Para Sa'yo 'to Kaibigan!

443 9 27
                                    

Para Sa'yo 'to Kaibigan!

                                   

Sa pribadong paaralan

Tayo'y unang nagkatagpuan

 Pangalang di maintindihan

Nang ako'y iyong sabihan

                                               

Di kalaunan

Tayo'y naging magkaibigan

Kasama ang anim pa natin

Mga kalog na kaibigan

                               

Sa paglagas ng mga dahon

Marami akong natutunan

Iyo palang napupusuan

Bokalista ng isang boy band

                             

Sa pagkain naman, ika'y mapili

Pagkat dalandang inalok ko'y iyong itinanggi

Sa mga bagay-bagay ika'y nasisiyahan

Basta ba ito'y bughaw, ay ayos lang

                 

Sa paglipas ng panahon, di ko namalayan

Labinlimang buwan na pala tayong magkakaibigan

Kaya naman nais kitang pasalamatan

Sa iyong inihandog na pagkakaibigan

                     

Siya nga pala, iyong pagpasensyahan

Ugali kong,  'di maintindihan

Madalas ako'y iyong sabihan

Maging tapat sa aking tunay na nararamdaman

                   

Kaya naman, ika'y aking pagbibigyan

Sa tulang ito'y iyong malalaman 

Kung gaano ko pinapahalagahan

Ang walang katumbas nating pagkakaibigan

 

 Hindi man ako 'sing tamis ng kending paborito mo (sa pagsabi ng imissu" o "iloveu)

Bagaman nais kong malaman mo

Sa tuwing wala kang matatakbuhan

Nandirito lamang ako, kaibigan!

                 

Kaya naman, lagi mong pagkatatandaan

Tayo'y magiging magkaibigan, magpakailanman

Pagkat pagkakaibigan nati'y walang hangganan

Maraming salamat sayo, matalik kong kaibigan!

                                                                   

  fizz_chae07

———————————

WAAH! Pagpasensyahan! Prinessure mo ko eh! xDD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula ni FizzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon