Kilometro Quatro //

9.6K 378 133
                                    


Chloe's POV


Nagising ako sa pagkasilaw sa dilaw na ilaw. Namamanhid pa rin ang bibig ko. Namalayan kong nakahiga pala ako sa isang bathtub. Bigla akong nilamig dahil wala akong saplot pang ibaba. Babangon sana ako ngunit nangilabot na lang ako ng makitang pinagdikit at tinahi gamit ng makapal na sinulid ang balat ng hita pababa hanggang sa paa ko!


Nabibingi ako sa ingay sa utak ko! Pinagpapawisan ako ng malamig at nangangatal ang mga daliri ko habang tinatanggal yung buhol sa taas ng hita ko. "Aaahhhhhh!" Walang tigil ang sigaw ko habang tinutuklap ito isa-isa. "Aaahhhhhhhhhh!" Halos mawala na ako sa sarili. Umagos mula sakin ang masaganang dugo.


Gumapang na ako. "Tulong..." pabulong ko ng sabi. Hindi na ako makapagsalita. Pakiramdam ko namumuti na ang mga mata ko sa dami ng dugong nawala sa akin.


Nakarinig ako ng mga yabag sa pintuan. "Tu-tulong.." Hinang-hina na ko. Napakapit na lang ako sa palda nung babaeng pumasok. Nanlalabo na yung paningin ko. Hilong-hilo na ko. Napaiyak na lang ako ng makita ang mukha nya.


"Hik! Hik! Hik!"


Nilakdawan lang nya ang katawan ko. Nakita kong may isinalin syang likido sa palanggana. "Ahhhh!" Hinila nya ang buhok ko. Ipinakita nya sa akin yung bote nang naturang likido---muriatic acid. Napahagulgol na lang ako. "Huwag.. Please.. Maawa ka.."


Hinaplos nya ang buhok ko. Ramdam na ramdam ko ang matatalas nyang kuko. Walang anu-ano'y binasag nya ang bote sa mukha ko! Pumasok yung bubog sa mata ko. Napadura na ako ng dugo kasama yung dalawang ngipin ko. Wala akong magawa kundi umiyak.


"Ahhh!" Sinabunutan nya ko at kinaladkad dun sa palanggana. Umuusok at bumubula pa ang laman nito. Nagmamakaawa na ko. "Please.. Tama na—Ahhhhhhhhhh!" Inilublob nya ang ulo ko! Unti-unting nilapnos at sinunog ng muriatic acid ang mukha ko.




Ian's POV


Iginala ko yung mga mata ko at nakita kong nasa isa kaming abandonadong laboratory? May kadiliman at kulong ang paligid. Basag-basag yung mga salamin. May mga malalaking tubo sa pader at kisame. At maraming iba't ibang uri ng makina.


Hindi ko maigalaw yung mga kamay ko dahil magkatalikod kaming iginapos ni Ella gamit ng barbwire. Naramdaman ko ang pag galaw ni Ella. Unti-unti na syang nagkakaroon ng malay. "Ella.. Ayos ka lang ba?"


"Buhay pa naman ako." Luminga sya. "Nasaan tayo??"


Hindi na ko nakasagot at mapapaihi na ko sa kaba nang sunod-sunod na iniluwa nang pinto yung tatlong kanibal. Yung tatay, nanay, at yung anak nilang babae. Suot-suot nung anak yung DSLR camera ni Kyle. Nag-picturan pa sila. Kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon eh natawa na ko. Nakuha pa kasi nila mag peace sign at wacky pose. Kulang-kulang naman yung daliri nila tapos wala namang pinagkaiba yung normal sa wacky.


"Nerd, paki-explain nga kung anong katangahan ang ginagawa ng mga yan??" si Ella. "Hoy! Pakawalan nyo kami dito!"

Dead KilometerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon