Hate 8

37 3 0
                                    

"Bakit ka ba maawa sa babaeng yun? hindi dapat kaawaan yun!" kausap ni Marco ang sarili niya..

"Hays.. ang gulo" napahiga nalang siya... di niya namalayan nakatulog na pala siya..

Si iya naman nagtataka hindi pa bumababa yung isa , dinner na kaya... kaya naman umakyat siya..

Kumatok siya, pero walang sumagot, bukas pala yung pinto, kaya naman nakita niyang tulog si Marco..

Nilapitan niya para gisingin..

Pero ng makita niya ang sarap ng tulog, kaya naman hindi na niya ginising,

Iya: "Gwapo ka sana kaso napakayabang mo naman,.."

Lumapit pa siya ng maigi kay Marco..

Iya:"see? napakaamo ng mukha mo, pagtulog,haha"

"Teka bt ko ba to tinitingnan?" Napailing nalang siya saka na siya umalis..

-------------

Oohh myy!, may maiinlove na kaya sakanilang dalawa?..

------------

Hapon ng sabado..

Napapakanta si Iya habang nagwawalis..

"Mahal, mahal na mahal kita, hindi ito magbabago asahan mo ito.. ma----" napahinto siyang makita niyang nakatayo pala si Marco sa pinto..

Iya:"kanina ka pa ba jan?"

Nagsmile siya saka tumango..

Umirap lang si Iya saka tinuloy yung pagwawalis...

Marco:"mukhang masaya ka ahh? anong meron?"

(Sarcastic tone)

Iya:"syempre kasi linggo na naman bukas, at malaya na naman ako, yes!"

Pang-aasar niya.

Napaisip naman si Marco..

------------

Kinabukasan...

Si Iya na nakagayak na, nagulat ng makita si Marco nakagayak din..

Nakangiti pa ito habang pababa..

Marco:"hi iya!.. ohhh aalis ka din pala? Hehe,gusto mo sabay na tayo?"

Iya:"umalis ka mag-isa mo!"

Saka dire diretso lumabas ng bahay..

Si marco naman naiwan na ngumingisi..

Pumunta na siya sa parking at umalis na siya..

---------------•

Naglalakad si Iya papuntang sakayan pa-bayan..

Si Marco naman sinusundan si Iya..

Marco:"ui Iya, lika na sabay ka na, tutal sa bayan din naman punta ko.."

Iya:"ayoko nga"

Pero sinundan padin ni Marco.. kaya naman nairita na si Iya.

Iya:"ano bang trip mo ha?! Sinusundan mo ba talaga ko para asarin lang ha?!"

Marco:"dammit! ikaw na nga tong nagmamagandang loob ikaw pa masisigawan! sige bahala ka sa sarili mo!"

Saka pinaandar yung kotse ng mabilis..

Iya:"di ako sasabay sa isang katulad mo! tse!"

Nakarating na si Iya sa bayan at naghanap siya ng computer shop, magchachat kasi sila ng kapatid niya ngayon...

Hate (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon