Chapter 23

605K 19.2K 11.3K
                                    


WHAT THE HELL ARE THEY DOING HERE?!

Am I really seeing Kyo and the rest of his gang? I mean his daughter Kia and Ybarra on his side? Are they here to fight for me?

I had to get up. It didn't matter to me if I was wounded. All I care about was Aviona. Isa pa, kapag nanatili pa akong nakalupagi dito ay baka maunahan ako ni Kyo kay Patrick. Walang ibang pwedeng pumatay sa kanya kundi ako! Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang pagtatangka kay Aviona!

Matagal na akong nagtitiis sa kanya kahit noon ko pa siya gustong lagyan ng gripo sa tagiliran. Pero ngayong wala na ang triad which backing him up at wala na rin ngayon ang huling transakyon na isinasaalang-alang ko noon ay pwede ko na siyang itumba. 

The two men on my back are about to wrestle me but they failed. Nabaril na sila  ni Kia at Ybarra sa paa bago pa nila ako malapitan.

I struggled to stand, but I made it. Dinampot ko ang baril ng tauhan ni Patrick na wala ng buhay. I needed a gun as I saw more cars arrive and parked outside the glass window.

"We have to move," Ybarra said. Mukhang nakita na rin niya ang mga sasakyan na dumating.

Napangisi si Patrick. "Do you think you can escape?" He was looking at me. "I doubt that." Pagkuwan ay mabilis siyang pumihit paharap kay Kyo.

Naagawan niya agad ang baril nito at itinutok kay Kyo. Napangiti siya. "You're slow."

Subalit segundo lang ay nakuha muli ni Kyo ang baril sa kanya. Para itong bulang bigla na lang nawala sa kamay nya.

"What are you saying?" itinutok muli ni Kyo ang baril sa mukha niya.

Napatigagal na lang si Patrick sa bilis ng pangyayari.

"He's mine." I said to Kyo.

Napabaling silang lahat sa akin.

Maingat na ibinaba ni Kyo ang kanyang baril na nakatutok sa lalaki. Umatras siya pagkatapos. He was giving us space to fight.

Marahang hinubad ni Patrick ang suot niyang coat at inililis ang kanyang long sleeves. Pinatunog niya pa ang kanyang mga daliri upang ihanda marahil ang sarili.

"Do you really wanna do this?" he asked, grinning.

Isinuksok ko ang hawak kong handgun sa aking likuran. Iika-ika akong naglakad patungo sa kanya. I don't care about the pain in my back. I don't care if I am feeling so weak right now. All I wanted to do right now was to break his neck and rip his chest until he dies.

I am Aviona's monster and I will kill for her.

Hindi bale nang masaktan ako basta mapatay ko lang ang hayop na ito. Sinaktan nya si Aviona kaya papatayin ko sya!

Mabilis na sumugod si Patrick para yapusin ako sa tiyan. That was an old style kaya hindi na uubra sa akin yan. Kaya naman walang kahirap-hirap na nailagan ko iyon. Nasubsob tuloy sya sa kung saan.

Napapailing na lang si Kia. She must have known that Patrick was a moron.

Bumalik si Patrick sa akin at pinagsusuntok ako. Subalit wala ni isa man ang tumama sa akin. 

"Make it quick, Lander!" sita sa akin ni Ybarra.

Kaya hinuli ko na ang pulso ni Patrick nang susuntukin sana ako nito sa mukha at pinaikot sya sa ere. Pagbagsak nya sa sahig ay binali ko ang braso nya. Napahiyaw sya sa sakit.

Hinugot ko ang baril sa aking likuran at itinutok sa ulo niya. "Now, who's smarter?"

Nakakapagtakang napangiti pa siya nang lagay na iyon. "You are all gonna die here. Nariyan na ang mga tauhan ko."

His Indecent Proposal: Lander MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon