One

106K 2.2K 89
                                    

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. I don't recognize myself anymore. Mugto na ang mata ko sa kakaiyak, pulang-pula na ang pisngi at ilong ko, ang gulo-gulo pa ng buhok ko.

I look like a mess.

Nagpunta ako sa presinto kanina para manghingi ng tulong. But guess what? Wala akong napala. Pagkatapos ko ikuwento ang nangyari kanina sa mga pulis, nakita ko sa mukha nila ang pagpipigil ng tawa saka ako sinabihan na mag-file na lang ng blotter. Eh hindi ko nga sila kilala! Wala akong kalam-alam kung sino ba si bossing.

Sa bagay sino ba namang hindi matatawa sa sinabi ko kanina.

"Patulong ho mga, Sir! May nagbabanta po kasi sa buhay namin ng mga kapatid ko, 'yong pinagkakautangan ng tatay namin!"

Nang tinanong ako kung sino 'yong pinagkakautangan ng tatay ko, syempre wala akong maisagot. Pinakita ko na lang 'yong natatanging ebidensya na iniwan nila sa akin saka ko kinuwento ang nangyari. Unang pangungusap pa lang, alam kong wala na akong mapapala kaya hindi na ako nag-effort na ipakita pa ang laman ng envelope. Tiniis ko na lang ang pasimple nilang pagtingin sa boobs at legs ko kahit uwing-uwi na ako. Nagdadasal na baka naman may mapala ako sa pagre-report ko sa mga pulis.

Hindi ako nag-aksaya ng minuto pagkatapos akong sabihan na puwede na akong umalis. Dali-dali akong lumabas ng Police Station at naglakad ng matulin pauwi.

Pagkasara ko ng pinto pagkauwi ko, isa-isang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan sabay ng pangangatog ng mga tuhod ko kaya napaluhod na lang ako.

Bigla akong nanghina. Nawalan ng lakas. Isa-isang kumawala ang mga hikbi ko hanggang sa napuno ng tunog ng pag-iyak ko ang tahimik naming apartment.

Hinayaan ko ang sarili kong malungkot, makaramdam ng pagkatalo habang nag-iisa pa ako. Ayoko kasing makita nila Emman at Jena na nanghihina ako. Gusto kong lagi nilang isipin na ako 'yong pader na lagi nilang masasandalan dahil sa huli, kami na lang ang mayroon ang isa't-isa.

Dumiretso ako agad sa banyo para maghilamos pagkatapos kong naiiyak ang lahat. Napatitig ako sa salamin, ngayon ko na lang ulit nakita ang sarili kong umiyak. Hindi ko na kasi tanda ang huling beses na may naramdaman akong luha na dumaloy sa mga pisngi ko.

Napahinga akong malalim bago nag-isip ng pwedeng solusyon sa problema ko.

Hindi na ako pwedeng lumapit pa sa mga pulis dahil wala naman silang naitulong. Hindi rin ako pwedeng lumapit sa mga kamag-anak namin kay Mama o Papa dahil matagal na nila kaming tinalikuran. Hindi rin naman ako puwedeng mangutang kay Miss Kriss ng ganoong kalaking pera. Wala rin naman akong mahahanap na trabaho na kaya kong mag-ipon ng milyon bago ang katapusan.

Naloko na.

Para akong nakulong sa munting seldang wala akong gagalawan.

Muli nanaman nagbadya ang mga luha ko pero pinigilan ko. Hindi ako magpapadala sa emosyon. Lalo akong hindi makakapag-isip ng matino kung puro iyak ang inuna ko.

Naburo ako sa loob ng apartment buong araw. Nagpaalam na lang ako sa Manager ng restaurant na hindi muna ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko. Hindi kasi ako makakapagtrabaho ng matino dahil lilipad at lilipad ang isip ko sa problema ko ngayon.

"Ma, paano na kami?" bulong ko sa kawalan, nagbabakasakali na bigyan niya ako ng solusyon.

Hinintay ko ang pagdating ng dalawa galing eskwelahan bago ko sila ibinilin sa kapit-bahay namin.

Nahalata pa nga ni Aling Lusing ang taranta sa boses ko nang nagbibilin ako sa kanya bago ako umalis. Kung puwede lang sana na 'wag muna akong pumasok sa bar, gagawin ko. Ang kaso, malaki ng kawalan ang pag-absent ko kanina sa restaurant. Hindi ko na hahayaan na mawalan nanaman ako ng kita dahil sa pagpapadala ko sa takot ko.

Akala ko kay Aling Lusing lang ako walang lusot, pero pagkarating ko sa bar napansin ng lahat na parang 'off' daw ang mood ko at para wala ako sa sarili. Hindi ko naman pinansin ang mga 'yon at sinabi na lang na pagod ako sa isa kong trabaho.

Ikakanta ko na lang ang lahat.

Narinig ko ang madalas na reaksyon ng mga customers ng bar ng umakyat ako sa stage. Lahat sila naghihiyawan at kumakantyaw.

But this time, the aura seemed different. I searched the audience and my eyes landed on a guy with an unfamiliar face.

Maliit ang business ni Miss Kriss, halos lahat ng kinakantahan ko mga regular na. But him, I know he's never been here before. He doesn't fit the crowd; he looks like he came out of a business magazine.

I was staring at him and it's weird because I think he's staring back at me. Nakaupo siya sa pinakadulo ng bar area habang paonti-onting umiinom sa baso ng alak na hawak niya. I don't know but something about how he looks at me sends shivers down my spine.

Madali ko namang binalewala ang pakiramdam na 'yon. Whatever this weird feeling, I regarded it as an effect of the incident this morning.

"Good evening, everyone. Hope y'all doing a great time tonight." I said through the mic. Wala naman akong naintindihan sa mga sagot gawa ng sabay-sabay na pagsasalita ng mga tao sa paligid ko. Muling nagawi ang tingin ko sa lalake sa 'di kalayuan. Ganoon pa rin ang itsura niya, tahimik na para bang inoobserbahan ang bawat kilos ko.

I cleared my throat before I started singing.

"I can hold my breath; I can bite my tongue. I can stay awake for days if that's what you want. Be your number one~ "

Napansin ko ang pag-ubos niya sa iniinom niyang alak bago niya ibinigay sa akin ang buong atensyon niya. Hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko, para ba akong natutunaw na nasusugatan na naiinitan sa talas ng tingin niya.

Nang tinapatan ko ang pagtitig niya, tila nawala lahat ng kasama namin sa bar, ako at siya na lang ang natira. Lahat ay itim pwera sa aming dalawa, para bang nagkaroon kami ng sarili naming spotlight.

Napapikit ako dahil sa 'di kahabaang minutong iyon, nakaramdam ako ng 'di karaniwang kuryenteng bumalot sa buong katawan ko. Hindi ko siya kilala pero ano itong ginagawa niya sa akin?

Natapos ko ang kanta ng hindi na ulit pang naglakas ng loob na lumingon sa misteryosong lalakeng nagkakampo sa gilid ng bar ni Miss Kriss.

Magtatanong pa lang ako sa banda kung ano ang susunod na kanta ng bigla sumenyas sa akin si Miss Kriss.

I excused myself and went down the stage to where she is.

"Net, kilala mo ba ang lalakeng iyon?" tanong niya sa akin habang hawak ang magkabilang kamay ko. Pasimple siyang sumenyas sa gawi ng taong kanina pang bumubulabog sa isip ko.

"Hindi po, eh. Bakit po?"

"Sabi kasi ni Harold, pagkapasok niya, ikaw raw agad ang hanap."

Napalunok ako bigla sa kaba. 'Wag mo sabihing may utang din ang tatay ko sa kanya at heto siya't maniningil!

"Why don't you dedicate your next song for him? Baka malay natin 'diba? Maging regular din natin siya rito, eh mukhang yayamanin. Baka naman maging big shot tayo dahil sa kanya." Nakita ko ang pagningning ng mga mata ni Miss Kriss sa mga sinabi niya.

Wala akong ibang nagawa kundi sumang-ayon sa kanya. Tutal wala naman siyang ibang ginawa kundi tulungan ako. Ano lang naman ang pag-de-dedicate ng kanta sa taong 'di ko kilala 'diba?

Pumanik ako muli sa stage at nag-swipe sa maliit na screen ng tablet sa harap ko para makita ang pinili ng banda na susunod na kanta. Napairap ako sa kawalan ng nakita ko ang title.

"This next song is dedicated to our special guest for tonight. Mr - " I paused to read the scribbles on the piece of paper Miss Kriss handed me a few minutes ago. "Mr. Zafranco."

When the tune of 'Can't Take My Eyes Off Of You' boomed around us, I saw how his body jerked up as if by response. Bitbit ang baso ng alak, lumipat siya ng mauupuan – sa mesang nasa harap mismo ng stage kung nasaan ako.

He leaned back in his chair, and he smirked at me. Now that he's close, I got a good look of his perfectly chiseled face. And darn me because he is too fucking close to perfection.

"I hope you will like it." I murmured through the mic, and once again everything around us dissolved to the ground. While the music beat around us, I swear I heard how my voice wavered and how hard my heart thumped against my chest.

Who is he and what is he doing to me? 

Stonehearts 1: GarnetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon