Chapter 1 *Meeting the Cassanova*

33 1 0
                                    

BEA'S POV

This is how it started. I woke up for the first day of school kaya madaling-madali akong pumasok gamit ang bike na padala ni papa from Canada.

Hindi ko na ginusto pang magpahatid-sundo pa sa new-hired driver ni mama gamit ang aming starex. I left my bike to the parking lot and ran to the gate.

Aabot pa sana ako sa time but I accidentally bumped someone with my right shoulder. Naglaglagan lahat ng libro ko pati na rin ang student's handbook na dala ng nabunggo ko. I apologized to him then picked all my book and his student's handbook.

I gave it to him and I noticed na mukhang bago lang sya dito. He's so handsome>.< Siguro transferee sya so I asked him, "Bago ka dito no? Gusto mo i-guide kita? Anong year ka na? Anong number ng room mo? Anong section ka? Sinong adviser mo? Anong pangalan mo?"

"SHUT UP!!!", bigla na lang syang sumigaw at natahimik na lang ako.

"I guess I'm old enough to know where I'm going right Ms. nerd? So I don't need your help so SHUT UP!!! "' he got his bag from the seat behind him and placed it on his right shoulder.

Nagsimula na syang maglakad palayo pero sinigawan ko sya. "Hoy!!! Alam kong may utak ka na para hanapin ang dapat mong hanapin but your one day is not enough para gawin yun. Actually nung first day ko dito, palagi na lang akong naliligaw. So goodluck na lang sa'yo...!"

Aalis na sana ako pero sumagot pa rin sya, mukhang ayaw magpatalo."Nga pala Ms. nerd. Next time titingnan mo ang dinaraanan mo. Ang taas-taas na nga ng grado ng salamin mo pero parang ang labo-labo pa rin ng mga paningin mo. Sige ka, baka ikaw ang maligaw nyan..."

He sent me his insulting smile then turned back again and continue to walk away. Ano daw? Pagkataas ng grado? hello!!! 700 by 700 lang kaya. Gwapo sana, mayabang naman.

I headed to our room and many of us were absent. Binigyan lang kami ng schedule and grabe! pahirapan na'to. 6:00 na kaming uuwi ngayong 4th year. My first day is so booorrriiinnnggg!!!

Kinuha ko ang bike ko sa parking lot and saw hat it was flat. So I guess I have to walk with my bike. But suddenly it rained, malas talaga. I found myself waiting for the rain to stop.

After a few minutes, may isang lalaking tumakbo sa tabi ko dahil ang room na lang namin ang nakabukas ang ilaw. He looked at me and I answered it with a smile.

"Wala naman bang magagalit kung maghihintay din ako dito?", tanong nya sa'kin.

"Wala naman siguro, kanina pa ako dito eh, hinihintay ko lang tumigil ang ulan.", sagot ko. Nakita nya ang bike ko and noticed that it was flat.

"Paano ka uuwi kung flat ang gulong ng bike mo?",grabe ah, concerned sya sa'kin. "No Choice, maglalakad na lang", sagot ko sabay ngiti sa kanya.

"Maglalakad sa ganitong oras? Medyo delikado yun ah. Why don't you call your mom or your dad to pick you up?"

"Ang mommy ko.... nasa trabaho. Ang daddy ko... nasa Canada. Mayaman ka ba?", I asked him.

"Lahat naman ng nag-aaral dito eh mayaman di ba? Bakit? Scholar ka lang ba?", pagtataka nya. "Sa totoo lang, pinahihirapan ko lang ang sarili ko sa pagbabike kahit na pwede naman akong magpahatid-sundo gamit ang kotse namin. Ang alam din ng mga kaklase ko, scholar lang ako..", sagot ko.

"Pero mayaman ka?Hindi ba mahirap yun kasi maraming nang-iinis sa'yo?", tanong nya ulit.

"Sa ganong paraan ko kasi nararamdaman yung feeling ng inaapi. Mahirap pero nakakatibay ng loob. Kahit hindi pa nila kilala ang totoong ako, mas magandang ganito na lang. Kasi okay na naman ang pakikitungo ng lahat sa'kin. Bilang mayaman, gusto ko pa rin naman malaman ang pakiramdam ng inaapi."

Pagkatingin ko sa kanya ay nakatitig at nakangiti sya sa'kin. "Bakit?", tanong ko sa kanya.

"You know what? You're different. Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang sagot. Yung totoo at galing sa puso. Karamihan kasi sa mga naririnig ko eh puro kayabangan at kaplastikan. Naiba mo tuloy ang pagtingin ko sa mga nerd na kagaya mo", ang gwapo nya at ang bait-bait pa.

"Transferee ka ba?", tanong ko." Ahhh oo...hindi nga ako nakapasok kanina kasi nag-audition ko para sa broadcasting. 4th year na ako, kay Ma'am Espinosa, room 411." Ibigsabihin section 1 din sya?

"Kaklase pala kita?.. Eto oh may schedule ako", humina na ang ulan. Habang hinahalungkat ko ang bag ko ay bigla nya na lang kinuha ang bike ko. "Uy saan mo dadalhin yan?", tanong ko habang sinusundan sya. Isinakay nya ito sa isang pick-up at sinabing,"Sakay na, ihahatid na kita, huwag kang tatanggi...". Kinuha nya na rin naman ang bag ko kaya dumakay na rin ako.

Lumakas na naman ang ulan kaya madalian nyang ibinaba ang bike ko at nagpasalamat sa'kin bago umalis. Napakagentleman nya.

Teka, bat di ko yata tinanong ang pangalan nya? Ang tagal-tagal naming magkausap pero hindi man lang pumasok sa isip ko yun. Broadcasting? Hindi ko naman alam na pwede na pala mag-audition agad-agad doon. Hayyy... kailangan kong humabol doon.. extra-curricular din yun....

My Fake Lover CASSANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon