Paglipas ng panahon

16 0 4
                                    

***

Buwan na ang nakalipas.

Kasabay nito ang nararamdaman ko para sayo.

Di ko na namamalayan patuloy pa din kitang minamahal.

At araw-araw kang mamahalin.

Na sana mahal ka din niya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya..

Sana matumbasan mo din yun.

At

Sana maisip mo din ang halaga ko sayo.

****

Ilang araw na din kami nagkakasama ni Sed. Minsan kasama mga kaklase niya at kasama ang besfriend ko. Di ko namamalayan may di na ako nalalaman. Di ko alam si Sed may gusto pala kay Deny. Ang sakit na malaman ko yun. Parang unti-unti akong nadudurog at natutunaw. Di ko alam kung ano gagawin ko. Pero kahit ganun yung nalaman ko. Okay lang sa akin. Kahit masakit ( masakit naman talaga )

Pinagpatuloy ko pa din yung ilusyon ko. Na sana ako din magustuhan niya pero parang di mangyayari yun.

Kailanman di mangyayari yun.

Himala na lang ang makakagawa nun.

Di talaga mangyayari yun.

Parang mali din kung mangyari yun.

At

Hindi talaga.

Hinding hindi talaga.

Kasi
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Iba ang mundo naming dalawa. Iba ang pagkatao naming dalawa. Iba ang gusto niya at iba siya. Ibang-iba talaga siya.

Dahil

Bakla siya.

Bakla si Sed.

Oo bakla yung taong gusto ko.

Oo bakla yung taong nagbibigay kasiyahan sa akin

Bakla yung taong pinapangarap ko.

Masama bang mahalin siya?

Masama bang mahalin ang kagaya niya?

Masamang masama ba sa tingin ng kagaya nila?

Bakla

Bading

Baklush

Bekler

Pusong babae

Oo yan ang tawag sa kanila at sa kanya.

Siguro nga.

Mali

At

Tama yung sabi ng iba.

Na maling mahalin at gustuhin sila.

* Oo una pa lang alam ko ng bakla siya. Alam na alam ko yun. Di ko naman pipigilan sarili ko kung ipagpatuloy na gustuhin siya kung di ko alam. Kaya mas pinilit ko pa din sarili ko na gustuhin siya. Kahit alam kung mahirap, masakit.

***

Pero bakit ganun Sed?

Sa bestfriend ko pa ikaw nagkagusto.

Pwede naman sa iba eh.

Wag na lang yung bestfriend ko.

Ako na lang Sed

Ako na lang.

Pero siguro

Hayaan ko na lang.

Kasi di mo naman talaga ako magugustuhan eh.

Pero kahit ganun ikaw pa din ang gusto ko.

Araw-araw ikaw ang dahilan ng mga ngiti ko.

Ikaw ang nagiging dahilan kung bakit ako nagiging masaya.

Bawat text mo, masaya ako.

Makita ka lang buo na araw ko.

Makasama ka lang, okay na ako.

Lahat ng yan Sed, ikaw ang dahilan

Sana Sed malaman mong

Gusto kita Sed.

Mahal kita Sed.

Ang wierd diba?

Babae ako at Bakla ka.

At alam ko sa huli.

Ako ang talo, ako ang mabibigo sa dulo. Ako pa din yung mahina. Araw-araw ko na lang sigurong tatanggapin ang mga gm mo, na nagpapasakit ng damdamin ko. Yung laging may name ni Deny, ang bawat huling gm mo. Ang sakit sakit. Yung napapalungkot na lang ako sa nakikita ko. At minsan pa masaya ka kapag kasama mo siya.

Sana ako na lang yung nasa gm mo.

Ako yung nagpapasaya sayo.

Ako ying taong gugustuhin mo.

Ako na lang sana Sed.

Ako na lang.

***

* Kung ako ba siya mamahalin mo. Ano bang meron siya na wala ako, kung ako ba siya, iibigin mo.

P A A L A MWhere stories live. Discover now