasama sila noon sa book club. Ang mga ito ang naging ate niya at kahit na noong nakagraduate na ang mga ito ay hindi siya iniwan ng dalawa kahit na may pinagdadaanan sila. Mas naging close nga sila at tila ba nawala ang age barrier sa pagitan nilang tatlo at saka hindi na rin niya alintana na si Joey ay may kaya sa buhay dahil katulad ni Alleysha kumakayod din siya para lang mabuhay siya. At palagi pa rin silang nagkikita despite of their busy schedules.

Napangiti siya ng makita ang isang puting bestida sa closet niya. Masyado siyang busy sa pagtuturo kaya nakalimutan niyang magshopping. Hindi rin naman siya mahilig doon dahil simpleng tao lang naman siya. Mabilis siyang nag-shower at nagbihis saka lang nya napansin na umiksi sa kanya ng kaunti ang dress pero hindi naman malaswa tingnan dahil mas bagay sa kanya.

She let her long hair curled and applied light make up. Mayaman ang naging asawa ni Ally for sure maraming mayayamang bisita and she doesn't want to stand out, pupunta lang siya doon bilang ninang ng anak nito. She keeps her appearance simple yet presentable. Binagayan niya iyon ng simpleng yellow flats na match sa kanyang dalang purse and sprayed a bit of her fave scents and she is all done.

Kinuha niya ang susi ng kanyang sasakyan she needs a decent ride too kaya magdadrive siya. She hates driving dahil mabilis siyang antukinm, napatingin siya sa kanyang watch at malakas na napasinghap ng makitang sobrang late na siya.

"Naman eh." Pupunta pa ba siya eh masyado ng late? Ihahatid nalng niya ang gift niya sa anak nito at saka aalis na rim siya. Nasa labas na siya ng clubhouse na pinagdarausan ng binyag ng may sasakyan na biglang huminto sa tapat niya. Mabilis siyang napaapal sa break at nasapo ang dibdib sa sobrang kaba.

Biglang nanlabo ang kanyang paningin kaya hindi niya namalayan na nakalapit na sa kanya ang driver ng sasakyan. Naku po, mukhang galit yata si kuya. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at kagat labi na hinarap ang may-ari ng mamahaling kotse sa harap niya.

Matangkad ang lalaking nasa harap niya lalo at hindi siya nakaheels ay umabot lang siya hanggang balikat nito kinailangan pa niyang tingalain ito.

"Sorry talaga sir. Hindi ko sinasadya." Hingi niya ng paumanhin samantalang hindi naman siya ang biglang sumulpot.

"Aren't you Yuki?" Napatingin siya sa nakakunot noong kaharap. Napiligilan niya ang malakas na pagsinghap ng mapagsino ito. Si Dwayne na kapatid ni Joanna na bestfriend ni Ally na kaibigan din niya.

"Ahh, Mr. Monterde." Napahakbang siya ng paatras. Noon pa lang ay ilag na siya sa gwapong binata. Ewan ba niya pero naiilang talaga siya sa mga titig nito kapag nagkakasama sila sa isang lugar. They are not friends they dont also talk with each other. Parang wala lang sila.

"Sa susunod mag-ingat ka sa pagmamaneho." Iyon lang at tinalikuran siya nito. Hala! Ano naman iyon?

'Kung hindi ka biglang sumulpot hindi naman-." Nasapo niya ang kanyang bibig ng bigla itong tumingin sa kanya. Mukhang narinig ang sinabi niya. Nagmadali siyang pumasok sa kanyang sasakyan at naghanap ng parking lot. Sa kasamaang palad ang tanging lot na natira ay ang katabi ng kay Dwayne. Dahan-dahan niyang ipinarada ang sasakyan dahil baka masagi niya iyon at makapagbayad pa siya mahirap na.

Hot Bachelor 3: Sweetest Trap  (SPG) oneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon