Chapter 11- First Day: So Good or So Argh?!

182 7 1
                                    

Nimfa's Pov

Okay this is my first day. First day of acting a good, damn, sexy, gorgeous girl friend of Mr. Ipis. Ahahaha... Ang dami kong compliment sa sarili ko eh tapos pagdating kay Bautista, panlalait lang. Haha ^_________^ Ayos yan... xD

Inayos ko na ang sarili ko. Maaga kasi yung time ko ngayon, 7 am -_____- Takte lang ahh... Samantalang si Couz, ayun tulog na tulog pa dun sa kwarto... 9 pa kasi pasok niya... At ngiting-ngiti pa kahit tulog. Eh pano. sila na pala ni Ralph niya. Lumalove life na ehh... 

Papunta na ako sa pinto para lumabas kasi nga papasok na ko sa school nang biglang may nagdoorbell.

DING DONG

Bigla namang tumibok ng mabilis itong puso ko. Kinakabahan ako. Please sana wag si Chase yan.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto... Taena lang talaga ehh.. kinakabahan talaga ako.!! Pero nung nabuksan ko na yung pinto, Yung kaba ko napalitan ng pagtataka.

" Anong ginagawa mo dito??" Nakataas ang isang kilay na tanong ko sa lalaking nakangising nakatayo sa harapan ko . Tsk! Ang aga-aga ang panget ng pambungad. ><

\" Ano pa ba? Edi sinusundo ang girl friend ko.." I just rolled my eyes.

" Feel na feel mo naman ang pagiging boy friend ko huh BEBE ko?" his face turned into gray after hearing our super cute endearment. Ahaha.

" Stop calling me like that.! I-it sucks.!!" wahahahaha ang epic ng mukha niya..

" Why naman BEBE ko?? Its so cute kaya.. ^__^" I said mocking him.

" Isa! Kapag hindi ka tumigil dyan, hahalikan kita!" iritadong sabi niya.

" ahahaha... enough on your silly jokes boy friend ko... tara na pasok na tayo.."Kinaladkad ko na siya palabas ng unit ko. Para kaming tanga dun  nag-uusap sa pintuan. Ayoko namang papasukin sa loob kasi baka magising si couz tsaka papasok na rin naman kami sa school kaya wala ng sense kung papapasukin ko pa siya.

Sa kotse,  parehas lang kaming tahimik. Siya kinakareer ang pagdadrive, ako naman earphones plug in ang drama.

Pagdating namin sa campus, sabay kaming pumasok.. tapos bigla akong inakbayan nitong pekeng boy friend ko. Siyempre para raw mas makatotohanan ang drama... Nakakaasar nga eh1 Nabubwisit ako... !! Ang bango bango niya kasi!! Kahit ata isang taon ko siyang amuyin eh hindi ako magsasawa. Ambango talaga sooooobra!!! Lalaking-lalaki ang dating ehh... Pero yung amoy lang niya yung gusto ko. Hindi yung may ari ng katawan na inaamoy ko kasi never mangyayari yun.. As in NEVER.!

Pagkapasok namin ng room, Langya! Bangaw lang yata ang hindi tumigin samin. Lahat natulala nung nakita kami ehh... Well sino nga bang hindi matutulala kung si Nimfa na snober, loner sa klase, top two... halatang hate na hate si Bautista, ngayon ay inaakbayan ni Lester na si Mr. Top 1.! Tss... parang tungaw lang =_______=

Buti na nga lang konti pa lang yung tao dito. Medyo maaaga pa naman kasi. Si Ipis naman ... ayun nakangisi lang... lagi namang nakangiting aso yan... ( _  ___ " )

At dahil nga magbf kami. Kailangan sweet kami.. kaya eto, magkatabi kami sa upuan sa may bandang dulo pa nga eh... Maya-maya nagsipasukan na yung iba naming kaklase. Yung iba namumukhaan ko, yung iba hindi ko kilala kasi 2nd sem na. Yung mga bumaba yung grades napunta sa B o kaya sa C yung tumaas yung grades, dito sa A.

Nakikinig pa rin ako sa music nanag biglang inagaw ni Lester yung isang earphone ko at inilagay sa tenga niya tapos pasimpleng umakbay. Aangilan ko sana kasi magkatabi na nga kami't lahat, tapos aakbay pa!  Chansing na nga ata to ehh, ang kaso yung balak ko na pagtalak ko ay hindi ko na nagawa kasi naman! Yung katabi ni Bautista sa right side niya ay walang iba kundi ang pusang galang si Akira.!!! Taena naman oh! Ang gandang simula ng 2nd sem to! 

Chickboy vs. BadboyWhere stories live. Discover now