3.7

2.9K 87 10
                                    


Amethyst's POV

Excited akong bumaba at dumiretyo sa lobby. Naupo na muna ako dahil wala pa si Sue. Hihintayin ko na lang siya.


Hindi ko na inisip kung nasaan man si Adam nitong nakaraang araw ang importante ay bumalik na siya.


Nginingitian ko lahat ng nakakasalubong ko, hindi ko pinapansin ang kabang nararamdaman ko.


Galit pa rin kaya siya?


Lumawak ang ngiti ko ng matanaw ko na si Sue na nakangiting lumapit sa akin.


"Hey girl, I miss you!"Tili niya at niyakap ako. Natawa naman ako at hinila niya na ako.


Sumakay kami ng elevator at dumiretyo sa floor ni Adam.


Ng makarating kami naglakad kami agad papunta sa office ni Adam.


"Sana magustuhan niya tong dala ko. Minsan lang kasi yun tumanggap ng pasalubong. Laging tumatanggi."Pag-kwento sa akin ni Sue at napangiti naman ako.


"Ay wait lang."Pigil ko dahil aayusin ko sana ang sintas ng sapatos ko. Naka-sneakers lang ako eh. Mukhang hindi niya ako narinig at dumiretyo na sa loob.


Lalakad na sana ako ulit at papasok na ng biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling lumapit sa akin si Sue.


Mahigpit niyang hinawakan ang pulso ko at hinila ako.


"Ahh, mamaya na lang siguro tayo pumasok. Ah, kain muna tayo or coffee?"Natataranta niyang paghila sa akin. Napakunot naman ang noo ko.


"Pwede namang mamaya na tayo kumain. Ibigay na muna natin yan kay Adam."At excited ko na siyang hinila papasok.


Pagbukas ko ng pinto kasabay nun ang pagbagsak ng puso ko. Para iyong hinihiwa-hiwa bago patuloy na sinasaksak.


There I saw Adam kissing Sofia at wala ng pang-itaas ang dalawa.


Mabilis akong tumakbo paalis at narinig ko pa ang pagtawag ni Sofia pero hindi ako tumigil.


Mabilis akong sumakay sa sasakyan at pinaharurot ito paalis.


'I just need tim, to think. Babalik din naman ako mamaya.'



Sue's POV

Napangiti ako ng napakalaki ng makaalis si Amethyst.


Bumalik ako sa office ni Adam at hinila na si Sofia palayo dito, baka saan pa umambot ito.


"Oh, tama na. Wala na siya. Tara na!"Hinila ko na siya. Tawa naman siya ng tawa habang nasa elevator.


Napailing na lang ako,naaalala ang ginawa namin kanina.


"Sa wakas mapupunta na sa akin si Adam. Sigurado ako."Dahil sa sinabi niya nawala ang ngiti sa labi ko.


'Yun ang akala mo, ngayon na wala na si Amethyst mabilis na lang na maagaw siya sa'yo.Tsk,tsk bilis magtiwala. Wala kang kaalam-alam may ahas na pala sa tabi mo.'


"Before that kailangan ko pang kausapin si Amethyst, final step and success!Hahahhaha"Sabi ko at nakitawa naman siya.



Sofia's POV

Sobrang laki ng ngiti ko habang nakaupo dito sa sala. Hinihintay ko ang pagdating ni Adam, siguradong maayos na siya ngayon at nag-away na sila ni Amethyst. Sa oras na iwan siya ng babaeng yun tatakbo na siya pabalik sa akin.


Tiningnan ko ang suot ko na dress, pagdating ni Adam magce-celebrate kami!


There was a knock on my door kaya agad ko itong binuksan. Tinulak ako ni Adam paloob kaya halos mapaupo ako sa sahig.


"Anong ginawa mo?!"Sigaw niya sa akin at ngumiti lang ako.

"Wala, diba kasi nahihirapan kang makipaghiwalay kay Amethyst na yun dahil wala kang mahanap na rason kaya tinulungan ko siya.Finally pwede ng maging tayo!"At yumakap ako sa kanya.


"What do you mean, wala akong maalala. And pwede ba ayoko nga sabing makipagbalikan. Ni minsan walang tayo. Tigilan mo na ang kahibangan mo Sofia!Mahal ko si Amethyst sinabi ko na sayo noong isang araw diba na wala ka ng aasahan sa akin!"Hindi ko pinansin ang sinabi niya at hinila lang siya paupo. Kumandong naman ako agad sa kanya.

"Baby, stop pretending. Ito na nga ako eh nakabalik na ako oh tumakas na ako kay Daddy for you.Hindi ba dapat magcelebrate tayo ngayon na iniwan ka na ni Amethyst?"At hahalikan ko sana siya ng iniwas niya ang mukha niya at tinulak ako kaya nahulog ako sa sahig.


"Anong iniwan ang sinasabi mo?"

"You know, nakita niya tayo kanina sa office mo. Making out hindi ba?" Pagpapaalala ko sa kanya. Bumigat ang paghinga niya at hinila ako ng marahas sa braso.


"Anong ginawa mo?"Nanggigigil niyang tanong.

"Nga pala muntik ko ng makalimutan..Hahahaha I put this sex drug on your coffee."Tinulak niya ako at nagmura ng nagmura.


"Fuck! Fuck! Fuck!"Tumakbo siya palabas napailing na lang ako. Hmp!



========================================================

A/N:  Dedicated to AphroditeThrone!!

'Little White Lies'


Three chapters left..


~All the love...



No Control (K.N)Where stories live. Discover now