P R O L O G U E

6.1K 336 90
                                    

P R O L O G U E



"A-ano Kuya Zie mag-oout ka na po ba? P-pwede ba akong sumabay sa'yo? Birthday niyo po ngayon." pagtatanong sa akin ni Bella, isa sa mga kasama ko sa trabaho.

Hindi pa ako nakakapasok sa locker room para sana magpapapalit ako ng aking damit dahil mamayang ala-una ng hapon ay may klase pa ako. Gusto ko sanang samaan ng tingin ang babaeng ito pero hindi ko magawa dahil ayaw ko naman na pumangit ang image ko sa fast food chain na ito.

Ngumiti ako habang kinakamot ng marahan ang aking batok "Pasensya na, gusto sana kitang sabayan kaso nagmamadali kasi ako. May pasok pa kasi ako." nanghihinayang na saad ko.

Bakas ang panghihinayang sa kanyang mukha. Wala akong pakialam kung may gusto ka sa akin. Wala naman akong mapapala sa'yo kapag sumabay ako. Bibigyan mo ba ako ng pera? Hindi naman dahil pareho lang tayong naghahanapbuhay. Ang pinagkaiba nga lang, ikaw naghahanapbuhay para sa pamilya ako at ako ay naghahanapbuhay para sa sarili ko.

"G-ganun po ba? P-pupwede po bang sa mga susunod na araw? G-gusto ko po sana kayong i-libre ng lunch. Happy Birthday nga po pala -----" dagdag pa niya.

Gustong-gusto nang kumunot ng noo ko sa pagiging mapilit. Kating-kati na 'tong bibig ko na sabihin sa kanya na wala akong balak na sumabay sa kanya. Kayang-kaya kong pumunta sa Unibersidad na pinapasukan ko ng walang kasabay.

Sa ano itong pinagsasabi niyang ililibre niya ako? Nahihibang na ata ang isang ito. Ako nga hindi ko man lang inaasikaso ang kaarawan ko tapos kung makapagsalita ang isang ito ay akala mo siya 'yong may birthday. Ano nanaman kayang pumasok sa kokote ng nilalang na ito? Akala ko sa teledrama lang naglalabasan itong mga cliche scenarios na ganito.

"Pasensya na talaga... Mag-iiba na kasi ang ng shift at schedule sa isang araw. Sorry, sige maiwan na muna kita." pagtatapos ko sa usapan naming dalawa.

Hindi ko na siya hinintay na makasagot at dali-dali akong pumasok sa locker room ng mga lalaking employee. Alam kong maghihintay 'yan sa akin sa labas kaya kailangan kong magmadali sa pagpapalit ng aking uniporme para makatakas sa kahibangan niya.

Napakunot na lamang ako ng noo dahil biglang sumakit ang ulo ko. Pakiramdam ko parang binibiyak ang bungo ko mula sa noo hanggang sa ibabaw nito. Napakagat na lamang ako ng aking pang-ibabang labi at mabilis kong kinuha ang isang piraso Advil para mainom ko na. Nagkaka-migraine ako nitong nakaraan, lalo na sa itaas na bahagi ng mata. Tumataas nanaman siguro ang grado ng mata ko. Isa na nga lang ang nag-ffunction tumataas pa.

"Siguro puyat lang ako nitong nakaraan." mahinang saad ko sa aking sarili.

Agad-agad kong sinuot ang aking puting uniporme at hinablot ang aking bag. Isinuksok ko naman sa aking bibig ang strawberry cream flavored lollipop bago tuluyang lumabas.

Pagkasakay ko ng jeep ay agad na napunta sa akin ang atensyon ng tao. Hindi dahil sa isang binata na nakikita nilang kumakain ng lollipop, kundi sa isang bagay na kapansin-pansin talaga. Bahagya na lamang akong ngumiti upang hindi na ako makarinig ng masasakit na salita.

"Sayang ang gwapo sana ni Kuya, kaso tignan mo oh... Ang haba ng peklat sa mata." saad ng isang babaeng na nakasuot ng puting uniporme.

Napakuyom na lamang ako ng aking kamao dahil sa inis. Mariin ko rin na kinakagat ang aking pang-ibabang labi. Hindi ko naman ginustong magkapeklat sa mata. Hindi ko naman hiniling sa Diyos na mabulag ang kaliwang mata ko. Hindi ko maiwasan na matawa sa aking isipan. Ano pa bang aasahan ko? Matagal na akong nakakaranas ng diskriminasyon dahil dito. Saka bakit ba nagpapaapekto pa ako? Hindi pa ba ako sanay na may ganyan talagang nilalang na nagpapagala-gala sa mundong ito.

Bloodstone AcademyWhere stories live. Discover now