Chapter 6

176K 3.2K 41
                                    


After ng eksena sa loob ng kwarto ko, nagbihis na ako at agad na lumabas.

pupunta na lang ako sa dagat, balak kong magliwaliw muna tutal wala pa namang tawag si boss sa akin, susulitin ko na muna na wala siya.

naglakad ako papunta don ng biglang may nakita akong batang babae na nadapa, agad akong lumapit sa kanya at tinulungan syang tumayo

"ok ka lang ba?" tanong ko bata. Itinayo ko siya saka ko pinagpag yung tuhod niya sa nalagyan na ng buhangin.

"o-opo ate, thank you po" nakita kong nanunubig na ang mga mata nya at gusto nang umiyak kaya naman nag salita na ako at hinawakan yung kamay niya. 

"oh! wag kang umiyak be, asan ba sila mama  mo?? gusto mo hanapin natin?" tumango naman ang bata

hinawakan ko sya kamay at naglakad kami

"ilang taon kana?" imbis na sumagot itinaas lang niya ang apat na daliri

"ah, four kna? anong pangalan mo?" tanong ko sa bata

"ako po si Amber De Villa" sabi niya, kyyaaahh!! ang cute cute naman nitong batang to!!, hindi ko napigilan at kinurot ko sya  sa pisngi

"hmmmpp!! ang cute cute mo naman amber!!" sumimangot sya kaya itinigil ko na ang pagkurot sa pisngi niya, ang cute niya talaga. Naka pig tail ang tali ang buhok niya, at itim na itim ang mata, naka suot pa sya ng pink na blouse at short naka boots pa sya eh, ang gandang bata

"anong pangalan ng mga magulang mo be?" sabi ko

"Anthony at Cara De Villa po" saad nito habang tumitingin tingin sa paligid, siguro hinahanap na din niya yung parents niya.

"oh? wag kang iiyak ok? pupuntahan natin sila mommy at daddy mo huh? " sabi ko sabay pat sa likod niya, tumango naman sya at pinunasan pa ang namumuong luha sa mata niya,

wow, ang cute cute niya!! namumula pa yung pisngi niya

naglalakad kaming dalawa nang makarinig kami ng boses ng lalaki

"amber? baby?" tawag ng isang lalaki, agad naman kaming lumingon

wow, ang gwapo!! may lumapit sa aming naka black sando at short na lalaki, langya ang poge!!!

"DADDY!!!" sigaw ni amber at nagpa karga sa lalaki, huh? daddy niya yun? ay sayang, may mommy ba si amber? pwede bang mag apply? hahaha, joke lang

"baby, where did you go?, bakit bigla ka na lang nawala?" niyakap pa ni kuya pogi si amber, siguro mga ka edad na sya ni boss, ang pogi talaga eh

"ahh, miss?" ang gwapo

"miss?"

"ang gwapo!" narinig kong tumawa yung lalaki kaya natauhan ako, eh??

"hahaha, anong sabi mo miss? ang gwapo ko? haha, nga pala my name is Anthony, ikaw ba ang nakakita sa anak ko?" sabi niya

pero bago pa ako maka sagot may babae namang dumating, niyakap niya si amber

"oh my gosh! AMBER!" sabi niya, naluluha pa ang babae, mas kamukha nung babae si amber, ito siguro yung nanay

"MOMMY!!" nagpa karga sa kanya si amber, tumingin sa akin yung babae at lumapit

"uhm miss? ikaw ba ang naka kita sa anak namin?" ang ganda niya, naka ngiti syang lumapit sa akin, ipinakarga niya si amber sa asawa niya at niyakap ako

"thank you miss, sa pag sama sa anak ko ah?"

"ahh,walang ano man, ang cute nga ni amber eh" sabi at tumingin kay amber, ngumiti naman sya akin kaya gumanti din ako ng ngiti

THE BILLIONAIRES OBSESSION (ON HOLD)Where stories live. Discover now