Fifth/Final

5.1K 50 26
                                    

John's Point Of View

September 30, 2003 iyon nang nawala siya..

Yung aso ko.

Di joke. Siya.. Ang babaeng mahal ko. Sobrang pinagsisihan ko ang aking ginawa. Dahil pati nanay niya'y nadamay sa lahat ng gulo kong ginawa. Hindi ko na alam ang gagawin ko para maayos ang lahat dahil sabi nga nila, huli na.

Huli na dahil nawala na silang dalawa. Silang dalawa. Syreen:Kath. 

"Kasalanan mo lahat ng 'to!! Ako nalang mag-isa! Iniwan na nila ako! Ano ba ang kasalanan namin sa'yo ha?" Nandito kami sa ospital. Kabalita lang ng doktor na w-wala na si Kathryn.

Lord, bakit ganito? Bakit nagkaganito? Sisihin nyo na ako. Ikaw mismo na nagbabasa, alam kong galit ka sa'kin! Eh sino bang hindi magagalit?

"Lumayas ka na sa paningin ko!! Ayaw ko nang makita ang pagmumukha ng dahilan na nawala ang dalawang importanteng babae sa buhay ko. Layas!!" 

"Sorry po. Sorry sa lahat-lahat. Alam kong malaki ang kasalanan ko."

"May magagawa ba ang sorry mo? Pwede ba yang ikabuhay nila? Ano? Ha?!" Hindi na ako makasagot. Tumalikod nalang akong luhaan.

Gusto kong kalimutan lahat ng ito.. Pero paano?

"Carl, samahan mo ako." text ko sa bestfriend ko.

Dumeretso ako sa AAA's. Ang mga waiter at waitress ay nakapulang pantalon at puting tshirt na may print sa likod na "AAA's: Aliw, Alak, All-in-one"

What? Does that even make any sense?

"Bestfriend!" Ew, Carl. Ang gay. Hahaha

"Inom." tipid kong sabi.

Nag-order na kami ng alak. Isang case, to be exact. Wala akong paki-alam sa sasabihin ng ibang tao. Gusto ko lang makalimutan, kahit saglit ang lahat ng aking nagawa.

Minahal ko naman talaga siya eh. Kung pwede ko lang ibalik ang lahat, gagawin ko. Pero, hindi na diba? Huli na ang lahat. 

Tatanggapin ko kung ano man ang parusa na iyong ibibigay sa'kin, Panginoon. Kahit katumbas pa ne'to ay aking buhay.

Nakarami na ako kaya napagdesisyonan kong umuwi na. Lasing na lasing ako. Paguyung-guyung sa daan. Pero may dala parin akong bote sa aking kamay at patuloy ang pag-inom hanggang malapit na ako sa bahay. Este bahay ni Carl.

"A-anak?!" Yun ang narinig ko. Ha? Ano raw? Anak? Sa pagkatanda ko, wala na akong nanay ha ha ha ha ha. Tinalikuran na ako eh! Pati ng kuya kong-- ewan!

"ANO BA HA!?" Dahil nainis ako, pinalo ko siya gamit ang boteng dala ko.

"I c-came b-b-back.." Yun ang huling narinig ko mula sa kanya.

Doon ako natauhan na nagkasala na naman ako. URGHH!! AYOKO NA!!!

Agad akong tumakbo papunta sa bahay nina Carl at dumeretso sa kusina nila. Hinanap ko iyon sa drawer nila. At sa wakas, nahanap na.

"Panginoon, patawad sa lahat-lahat. Ako'y pagod na pagod na. Salamat sa pagkakataon na maramdaman ang pakiramdam na may nagmamahal. Pero sa ngayon, hindi ko na kaya ang lahat.." 

Handa na ako..

"BESTFRIEND! WAG!!"


And everything went black.

=======================================

THE END.

Ang Girlfriend Kong Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon