Doon Sa Aming Nayon

508 9 10
                                    

Doon, simple lang ang buhay,

Ulam namin laging isda at gulay.

Doon, malamig ang simoy ng hangin,

Pero kung kasama ang minamahal, hindi ka lalamigin.

Doon, madalas brownout at laging umuulan,

Pirmi ka lang sa inyong tahanan.

Doon, malayo ang kabihasnan,

Walang ibang magawa kundi makipagtawanan.

Doon, puro puno at palay ang makikita mo,

Kulay berde sila, pati na mga damo.

Doon, mabibingi ka sa katahimikan,

Sakto talaga na pahingahan.

Doon, mabibigat ang mga trabaho,

Ngunit maliligaya ang mga tao.

Doon, naranasan kong maghirap,

Naranasan ko ring matuto, magmahal, at magsikap.

Doon, una kong naramdaman ang kapighatian,

Naramdaman ko ring bawat tao’y may angking kabaitan.

Doon, maliit lang ang kinagagalawan ko,

Doon ko rin nakakalimutang malupit ang mundo.

Doon, ang lugar kung saan ako namulat,

Doon, kung saan ako natutong sumulat.

Doon, masasamang alaala ko’y inililibing,

Doon, kung saan ako nanggaling.

Ang lahat ng masamang nakita, narinig, at naranasan ko noon,

Doon, madaling naibabaon sa limot, sa kahapon.

Sa lahat ng masasamang paglalarawan tungkol doon,

Mga makabuluhang sandali ko’y hindi maikakahon.

Doon, oo, doon sa nayon…

Doon, oo, doon sa amin…

Idto – idto samu, sa Bicol,

Sa Nasisi, sa bulod.

Sa pamilya kong laging umaagapay,

Ang dahilan kung bakit ako nabubuhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Doon Sa Aming NayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon